9:

40 6 12
                                    

Jewon
"PINANOOD namin ang CCTV footage. Nakita sa video yung nag-deliver ng package pero hindi ma-identify dahil nakatakip ng mask ang mukha.", sabi ni Romi nang makabalik sya sa loob ng unit. I was sitting at the sofa while drinking warm chamomile tea. I need this to calm my nerves.

"It's okay. Wag na lang natin ipaalam kay mommy.", sabi ko. "Ayokong mag-alala pa sya.", dagdag ko. I expected Romi to protest but she just nod her head. "Hindi ka man lang ba kokontra?", inis na tanong ko.

"Bakit naman ako kokontra? Desisyon mo yan eh.", sagot nya. Sinimangutan ko sya.

"Oo nga pala. Wala ka nga palang pakialam.", bulong ko. Romi sat down at the sofa in front of me then crossed her arms.

"Kahit sino pa ang makaalam wala naman magbabago eh.", sabi nya. "Hindi ka pa din nila masasaktan dahil nandito pa ko.", dagdag nya.

Napatigil ako sa pag-inom ng tea at parang nanghina ang kamay ko dahil sa sinabi nya. Dahan-dahan kong ibinaba ang tasa na hawak ko bago pa tumapon ang laman no'n.

"So...", sabi ko. I cleared my throat first before continuing. "About what you said kanina... na hindi mo ko iiwan. W-what do you mean?", tanong ko, sounding uninterested.

"Whatever that means.", sagot nya. Ha? Ang labo naman nitong kausap!

"Tsh.", singhal ko. "Is that also a part of your stupid system program? Ha? Yung magsabi ng mga gano'ng bagay?? Napipilitan ka na naman ba?!", I asked. She makes me so irritated, I swear!

Romi frowned slightly.

"Teka. Kaya mo ba ko hindi pinapansin nitong mga nakaraang araw dahil sa sinabi kong yun?", tanong nya.

"What? Of course not.", pagtatanggi ko. I tried to compose myself pero nagulat ako nang bigla syang tumawa. Lalo syang gumanda sa paningin ko.

Oh, shit. Did I just thought she's beautiful? Fine. She is.

"Anyway, t-thank you.", nahihiyang sabi ko nang tumahimik.

"Para sa?", tanong nya.

"Sa lahat. Nung araw na hinabol tayo ng mga baliw na fan ni Mona. For comforting me today. Napipilitan ka man o hindi, thank you pa din", paliwanag ko. And then she smiled at me.

"Pasensya ka na din kung na-offend kita nung nakaraan.", sagot nya. "At wag kang mag-alala, my next actions will be sincere from now on.", dagdag nya sabay lakad papunta sa kusina.

And I was left there, wondering what she meant with those words. Or did she mean anything with those words?

"Magpahinga ka na. Ako na muna ang bahala sa pagluluto ngayon.", sabi nya at noon lang ako nakagalaw.

"Okay.", sabi ko at pumunta na sa kwarto ko. Nababaliw ka na, Jewon. Nababaliw ka na para isipin na may meaning lahat ng kilos at salita nya!

Napabuntong-hininga ako paghiga ko sa kama. Sa kabila ng nangyari ngayon, I feel so calm. Epekto ba 'to ng chamomile tea? O ng presence ni Romi? Whatever. Basta ang alam ko, makakatulog ako ng magaan ang pakiramdam.

---

"WHAT?! You're kidding, right?", tanong ko kay Junnie habang nasa set kami ng drama series na shinu-shoot namin.

Sa labas ang scene namin pero nasa loob kami ngayon ng tent ko. Dinig na dinig ko ang sigaw ng mga fans sa labas pero parang bigla silang naglaho nang marinig ko ang sinabi ni Junnie.

In Order To Protect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon