Chapter 10

15 3 0
                                    

Wala akong ibang magawa kundi ang maya't-mayang pandilatan ng mata ang mga kaibigan ko.

They're really annoying! Argh!

"Sinabing mamaya na, eh!" gigil na bulong ko sa kanila.

Kapag talaga nahuli kami ni Ma'am pag-uuntugin ko ang tatlong 'to!

Kanina pa silang tanong ng tanong sa akin kung ano bang nangyari sa pag-uusap namin ni Kruss, kung pumayag ba daw ito. Hindi na kasi kami nakapag-usap kanina dahil kumaripas na agad kami ng takbo paakyat sa room namin because we're damn 5 minutes late.

At ngayon, sa gitna ng pagdi-discuss ni Ma'am ay nangungulit sila. Hindi sila makaintindi ng salitang 'mamaya'! Masyado silang excited malaman kung nagtagumpay ba sila! Ghawd!

_*_

"So, what now?"

"Pumayag ba siya?"

"Anong sinabi sa'yo?"

Napatakip nalang ako sa tenga ko dahil sa inis. Pagkalabas pa lang ng teacher namin ay nangulit na muli sila.

"TEKA SANDALI!" inis na sigaw ko kaya natahimik sila. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Hindi siya pumayag--" nalaglag ang balikat nila dahil sa narinig kaya muli akong nagsalita. "Well, hindi pa. Hindi siya humindi, hindi rin naman umo-o."

"What?!" kunot-noong tanong ni Alliah.

"Hindi ko hinintay ang sagot niya, tumalikod na agad ako," nakangusong sabi ko kaya sabay-sabay silang napatampal sa noo nila.

"Oh, Ellisse! You should've wait for his answer!"

Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa sinabi ni Vea.

"You really think na papayag siya ng gano'n-gano'n lang?" sarkastikong tanong ko, tumango sila. Oh, confidence!

"Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil alam kong hi-hindi siya. Kung nakita ninyo lang ang itsura niya kanina habang kinakausap ako, nako! I'll just wait until Sunday, do'n ko lang malalaman kung payag siya or what, kapag sinipot niya ako." I shrugged after saying that.

"You mean, you'll wait kahit hindi ka sure na darating siya?" tanong ni Cian kaya tumango ako.

"No way.." hindi makapaniwalang sambit ni Vea kaya natawa ako.

"Why? Hindi ba't kayo ang may pasimuno nito?" pabirong sabi ko, bumuntong hininga si Alliah kaya sa kaniya ako napatingin. She tapped my shoulder.

"We'll do everything for you, sis. We will make sure that you'll experience having a date with that gay." napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya. After all, they're still my crazy supportive best friends.

_*_

"Tita ganda!"

Napangiti ako ng malaki nang salubungin ako ng pamangkin kong si Ram pag-uwi ko ng bahay.

"Ram!" masayang sambit ko at niyakap siya.

Lumabas mula sa kusina si Ate Denisse kaya nabaling sa kaniya ang paningin ko.

"You're here," nakangiting sabi ko.

"Nangungulit 'yang si Ram eh," she said.

"What about kuya Lorenz? Is he also here?" patungkol ko sa asawa niya.

"Susunod lang siya, may inaasikaso pa sa trabaho eh. How's your study, sister?"

Sabay kaming umupo sa sofa habang si Ram naman ay nagpatuloy sa paglalaro.

That Gay Is My CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon