"MOM, I'm okay.", sabi ko kay mommy for the nth time. Nasa loob kami ngayon ng clinic sa loob lang din ng building at kanina pa tanong ng tanong si mommy kung nasugatan ba ako or what.
"Are you sure??", worried pa din na tanong nya.
"Natalsikan lang ako nung mga binabato nila pero si Romi naman talaga ang sumalo lahat eh. Dapat sya ang gamutin.", sabi ko. Teka, nasaan na ba yun si Romi?
Speaking of, bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Romi.
"Romi, are you okay?", tanong ko sa kanya. Tumango lang sya.
"Are you sure? Baka may masakit sayo, hija. We must have them checked.", sabi ni mommy.
"Yeah. I saw you. Nadulas ka nung hinila ka nung isang babae. Baka may nabali sa--"
"Ayos lang ako.", sabi nya nang hindi ako pinapatapos.
Tiningnan ko sya ng mabuti. Para syang scrambled egg dahil sa itsura nya. At medyo magulo din ang buhok nya. Pero bukod doon, she looks fine. Paano nangyari yun? Hindi man lang ba sya nasaktan sa pagkakabagsak nya kanina?
"Anyway, thank you, Romi. You can leave Jewon out there pero pinili mong hindi umalis despite the situation.", sabi ni mommy sa kanya.
"I'm just doing my job.", sagot ni Romi.
"No, hindi ka naman nya bodyguard eh. Pero you still choose to protect him. I really thank you for that.", nakangiting sabi ni mommy. I was watching Romi's reaction kaya nagulat ako nang ngumiti din sya. Yung ngiti na parang nahihiya.
She looks... so serene. Kapag ngumiti sya ng gano'n, ang ganda nya.
"Jewon, anong problema? Masakit ba ang dibdib mo??", tanong ni mommy. Hindi ko namalayan na nakahawak pala ako sa dibdib ko.
"No, mom.", tatawa-tawang sagot ko.
Shit! Bakit ba kasi biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Nakakainis! Nakatingin din si Romi sa akin pero mabilis kong iniwasan ang tingin nya.
"We got four of them. All of them belongs to Mona's fansclub. Insane fans.", sabi ni CEO Torres. Halatang badtrip sya dahil namumula ang mukha nya pati ang dalawang tenga.
"Mona's fans? Bakit naman nila gagawin 'to kay Jewon?", inis na tanong ni mommy.
"We don't know yet. We're still investigating. For now, you should go home and rest. Tatawagan ko kayo for an update.", sabi ni CEO Torres.
"This is insane.", bulong ni mommy.
"I'm really sorry about this. Papa-escort-an ko kayo sa ilang security namin to make sure na safe kayong makakauwi.", sabi ni CEO Torres.
"I hope we'll know the reason behind this soon, sir.", sabi ni mommy. She's upset. Of course. Kababalik ko lang and then this happens.
Why? Ano bang ginawa ko? Hays. Ang sakit nila sa ulo!
---
MAAYOS naman kaming nakauwi sa bahay. Pagdating sa loob ay nagpaalam si mommy na magpapahinga muna. I think she's stressed.
"Go wash up and rest as well.", sabi ni mommy saken. Tumango lang ako at pumunta na si mommy sa room nya.
I wish my mom isn't stressing so much because of me. She looks tired. Naaawa ako sa kanya kasi kailangan nyang ayusin na naman ang gulo na 'to. Bakit ba kasi ako ang puntirya nila? Wala naman akong ginagawa sa kanila o kay Mona para magka-gano'n sila. In fact, si Mona nga ang may atraso saken! Tsk!
BINABASA MO ANG
In Order To Protect (COMPLETED)
Science FictionNagmula sa taong 2270, bumalik si Romi, isang advanced human cyborg, sa taon kung saan unang nag-umpisa ang pagbuo ng mga cyborg. Dala ang galit, lumabas sya mula sa isang portal na nagko-konekta sa future at present para hanapin ang tao na nagpasim...