Chapter 16

15 2 1
                                    

"Psst! Vea!"

Natigil sa pag c-cellphone si Vea nang sitsitan ko siya, tumingin siya sa akin at ngumiti. "Bakit?"

Naningkit ang mga mata ko sa kaniya. "May hindi ka sinasabi sa akin."

Kumunot ang kaniyang noo dahil sa pagtataka. Naramdaman ko naman ang biglang paglapit sa amin nina Alliah at Cian.

"Oy, ano 'yon?" usisa nila.

Mas pinaningkitan ko pa ng mga mata si Vea habang siya ay inosente lamang na nakatingin sa akin.

"Nakita ka ni Ate kahapon sa park," panimula ko, bahagya siyang natigilan. "May kasama ka daw lalaki, sino 'yon?" dagdag ko.

Tumili ang dalawa ko pang kaibigan habang si Vea ay nanlalaki ang mga mata at namumula ang magkabilang pisngi.

"Ano?"

"H-ha?"

Mahina siyang binatukan ni Alliah kaya nakanguso siyang tumingin dito.

"Gaga ka! Bakit hindi ka nagsasabi sa amin, ha?!" mataray, nakapamaywang na sabi ni Alliah.

"E-eh kasi..."

"So... who's the guy?" nang-uusisang tanong ni Cian. Huminga nang malalim si Vea bago sumagot.

"S-si... si M-mark," napapapikit na sagot niya.

Halos sabay-sabay na namilog ang mga mata naming tatlo dahil sa isinagot niya.

"Si Kuya Mark?!" hindi makapaniwalang bulalas ko. Marahan niya lamang akong tinanguan.

"Oh my God... bakit naman kayo magkasama? T-teka... kelan pa, ha?" ani Cian.

"Ano... nagsimula na kaming magkachat simula nung... unang beses kaming nagkausap." napatulala kami sa nakangusong si Vea.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?!"

"Anong klaseng kaibigan ka?!"

"You're unbelievable!"

Iwinasiwas ni Vea ang dalawa niyang kamay sa harapan naming tatlo habang umiiling.

"H'wag na kayong magalit sa akin... nahihiya lang naman ako eh."

Sumandal ako sa aking upuan at nakahalukipkip na tumingin kay Vea na ngayon ay hindi na makatingin ng diretso sa amin.

"Updated ka sa lahat ng nangyayari sa amin ni Kruss tapos...." nakangusong sabi ko.

"S-sorry na!"

Nakataas ang kilay na binalingan naman ni Alliah si Cian na noo'y nagtaka pa.

"O-oh? Bakit?"

"Baka mayroon ka riing hindi sinasabi sa amin?" ani Alliah.

"W-wala ah!" pagdedepensa ni Cian ngunit halata ang mabilis na pag-iiwas niya ng tingin.

"Nakikita kita minsan na ngingiti-ngiti diyan sa cellphone mo.." naniningkit ang mga matang saad ni Alliah. "Iyon pa rin bang lalaki mo sa dummy account?"

Nalukot ang mukha ni Cian. "Pinagtitripan ko lang yun, 'no!" tumaas ang kilay ko dahil sa isinagot niya.

"Trip lang pero kinikilig?"

"Bakit? Bawal kiligin kapag trip lang?" nanghahamon na sagot niya.

Napairap kaming dalawa ni Alliah at hindi na muli kami nagdaldalan nang may pumasok nang teacher sa aming classroom.

**

"Pupunta ako sa room nina Kruss," saad ko nang mag Lunch Break.

"Hindi kami sasama! Ano 'yon? Bababa ka ng fourth floor tapos aakyat ka ulit sa fourth floor? Nakakapagod yun, girl!" sambit ni Vea.

That Gay Is My CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon