Jewon
ALAS dose na ng hatinggabi pero dilat pa din ang mga mata ko! Naka-ilang palit na ako ng posisyon sa paghinga pero hindi pa din ako dalawin ng antok. Damn! I wanna sleep!Pumikit pa ko ng ilang minuto para subukan ulit magpa-antok pero wala talaga.
"Ah, shit.", sabi ko sabay bangon mula sa kama. Lumabas ako ng pinto para pumunta sa kusina.
Maybe a glass of milk could help, sa isip ko. Pero pagbukas ko ng ilaw sa kusina ay halos atakihin ako sa puso nang makita si Romi na nakaupo sa isang upuan sa kitchen counter. Nakataas ang hood ng jacket nya sa ulo habang nakatulala lang doon.
"What the fuck?!", gulat na sigaw ko. Dahan-dahan syang lumingon saken. But I just rolled my eyes. "What are you doing here??", tanong ko. Pilit kong tinatago ang kaba at takot ko kanina.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?", tanong nya din. I walk towards the refrigerator and grab a carton of milk.
"Dahil dito.", sagot ko. I drank straight from the carton and then sat beside her at the kitchen counter. "Hindi ka din ba makatulog?", tanong ko.
Umiling sya.
"May iniisip lang ako.", sagot nya. Tumango-tango ako. Then something clicked in my head.
"Iniisip mo ba ang pamilya mo? Nami-miss mo na ba sila?", tanong ko.
Umiling ulit sya.
"Wala na kong pamilya.", sagot nya.
Then it hit me. Ang dami ng alam ni Romi tungkol saken pero ako, halos wala akong alam tungkol sa kanya. Sa pamilya, kung may mga kaibigan sya, kahit nga paborito nyang mga bagay hindi ko alam.
So I decided, tonight I should atleast know something.
"Paanong wala na?", tanong ko.
"Patay na sila. Pinatay.", sagot nya. Oops, wrong question. Tsk! I took swig from the milk carton.
"S-sorry.", sabi ko.
"Okay lang.", sabi nya.
Hindi ko alam kung ano dapat ang sabihin ko kaya nanahimik na lang muna ako. Ilang minuto ang lumipas ay si Romi na ang nagsalita.
"Kaya ako nag-travel sa panahon na 'to dahil sa kanila. Gusto kong tanggalin ni professor Marvin sa katawan ko itong program na 'to. Itong artificial instinct na 'to para magligtas ng tao. Dahil hindi ko nailigtas ang sarili kong pamilya noong kailangan nila ako.", sabi nya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingin naman sya sa kamay nya.
"Akala ko senseless ang pagpunta ko sa panahon na 'to dahil hindi naman natanggal ni professor Marvin. Pero hindi, he made me realize something.", dagdag nya pa sabay lingon saken. "Na-realize ko na hindi lang dahil sa program kaya ganito ang actions ko. I actually care about those people I save. At isa ka nga doon. Na-realize ko na siguro kaya ako binigyan ng pagkakataon na mapunta sa panahon na 'to ay dahil sa'yo. Para makilala kita. Para maramdaman ko na hindi lang ako basta human cyborg na gawa ng science experiment. Na tao pa din ako."
"Romi..."
I don't know how to react but I felt like my chest might explode soon. She sounds so sincere and my heart aches for her. I am happy but at the same time I'm sad. I wish I was there with her during her trying times.
"The portal I used to get here only works twice in a hundred years. If one day mawala na ko sa panahon na 'to, wag kang malungkot. Sabi ni professor Marvin, masarap mabuhay dahil may mga memories tayong nagagawa. Sana yung mga memories na meron tayo ay maging sapat para magpatuloy ka.", sabi nya.
BINABASA MO ANG
In Order To Protect (COMPLETED)
Science FictionNagmula sa taong 2270, bumalik si Romi, isang advanced human cyborg, sa taon kung saan unang nag-umpisa ang pagbuo ng mga cyborg. Dala ang galit, lumabas sya mula sa isang portal na nagko-konekta sa future at present para hanapin ang tao na nagpasim...