Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagpagulong-gulong sa kama ko.
Dinampot ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na, and damn! 1:45am? Shit! May pasok pa ako!
Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at tumili habang nagpapa-padyak ng paa sa kama.
Argh! Nakakainis!
Sa tuwing naaalala ko ang itsura ni Kruss kanina ay parang gusto ko nalang malusaw bigla dahil sa hiya. Punyeta naman oh!
Kasalanan talaga 'to ni Vea! Matapos ko siyang tulungan para makausap ang crush niya ay ito ang igaganti niya sa akin? Argh! Hindi ko talaga ise-send ang picture nila ni Kuya Mark! Manigas siya!
Napasigaw na naman ako sa inis nang maalala ko ang nangyari kanina habang naglalakad kami palabas ng campus.
"Gusto kong mag-thank you, Ellisse." nakangisi parin na sabi ni Vea.
Napalunok ako at napatingin kina Kruss, medyo malapit na kami sa kanila dahil mabagal ang paglalakad nila.
Muli kong tiningnan si Vea, mas lalong lumawak ang pagkakangisi niya na parang sinasabing 'It's my turn to revenge'. Damn!
"H-hoy! Tinulungan k-kita para makausap si K-kuya Mark, ah? H'wag mong ituloy iyang n-nasa isip mo, nako!" nauutal na sabi ko at kinakabahang tumawa. Pero ang gaga! Nakangisi parin sa akin.
"Vea naman, eh!" naiiyak nang sabi ko. Nagtawanan naman sila nina Alliah at Cian.
At ako naman ang pinagtitripan niyo, ha?
Binalingan ko sina Cian at pinukol sila ng masamang tingin pero sa halip na matakot, mas lalo lang silang humagalpak ng tawa.
"Tutulungan din kitang makausap ang crush mo, Ellisse. Pambawi man lamg sa ginawa mo kanina, 'di ba?" medyo may pagkasarkastikong sabi niya.
Kilala ko si Vea, maaaring tiklop siya pagdating sa kaniyang crush pero kilalang-kilala ko talaga siya! She can do whatever she want and now, I'm doom!
Binagalan ko ang paglalakad ko at sumulyap muli kina Kruss, nakatigil na sila ng mga kaibigan niya at nagtatawanan habang nakatingin sa cellphone nung isa.
Bakit ba sila tumigil? Hindi ba nila pwedeng tingnan ang kung ano mang iyon habang naglalakad sila?
Nagulat ako nang hawakan ako ni Vea sa braso, tumingin siya kina Cian at Alliah at kinindatan ang mga ito.
Talagang pinagtutulungan nila ako ha?!
"Vea naman, eh! Ililibre nalang kita!" naiiyak na sabi ko habang hinihila ang braso ko.
"Hindi ako katulad ni Cian na patay-gutom, no! At saka dapat pareho tayo ng mangyayari between our crush. Dapat katulad ng ginawa mo sa akin kanina," nakangising sabi niya habang hinihila ako.
BINABASA MO ANG
That Gay Is My Crush
Teen FictionFormer title: I Fell Inlove With A Gay ---- Date started: April 02, 2020 Date finished: ------