10: The Threat

42 4 13
                                    

Romi
SATURDAY. Day-off ni Jewon ngayon kaya naman nasa bahay lang kami. Ang mommy nya ay may pinuntahang business meeting.

"Wala bang ibang pwedeng panoorin?", tanong ko. Nakaupo kami sa sala nila habang nanonood sa TV.

"Why? Maganda naman yan ah.", sabi ni Jewon nang hindi inaalis ang mata sa TV screen.

"Puro mukha mo lang ang nakikita ko dyan eh.", reklamo ko. Napalingon sa banda ko si Jewon.

"So? Maraming gustong makita itong gwapo kong mukha. Swerte mo nga nakikita mo 'to araw-araw ng personal.", ngingisi-ngising sabi nya. Napailing na lang ako sa kayabangan nya. "Teka. Hindi ka ba nagu-gwapuhan saken? Pangit ba ko sa paningin mo?", maya-maya ay tanong nya.

"Ewan ko.", walang ganang sagot ko.

Nagulat ako nang lumapit sya sa akin. Yung sobrang lapit. Magkatapat na yung mukha nya at mukha ko at namalayan ko na lang na pinipigil ko pala ang hininga ko. May pagsikip sa dibdib ko nang magtama ang mga mata namin.

"Tingnan mong mabuti.", sabi nya. Naaamoy ko yung bakas ng mint sa hininga nya. "Tingnan mong mabuti yung mukha ko bago mo sabihing ewan mo.", sabi nya.

Hindi ko naman na kailangan tingnan mabuti dahil unang araw pa lang na makita ko sya, nakabisado ko na ang mukha nya. Isa 'yon sa mga katangian ko bilang cyborg. Kaya naman alam ko nang matangos ang ilong nya na tama lang ang laki para sa mukha nya. Medyo maliit ang mukha but his jawline makes it look so manly. Maganda ang mga mata nya-- hazel brown ang kulay. Sobrang kinis din ng balat nya at parang walang nunal pero kung susuriing mabuti, may maliit na nunal sya sa gilid ng ilong nya. At ang mga labi nya... dahan-dahan lumalapit sa labi ko.

Hanggang sa...

Itinulak ko sya palayo sa akin!

"A-ah, aray...", nakangiwing bulong nya habang nakasalampak sa sahig. Napalakas yata ang tulak ko.

Nagmamadali akong tumayo para tulungan sya.

"A-ano ba kasing ginagawa mo?!", inis na tanong ko. "Naitulak tuloy kita! Kaya mo bang tumayo?", tanong ko ulit.

Pero hindi sya sumasagot. "D-dalhin ba kita sa ospital?", nag-aalalang tanong ko pero bigla syang tumayo at tumakbo sa kwarto nya nang hindi tumitingin sa akin.

Naiwan ako sa sala na nakanganga. Iniisip kung anong nangyari habang nakasapo sa ulo ko.

Naupo ulit ako sa sofa at pinilit ang sarili na mag-focus sa palabas. Pero halos isang oras na ang lumipas, hindi pa din ako makapag-focus! Puro mukha ni Jewon ang nasa TV screen at naaalala ko lang yung lapit ng mukha nya kanina sa akin! Hahalikan nya ba ko kanina?? Ah, ewan!

"Nasaan ba yung remote nito?", inis na bulong ko sa sarili ko habang naghahanap sa sofa hanggang sa nakita ko yung cellphone ni Jewon na nakaipit sa throw pillow.

Nalaglag nya siguro, sa isip ko. Dinampot ko yun at ilalagay sana sa lamesa nang mag-ring iyon.

Private number calling...

Napakunot ang noo ko sa nabasa ko. At naisip kong baka emergency tungkol sa trabaho nya kaya sinagot ko na agad. Magsasalita sana ako pero biglang nagsalita yung nasa kabilang linya.

"Nakaligtas ka sa bala ko noon. Sa susunod, sisiguraduhin kong hindi na.", sabi nito. Malaki ang boses nya na parang robotic. Sa tingin ko gumagamit sya ng voice app para ibahin ang boses nya.

"Sino ka?", seryosong tanong ko. Pero pinatay na nito ang tawag. Chineck ko yung call logs pero hindi nag-register ang number nito.

Inilapag ko sa lamesa ang cellphone ni Jewon at naupo ulit sa sofa. Nakaligtas sa bala nya noon? Ibig sabihin may bumaril kay Jewon noon pero nakaligtas sya. Sino naman kaya ito? Gumagamit sya ng voice app para ibahin ang boses nya. Para hindi sya makilala. Ang ibig sabihin, kilala ni Jewon ang taong 'to.

In Order To Protect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon