AFTER 10 YEARS.
"Sigurado ka na ba? You're really leaving?", tanong ng mommy Pearl nya sa pang-doseng pagkakataon. Napailing na lang si Jewon. Hindi talaga nagbabago ang mga nanay, sa isip nya.
"This is final, mom. I want to travel around the world but I'll go rest muna sa Tagaytay.", sabi nya.
Ito ang unang araw mula nang mag-retire sya sa pagiging aktor. Sa loob ng higit sampung taon ay naging magulo ang buhay nya dahil sa showbiz. Maraming nangyari at may mga taong nawala. Pero may mga magaganda din naman na nangyari. Napangiti sya sa naalala.
Si Romi. Ang pinaka-magandang nangyari sa buhay nya habang nasa showbiz. Nang mawala si Romi ay talagang parang gumuho ang buhay nya. Sobrang sakit, guilt at lungkot ang naramdaman nya. Dumagdag pa doon yung dami ng mga reporter at journalist na gusto syang makausap tungkol kay Romi. Nalaman kasi ng buong Pilipinas na hindi ordinaryong tao si Romi at halos lahat ay curious sa pagkatao nito.
Bukod doon, gusto din nilang malaman ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Justin na dati ding artista at kaibigan nya.
Pero kahit ano sa mga 'yon ay hindi nya sinagot. Sa loob ng isang taon, iniwasan nya lahat ng tanong at nag-dalamhati syang mag-isa. Naisip nya na din nga minsan na magpakamatay dahil sa sobrang sakit pero naaalala nya si Romi. Gusto ng dalaga na magpatuloy sya sa buhay.
At yun nga ang ginawa nya. Isang araw nagising sya na gusto nya ng ayusin ang buhay nya. Hindi naman sya nagsisi dahil alam nyang ito din ang gustong mangyari ni Romi kung sakali.
Thru showbiz, nakapag-pundar na sya ng limang sasakyan, tatlong Korean restaurant, isang private hospital at isang 5-star hotel sa Singapore. Nakapagpatayo din sya ng mansion sa Tagaytay katabi ng luma nilang bahay.
Pero hindi nya doon balak tumira.
"Alis na ko, mom.", sabi nya at humalik sa pisngi ng mommy nya.
"Call me when you get there, okay?", sabi nito.
"Yes, mom.", sagot nya at naglakad na palabas.
Mag-isa syang pupunta sa Tagaytay sakay ng bago nyang Toyota car. Mabilis naman syang nakarating dahil weekend. Wala masyadong bumabyahe.
Pagbaba nya sa kotse ay pinagmasdan nya ang bahay. Ito yung apartment kung saan sila unang nagkita ni Romi. Pinag-ipunan nya ito at ito ang una nyang binili nang makabalik sya sa showbiz. Pinabago nya ang loob dahil noon ay kwarto-kwartong apartment ito pero ngayon ay bahay na talaga. Ang hindi nya ipinabago ay yung kwarto kung saan huli silang nagkausap ni Romi.
Pagpasok nya sa kwarto ay dahan-dahan nyang sinilip ang ilalim ng kama pero nadismaya lang sya. Walang balon doon. Ang totoo nyan, taun-taon binibisita nya ang bahay na ito at sinisilip ang lahat ng ilalim. Nagbabakasakali na biglang bumalik si Romi. Pero katulad ng mga nagdaang taon, wala pa din.
Napabuntong-hininga na lang sya. Masakit pa din kahit ilang taon na ang lumipas. Namimiss nya si Romi. Gusto nya itong makita pero wala syang paraan para makita ito.
Binuksan nya ang dala nyang maleta at inilabas ang malaking brown envelope na nandoon. Isa-isa nyang inilabas ang laman noon at maingat na idinikit lahat sa pader ng kwarto nya. Nang matapos ay nakangiti nya itong pinagmasdan.
Those were stolen pictures of Romi. Pina-print nya lahat ng iyon. Sayang nga lang at wala tayong pictures together, sa isip nya. Pero kahit walang mga picture, hindi nya makakalimutan ang dalaga. In order to save him, she sacrificed herself. She's very brave and selfless. Kaya din siguro sya hirap na hirap magmove-on. Hindi na nga sya nagkaroon ulit ng girlfriend dahil hanggang ngayon, pakiramdam nya kahapon lang nangyari ang lahat.
Right now, he wants to stay here. Remember his days with Romi, bago sya magpunta sa Europe.
---
IT'S been four days since he arrived in Tagaytay at four days na din syang wala halos tulog. Hindi naman sya nananaginip ng masama o namamahay, pero tuwing gabi hindi talaga sya mapakali sa kama nya.
"Shit.", inis na bulong nya sabay tagilid sa kama. Maya-maya ay nakaramdam sya ng kakaibang lamig. Ipinulupot nya ang kumot nya sa kanya at nagdasal. "Junnie naman, wag mo ko multuhin, pare.", usal nya.
Pero biglang nakarinig sya ng parang tumalon o nahulog na something sa tubig. What the fuck? Kinakabahan na bumangon sya mula sa kama.
"What is that?", bulong nya. And then it hit him. He quickly move his bed to the side and there it is. The water well.
Pakiramdam nya ay nagkabuhol-buhol ang hininga nya. He felt excited at the same time scared. Paano kung iba ang lumabas dito?
"Ah! Fuck it!", sigaw nya sabay lapit sa bukana ng balon.
Mula doon, unti-unti nyang naaninag ang kamay ng isang babae. Sigurado syang babae dahil napaka-kinis ng kamay nito. Agad nyang inabot ang kamay nito para tulungan itong umahon mula sa balon na may tubig.
Pero natigilan sya nang mahawakan nya ang kamay nito. Ibang kaba ang naramdaman nya pero may halong saya hanggang sa tuluyan na ngang makaahon ang pamilyar na babae mula sa portal, ang balon na nagdurugtong sa future at present.
- THE END
A/N: Hello! Sana nagustuhan nyo ang istorya na 'to! Votes and comments will motivate me to write more stories in the future. Thank you for reading Romi and Jewon's story :)
BINABASA MO ANG
In Order To Protect (COMPLETED)
Science FictionNagmula sa taong 2270, bumalik si Romi, isang advanced human cyborg, sa taon kung saan unang nag-umpisa ang pagbuo ng mga cyborg. Dala ang galit, lumabas sya mula sa isang portal na nagko-konekta sa future at present para hanapin ang tao na nagpasim...