"JEWON!!!"
Napabalikwas ako ng bangon mula sa kama ko nang marinig ko ang boses na 'yon mula sa first floor. Okay, hindi naman talaga ako natutulog eh. Nag-iisip lang ako habang nakahiga... hanggang sa inantok na ko.
"Ross Jewon! Ano na naman ba itong balita na 'to?! Ha??", dire-diretsong tanong ni mommy with her ever so loud voice nang makapasok sya sa kwarto ko. Yep, that's my mom. Kahit hindi sya galit, malakas talaga ang boses nya. But right now, I can say galit sya. So imagine how loud her voice is.
She's holding her phone with her right hand while pointing something at the screen. I lazily stood up to look at it.
ACTOR JEWON NIVEN RUMORED TO BE DATING A MODEL AFTER A BREAK-UP!
"What the...", nanlalaki ang mga matang bulong ko sa sarili ko. Hinablot ko yung phone ni mommy at ini-scroll pababa yung article. At may picture namin ni Julia na naka-post doon.
No, don't get me wrong! Hindi naman scandalous yung photo. We were only shaking each other's hands! It was taken during Junnie's movie premiere. Hinablot ulit ni mommy mula sa kamay ko yung phone nya at tsaka kunot-noong humarap sa akin.
"What is this, Jewon?!", inis na tanong ni mommy.
"Look, mom, whoever wrote that made a mistake.", natatawang sabi ko. "She's Junnie's younger sister from the States and we just met that night!", paliwanag ko pa ulit. Pero hindi nagbago ang mukha ni mommy.
Mommy knows Junnie. He's my bestfriend. Pero mukhang lalo syang nainis dahil sa sinabi ko.
"For god's sake, Jewon. Hindi pa tayo tapos sa issue with Mona and yet here's another one!", sabi ni mommy. Napapikit ako dahil sa sinabi nya.
Ugh. That Mona. Bakit nya ba kasi sinabi na hiwalay na kami?! Eh never naman naging kami!
"I know that issue with Mona isn't true. But tell me, are you dating this girl?", seryosong tanong ni mommy. Napanganga ako sa tanong nya saken. "Answer me.", she said.
I tried to laugh but it came out as a cough.
"Mom, when did I ever lie to you about those things?", tanong ko sa kanya. Pero tinaasan nya lang ako ng kilay. "I'm telling the truth. Nang gabing yan lang kami nagkita. We're definitely not dating.", sabi ko.
And then unti-unti nang nag-cool down si mommy.
"May taping ka mamaya for guesting. I hope you didn't forget.", maya-maya ay sabi ni mommy.
"Of course, mom.", sagot ko.
"Kumain ka na sa baba.", sabi nya pagkatapos ay lumabas na ng kwarto ko.
Again, that's my mom slash manager. Mommy Pearl. Nakakatakot sya kapag galit pero madali din naman mawala ang galit nya. Lalo na saken. Of course, I'm her only gwapong anak eh! My dad passed away even before I turned six years old. Kaya hindi na ako nasundan. Ayaw na din ni mommy mag-asawa ulit. Since then, kaming dalawa na lang ang magkasama.
Naligo na ako at nagbihis bago bumaba sa dining area. Andoon din sa table si mommy pagbaba ko pero tapos na daw syang kumain.
"After that taping, may isang photo shoot ka today at 6pm.", sabi ni mommy while flipping pages of her planner. Then I noticed, it was my assistant's planner.
"Where's Mikki?", tanong ko. Si Mikki ang aking personal assistant.
Napabuntong-hininga pa si mommy bago sumagot.
"Absent. Nagpaalam na magpupunta sa doktor.", sagot nya. Tumango-tango na lang ako.
After ko kumain, nag-toothbrush na muna ako bago umalis. Baka i-close pa nila ngipin ko 'no!
BINABASA MO ANG
In Order To Protect (COMPLETED)
Science FictionNagmula sa taong 2270, bumalik si Romi, isang advanced human cyborg, sa taon kung saan unang nag-umpisa ang pagbuo ng mga cyborg. Dala ang galit, lumabas sya mula sa isang portal na nagko-konekta sa future at present para hanapin ang tao na nagpasim...