Jewon
KINABUKASAN, kaming dalawa lang ni Romi ang naiwan sa bahay. Mom left for a while to see how's our business going. Yes, meron na din kaming naipundar na business 'no. We own a Korean restaurant in Pasay at si mommy din ang nagma-manage no'n.It was mid-morning when Romi went to the kitchen to see me cooking. Yes. Marunong akong magluto. Maybe if I can't be an actor, I'll choose to be a chef. I love cooking next to acting.
"Aalis muna ako.", sabi nya. Akmang tatalikod na sya nang hilahin ko ang kamay nya. Dahan-dahan syang lumingon sa akin with her death stare. Bigla kong binitawan ang kamay nya.
"S-saan ka pupunta?", nauutal na tanong ko. God, why is she so scary when she stares like that?!
"May hahanapin ako.", sagot nya.
"Who? Naaalala mo na ba kung sino o anong pangalan nung hinahanap mo?", tanong ko ulit pero hindi sya sumagot. She just stares at the floor.
I was about to say something nang may nag-ring ng doorbell sa labas. Pareho kaming napalingon sa direksyon ng pinto.
"Who could this be?", bulong ko at naglakad palabas sa receiving area. I look at the peephole pero walang tao.
"Sino?", tanong ni Romi. Umiling ako.
"Wala naman tao.", sabi ko. Pinipilit kong itago pero kinakabahan ako. Paano kung nasundan ako nung mga fans ni Mona? Or worse kung ito yung shooter last time??
Naputol ang pag-iisip ko nang nag-ring ulit ang doorbell.
"Tumabi ka dyan.", sabi ni Romi sabay hila saken. Hinawakan nya ang doorknob para buksan pero pinigilan ko sya.
"Wag!", sabi ko, in a hush voice kahit alam kong hindi naman kami maririnig ng nasa labas. Soundproof ang lahat ng unit dito. "Paano kung masamang tao pala ang nandyan?", sabi ko.
"Eh di mas lalo natin dapat buksan 'to.", sagot nya. I shook my head in frustration.
"No! Baka mamaya mabato na naman tayo ng kung anu-ano or worse mapatay tayo!", sabi ko.
Yes, I'm starting to panic. Who could blame me? I'm starting to feel traumatized dahil sa mga nangyayari saken.
"Go hide in your room. But I'm not gonna hide. Ever again.", matapang na sabi ni Romi. And I don't know, parang may laman yung salita nya. Parang may hugot. Did something bad happen to her before?
In a second nabuksan nya na ang pinto at biglang sumulpot si Junnie mula sa gilid.
"Surprise!", nakangiting sigaw ni Junnie.
Pero biglang sinipa ni Romi yung likod ng tuhod ni Junnie kaya napaluhod ito sa sahig.
"Aray!", sigaw ni Junnie at itinaas ang kanang kamay para magpatulong saken pero mabilis na nahawakan ni Romi ang kamay nito at iniikot sa leeg papunta sa likod.
"Name.", sabi ni Romi with her usual scary voice.
"A-aray! Teka!", sigaw ni Junnie.
"Wait, kilala ko yan!", sigaw ko din.
"Sino sya?", tanong ni Romi pero hindi pa din binibitawan si Junnie.
"Arggghhh...", si Junnie. Parang anytime mawawalan na sya ng malay! Shit!
"Kaibigan ko sya!", sabi ko. At noon lang unti-unting binitawan ni Romi si Junnie.
Uubo-ubong tumayo si Junnie pero maya-maya lang ay natatawa na 'to.
BINABASA MO ANG
In Order To Protect (COMPLETED)
Science FictionNagmula sa taong 2270, bumalik si Romi, isang advanced human cyborg, sa taon kung saan unang nag-umpisa ang pagbuo ng mga cyborg. Dala ang galit, lumabas sya mula sa isang portal na nagko-konekta sa future at present para hanapin ang tao na nagpasim...