15: In Order To Protect

24 4 1
                                    

"PAANONG...", nagtatakang tanong ni Justin nang tamaan ako ng bala sa braso pero hindi ko man lang iyon ininda.

I gave him one dark stare and smile.

"Was that suppose to hurt?", tanong ko. Nakita kong sumulpot ang konting takot sa mukha nito pero agad napalitan ng galit.

"Sinasabi ko na nga ba at may kakaiba sa'yo eh. Sinasabi ko na.", natatawang sabi nya.

Maya-maya ay tumakbo sya pasugod sa akin at nagsimula na kaming magtuos na dalawa. Binigyan ko sya ng dalawang suntok sa mukha. Tumalsik sya pero agad din nakabawi at sinikmuraan ako. May mechanical parts din sa bandang sikmura at likod ko pero naramdaman ko ang sakit ng suntok nya.

Pero hindi ako nagpa-daig. Hinila ko ang kamay nya at ibinalibag sya sa sementadong sahig ng parking area. Narinig ko ang paglapat ng likod nya at namilipit sya sa sakit. Akmang tatapakan ko sya nang biglang hilahin nya ang paa ko dahilan para madulas ako at mapahiga sa sahig. Sinamantala nya ang pagkakataon at pinagsusuntok ang mukha ko.

"Tama na! Kuya!", awat ni Junnie pero itinulak sya ni Justin. Nauntog sya sa gutter ng parking area at nakita kong umagos ang dugo mula sa ulo nya.

Nararamdaman ko na ang hapdi ng mukha ko pero pilit ko syang itinulak palayo. Nang makatayo ako ay nilapitan ko si Junnie.

"Junnie!", tawag ko sa kanya. "Dumilat ka!", sigaw ko. Kinapa ko ang pulso nya pero wala na. Patay na si Junnie.

"Junnie!!!", hysterical na tawag ni Justin. Itinulak nya ko palayo at nilapitan ang walang buhay na katawan ng kapatid. "Bakit, Junnie?! Bakit? Gumising ka!!!", sigaw nito. Umiiyak na ito ngayon.

Ilang beses nyang tinawag at niyugyog ang kapatid para gumising hanggang sa maya-maya ay natawa naman ito.

"Ikaw ang pumatay sa kapatid ko!", sigaw nya nang bumaling saken. "Ikaaaawwww!!!"

Mabilis syang kumilos at sinakal ako sa leeg. Sobrang lakas nya dahil na din siguro sa galit na nararamdaman nya kaya naman hindi ako makawala sa higpit ng pagkakasakal nya.

"Romi!", dinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako at nakita ko si Jewon na gulat na gulat na nakatingin sa amin.

Jewon
HINDI ko na napigilan ang sarili kong lumabas ng unit ko. Masama ang kutob ko pero ayokong mag-isip ng masama. Baka naman pabalik na si Romi. Baka nga nasa parking area na sya ngayon, sa isip ko. Kaya naman pagsakay ko sa elevator ay sa parking area ang pinindot kong destination.

Pagbaba ko ay may narinig akong ingay. Like someone's squeaking or something like that. I slowly follow the sound and I was shocked.

"Romi!", automatic na tawag ko sa pangalan nya. Lumingon sya saken and I was horrified! She has blood all over her face. Her shirt and pants are torn and her hair is a mess. Sakal-sakal sya ng isang lalaki at mukhang anytime ay mawawalan na sya ng malay! "Bitawan mo sya!", matapang na sigaw ko.

Akmang tatakbo ako palapit sa kanila pero pinigilan ako ni Romi.

"W-wag!", hirap na sigaw nya. "Tumakbo... ka na.", sabi nya.

No! Hindi ako tatakbo! Hindi na ko matatakot! I was about to ran towards them nang biglang humalakhak yung lalaki.

And it sounds very familiar...

"Mabuti naman at nandito ka na. Hindi na ko mahihirapan puntahan ka.", sabi nito. At lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ito. "Long time no see.", nakangising bati nito nang humarap.

In Order To Protect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon