Hindi na nawala pa ang kasiyahan ko hanggang sa makauwi ako sa bahay. Alas-kwatro na nang makauwi ako at si Mama lamang ang aking nadatnan.
"Nasaan po sina Ate?" tanong ko habang nakaupo sa sofa at naghuhubad nang aking sapatos.
"Gala din," sagot ni Mama na noo'y nagtitiklop ng mga damit.
"Sila pong tatlo nina Kuya Lorenz at Ram?"
"Oo.. bakit pala ngayon ka lamang?" saglit sumulyap sa akin si Mama matapos magtanong.
Napangiti na naman ako nang maalala si Kruss at ang mga nangyari kanina. Hanggang ngayon talaga ay kinikilig pa rin ako!
Ikaw ba naman ang makahalik ng dalawang beses sa crush mo!
"Napasarap lamang po sa bonding. Hindi na po namin namalayan ang oras," nangingiting sagot ko at humiga sa sofa.
Nagpahinga lamang ako saglit nang mapagpasyahan kong pumunta muna sa aking kwarto para magbalita sa mga kaibigan ko.
"Nakadalawa akong halik sa pisngi niya!"
Sabay-sabay nilang natutop ang kanilang bibig dahil sa sinabi ko. Humagalpak ako nang tawa dahil na rin sa kilig.
"Oh my God, Ellisse! Proud na proud ako sa iyo!" nagugulat na sabi ni Alliah 'tsaka siya humagalpak nang tawa.
"Hmm, well!" may halong yabang na sabi ko.
Ikinwento ko sa kanila ang halos lahat ng nangyari, walang labis at walang kulang, dahilan kung bakit nagkagulo silang tatlo.
"Kiss be with you amp! Hahahaha!"
Tumatawa kong pinanood ang mga kaibigan ko na nagtatawanan rin dahil sa sarili nilang kalokohan. Gabi na nang matapos kaming mag-usap kaya naman lumabas na ako sa kwarto ko para kumain ng hapunan. Naabutan ko si Mama, Papa, at ang pamilya ni Ate na kauupo lamang din sa hapag.
"Saan kayo pumunta, Ate?" tanong ko habang nagbubukas ng ref.
"Sa Mall."
Kumuha ako nang pitchel at baso para uminom.
"Pero sa park kami unang pumunta." halos maibuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa sinabing iyon ni Ate. Napapahid ako sa aking bibig at napapalunok na tumingin kay Ate.
"A-anong oras k-kayo pumunta doon?" baka nakita nila kami ni Kruss!
Saglit na nag-isip si Ate bago sumagot sa akin. "Hmm, ala-una na yata iyon."
nakahinga ako nang maluwag dahil sa sagot ni Ate.Ibinalik ko sa ref ang pitchel bago ako muling humarap sa kanila pero ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang naniningkit na mga mata sa akin ni Ate. Nakanguso akong naglakad palapit sa mesa at naupo sa tabi ni Mama, kaharap ko si ate.
"A-ano?"
"Bakit ganiyan ang reaksyon mo, ha?" nanghuhuli ang tono na tanong ni Ate. Umiwas ako nang tingin sa kaniya at nagsandok nang pagkain ko.
"Anong sinasabi mo diyan, Ate?" tanong ko na hindi makatingin sa kaniya.
"Siguro may ka-date ka kanina, 'no? Hmm, natatakot ka na baka nakita kita kanina?" bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Ate.
Sina Mama, Papa, at Kuya Lorenz ay nakatingin na rin sa akin habang si Ram naman ay abala lamang sa pagkain.
"H-hindi, 'no!" pagdedepensa ko pero mukhang hindi naniniwala ang baliw kong Ate. "Ano.... naisip ko lamang kasi na k-kung nakita namin kayo ng mga k-kaibigan ko.. e-edi sana s-sumama kami sa inyo. B-baka ililibre ninyo kami h-hehe." sumubo ako ng kanin para maiwasan ang mga tingin nila.
BINABASA MO ANG
That Gay Is My Crush
Teen FictionFormer title: I Fell Inlove With A Gay ---- Date started: April 02, 2020 Date finished: ------