Chapter 14: Date (part 3)

8 3 1
                                    

"Five!"

Napapairap kong pinanood si Kruss na abala sa pagbibilang ng mga nakikita niyang gwapo. Magkatabi kaming naglalakad sa gilid ng kalsada, abala ang kamay niya sa pagtuturo ng mga gwapong nakikita niya habang ang mga kamay ko naman ay nanatili lamang na magkahawak sa aking likuran.

Inilabas ko mula sa bulsa ko ang aking cellphone at ini-open ang camera nito. Pasimple kong kinuhanan si Kruss habang hindi siya nakatingin at animong tuwang-tuwa pa sa kaniyang ginagawa.

"Six! Seven! Eight! Oh, ang dami nila!" nagugulat na bulalas niya. Napailing na lamang ako habang natatawa. Isinilid ko na muli sa bulsa ko ang cellphone nang makuntento sa pagkuha ng mga litraro niya

"Twelve! Bwahahaha! Hoy! Ano---"

Natigilan siya nang lingunin ako at nakitang nakatitig lamang ako sa kaniya. "B-bakit parang ako lamang ang naghahanap? Akala ko ba padamihan tayo? Labindalawa na ang nakita ko pero wala ka pang naituturo sa akin kahit isa!" reklamo niya.

Muli kong inilagay sa aking likuran ang dalawa kong kamay at inunahan siya sa paglalakad. Nagpalinga-linga ako sa paligid at kunwaring naghahanap ng gwapo.

"Tsk tsk, wala ka pala eh! Ano ha? Yabang-yabang mo kanina pero wala ka namang makitang gwapo. Mas malinaw pala ang mga mata ko kaysa sa iyo! Hahahaha!"

Lihim akong natawa dahil sa sinabi niya. Nanatili ako na naglalakad sa unahan habang siya ay nasa likuran ko parin.

"Oh, thirteen! Ano ba naman, Ellisse? Hindi mo ba nakikita 'yon!"

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa nang malakas. Mga gwapo lang pala ang makapagpapa-hyper sa kaniya!

"Fourteen! Fifteen!"

Nanatili akong tahimik habang lumilinga-linga sa paligid.

"Ellisse! Wala ka pa rin bang nakikita----"

"Isa!"

Natigilan siya sa paglalakad at nanlalaki ang mga singkit na matang napatitig sa akin nang biglaan akong humarap sa kaniya at itinuro siya.

"Isa..." pag-uulit ko sa mahinang boses habang tipid na nakangiti sa kaniya.

Napalunok pa muna siya bago nakapagsalita. "A-ano?"

"Isa... isa lang, Kruss. Sa mga oras na ito ay isa na lamang ang gwapo sa paningin ko." tumigil ako sa pagsasalita at tumitig sa kaniya habang nakangiti ng matamis. "Ikaw... ikaw lang."

Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin. Nakatitig lamang kami sa mata ng isa't-isa habang nanatiling nakatayo sa gilid ng kalsada. Sandaling nawalan ng ingay sa pandinig ko. Ang mga ugong ng sasakyan sa gilid namin, at ang ingay ng mga tao sa paligid ay panandaliang nawala. Tanging malalakas na pagtibok lamang ng puso ko ang aking naririnig habang nakatitig sa magagandang mga mata ni Kruss.

Ilang beses siyang kumurap-kurap bago nag-iwas ng tingin sa akin at mahinang tumikhim.

"Anong.... anong ako lang?" bigla ay tanong niya. Muli niyang sinalubong ang mga titig ko. "Eh kanina nga lamang kinikilig ka doon sa mga sakristan. Sinabi mong g-gwapo ang mga 'yon, 'di ba?" umawang ang labi ko dahil sa animong panunumbat niya.

"K-kanina lang 'yon---"

"Na-gwapuhan ka pa rin!" tuluyan na akong nagulat sa biglaan niyang pagsigaw. Maging siya ay parang nagulat rin sa sariling asta.

"Bakit parang galit ka?" nagtatakang tanong ko.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya bago nag-iwas ng tingin. "Hindi ako galit, sinasabi ko lang," aniya.

That Gay Is My CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon