Chapter 4

19 5 0
                                    

Pabagsak akong nahiga sa kama ko habang nakatitig sa aking cellphone.

"Ang hirap mong hanapin! bwiset ka!" gigil na saad ko habang nag s-scroll sa friendlist ng isang kaklase niya.

Ano bang klaseng account mayroon ang baklang yun?!

"Aray pota!" napamura nalang ako nang malaglag bigla ang cellphone sa mukha ko.

Bwiseeeeet ano ba talagang pangalan niya?! huhu kainis!

Pabato kong binitawan ang cellphone ko dahil sa inis.

Makita ko lang ang account niya, humanda siya sa akin. Hinding-hindi ko siya titigilan!

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod at antok.

Naalimpungatan lang ako nang marinig na may malakas na kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Ellisse! Bangon na! Tanghali kana!"

Napabalikwas ako ng bangon at agad na hinanap ng mga mata ko ang aking cellphone.

"ELLISSE!"

"Opo!" balik na sigaw ko at dinampot ang aking cellphone.

At halos mapamura ako nang mapagtantong lowbat ito kaya hindi nag-alarm.

Mabilis kong hinagilap ang aking charger.

Napatingin ako sa wall clock at nanlaki nalang ang mga mata ko dahil sa nakita.

"Punyeta! mag-aalas-sais na?!" gulat na sigaw ko at agad na napatakbo sa cr.

Mabagal pa naman akong kumilos letse!

"Ma, bakit di ninyo agad ako ginising?!" pagmamaktol ko nang matapos akong maligo.

"Tinanghali din ako ng gising."

Halos maiyak na ako katitingin sa orasan habang kumakain.

Lagot ako neto! bawal pa naman kami ma-late! huhu taena!

"Alis na ako, Ma!" sigaw ko at nagtatakbo na palabas ngunit agad akong napabalik nang maalalang wala pa sa bag ko ang baon kong kanin.

Kung kelan nagmamadali saka hindi madali!

Kinagat ko ang labi ko nang mapatingin ako sa orasan sa cellphone ko. 6:45 na! Pero hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakasakay! Nice!

"Sasakay ka?" mabilis akong napaangat ng tingin at sinamaan ang driver ng tricycle na nakatingin sa akin ngayon.

"Hindi ba ho obvious?!" inis na saad ko at mabilis na sumakay sa tricycle.

Bwiset din eh!

Binuksan ko ang aking messenger at hinanap kaagad ang group chat naming magkakaibigan bago ako nagtipa ng mensahe.

Ako:

Guys! Nandiyan na ba si Ma'am? Male-late ako, pakisabi! Thank youuu!

Napahinga ako ng malalim at inis na binalingan ang driver na katabi ko ngayon, may pakanta-kanta pa siya. Hindi niya ba naiisip na late na ako?

Sa halip na punain ang mabagal niyang pagmamaneho ay nanahimik na lang ako, baka kapag tinanong ko siya ay bigla niya nalang akong itulak sa kalsada.

Lakad takbo na ang ginawa ko nang sa wakas ay makarating ako sa school. Ngayong araw ay muli akong nainis sa katotohanang nasa fourth floor pa ang aming classroom!

That Gay Is My CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon