8: You're Still Human

42 9 9
                                    

Jewon
IT'S been two hours and seventeen minutes pero hindi pa din umuuwi si Romi. Where did she go? Tsk! Okay, I admit medyo nagtampo ako sa kanya dahil sa mga sinabi nya. Pero nag-aalala pa din ako sa kanya and I don't even know why. I'm starting to hate myself because of this.

"Tsk! Hindi kaya naligaw 'yun?", tanong ko sa sarili ko. Pero imposible, matalino sya. She knows almost anything at ilan beses na din naman syang naglabas-pasok sa building na 'to. I'm sure hindi sya mahihirapan hanapin 'to.

Maya-maya ay biglang may kumatok sa kwarto ko at bumukas ang pinto. Muntik pa kong mapatalon sa gulat.

"What's wrong? Did I startle you?", tanong ni mommy. Mabilis naman akong umiling.

"What is it, mom?", tanong ko.

"Lalabas muna ako. Magmi-meet kami ng mga kaibigan ko. It's been a while eh.", nakangiting sagot ni mommy. Tumango-tango lang ako.

Of course my mom needs time to relax as well. Hindi naman pwedeng puro stress at business lang sya.

"Anyway, where's Romi?", tanong nya.

"Lumabas lang. May pupuntahan lang daw sandali.", sagot ko. Mom stares at me for a while.

"Will you be fine alone? Pwede naman kaming umalis na lang bukas or--", I raised both my hands to stop her.

"Mom.", I said as I walk up to her. "I'll be fine. Okay? I'm sure pabalik na din naman yun si Romi. I won't be alone for long.", sabi ko. Mukhang nag-aalala pa din si mommy kaya naman binigyan ko sya ng big smile hanggang sa mag-smile na din sya.

"Babalik din ako agad.", sabi ni mommy at hinalikan ako sa pisngi.

"Take your time, mom.", sabi ko. Ihinatid ko sya hanggang sa pinto at nagpaalam na sya.

I walk back to my room at kinuha ang laptop ko. Manonood na lang muna ako, I thought. Mga thirty minutes pa lang ang nakalipas ay nag-ring ang doorbell namin.

Si Romi!

Mabilis akong tumayo at akmang lalabas na ng kwarto nang maalala ko yung sinabi ni Romi. She has high sensitivity to everything including smell. Pumunta ako sa walk-in closet ko at nag-spray ng pabango. Tiningnan ko na din ang sarili ko sa salamin at inayos ang buhok ko.

"Tsk! Ang gwapo ko talaga!", nakangiting sabi ko sa reflection ko. Then nag-ring ulit yung doorbell. "Andyan na!", sigaw ko at naglakad na palabas.

Pilit kong binura yung ngiti sa mukha ko. Syempre, kunwari nagtatampo pa din ako! Pero pagbukas ko ng pinto, na-disappoint lang ako.

"Hello, sir! Package delivery po.", sabi nung lalaking nakatayo sa harap ko. "Eh nakalimutan po yatang kunin ni mang Caloy kanina kaya inakyat ko na.", dagdag nya pa. I know him pero di ko alam pangalan. Hmm. Kilala ko lang sa mukha. Sya ang isa sa mga security ng building at naghahandle ng mga packages.

"Salamat.", sabi ko sabay abot ng kahon na dala nya. Inabot nya din saken yung papel na pipirmahan at mabilis kong pinirmahan 'yon.

"Okay, sir. Have a good day po!", sabi nya at tumalikod na.

Napabuntong hininga ako. Nagpa-gwapo pa ko, kahon lang pala naghihintay saken. Napatingin ako sa hawak ko. Kasing-laki sya ng kahon ng sapatos at nung inalog ko, parang maliit lang naman ang laman. Ano kaya 'to?

Romi
"ANONG ibig mong sabihin na hindi mo 'to matatanggal??", tanong ko kay professor Marvin. Nandito pa din kami sa basement nya habang magkatapat na nakaupo sa paligid ng working table nya.

In Order To Protect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon