"Anong balita?" tanong ko sa mga kaibigan ko na kausap ko ngayon sa video call.
"Punta kami diyan bukas, ah?"
"Maghanda ka ng foods bwahahaha!"
"Nood tayo movies!"
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanila na kapwa nakangisi sa 'kin.
"Bakit?" takang tanong ko.
"A-anong bakit?" si Cian.
"Hindi ba kami welcome diyan, ha?" tanong naman ni Alliah habang nakataas ang isang kilay.
"Oohhh, wala 'tong kwentang kaibigan!" sabat naman ni Vea.
"H-hoy! Hindi, ah! Ang ibig kong sabihin.. bakit biglaan? Hindi naman kayo pumupunta dito, 'di ba? Doon tayo madalas kina Vea manood ng movies," kunot-noo parin na saad ko.
"Hmm syempre, kakailanganin mo kami.."
"Anong kakailanganin? Saan? Bakit?" sunod-sunod na tanong ko dahil sa sinabi ni Cian.
"Sa date ninyo ni Kruss!"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sabay-sabay nilang sagot.
"Mga engot ba kayo?! Ni hindi pa nga siya pumapayag, eh!" nakangusong sambit ko.
"Wala ka bang tiwala sa amin? 'Di ba I told you naman na We'll do everything para matuloy ang date ninyo?" paliwanag ni Alliah na tinanguan lang nina Vea at Cian.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan na tanong ko. Pero sa halip na sagutin ang tanong ko ay sabay-sabay lang silang ngumisi.
"Hoy! Anong g-ginawa ninyo, ha?" kinakabahan na muling tanong ko.
Humagalpak sila nang tawa kaya lalo akong kinabahan. Baka may kalokohan silang ginawa!
"Don't worry, Ellisse. Wala kaming ginawang masama, tinulungan ka lang namin sa isang simpleng paraan," natatawang saad ni Vea pero hindi parin ako naniniwala dahil nagtatawanan parin silang tatlo.
"Malaman ko lang na may kalokohan kayong ginawa, isa-isa ko kayong babatukan!" pagbabanta ko pero muli ay tumawa lang sila.
"Just trust us, okay? Basta bukas ay pupunta kami diyan,"
Napabuntong-hininga nalang ako sa kawalang-magawa. Matapos naming mag-usap ay sandali akong nag-browse sa facebook hanggang sa maisipan kong i-message si Kruss.
Pero anong sasabihin ko?
Ilang minuto pa akong nag-isip hanggang sa mapagpasyahan na simpleng mensahe nalang ang sabihin.
Ako:
Hi, Kruss! Don't forget our date on Sunday. Hihi see you!
Napahagikhik pa ako bago pinindot ang send button. Hindi ko na hinintay pa ang reply niya dahil sigurado naman akong hindi siya magre-reply.
Lumabas ako sa kwarto ko at nanonood muna ng television sa aming sala at nang sumapit ang gabi ay sabay-sabay muli kaming kumain ng hapunan.
"Long time no see, Kuya Lorenz ah?" nakangiting bati ko sa asawa ni Ate habang kumakain kami.
"Busy kasi sa trabaho, eh. Kaya hindi ako nakakasama sa pagpunta dito nina Den."
BINABASA MO ANG
That Gay Is My Crush
Teen FictionFormer title: I Fell Inlove With A Gay ---- Date started: April 02, 2020 Date finished: ------