2: The Portal

68 24 29
                                    

"WELL, pare, you look like you're okay now.", sabi ni Junnie nang pumasok sya sa kwarto ng ospital. Tiningnan ko sya ng masama.

"Of course, daplis lang ng bala 'yon.", sagot ko.

Tatlong araw na akong nasa ospital dahil sa daplis ng bala na 'to. I'm so bored! And I've missed a lot of tapings para sa upcoming drama ko.

"Daplis lang but you fainted?", pang-aasar nya sabay tawa. Kahit kailan talaga, mahilig mambwisit ang isang ito eh.

"Eh kung ikaw kaya ang habulin ng weirdong may dalang baril? You would have fainted too dahil sa kaba!", depensa ko. Sumeryoso naman ng mukha si Junnie. Humila sya ng isang upuan palapit sa kama ko at doon naupo.

"But seriously, pare. I'm glad you're okay.", sabi nya pero sinimangutan ko lang sya.

"Whatever.", sabi ko. "Wait, nakita mo ba si mommy? Kahapon pa sya hindi nagpupunta dito eh.", tanong ko.

"I haven't seen her. She must be busy commanding the security guys. Have you been outside your room?", tanong nya din saken.

"No. Why?"

"Pare, this floor is off-limits because of you. Every corner, may bantay. Wala pang nilalabas na official statement si tita Pearl and your agency pero ang dami ng articles about what happened to you.", paliwanag nya.

Napaisip naman ako. What have happened to me? Hinabol ako ng taong hindi ko naman kilala and what's worse? May dala syang baril! Babarilin nya ko! Pero bakit? Wala naman akong maalala na may atraso ako kahit kanino. Oo, minsan makulit ako. Pasaway. Pero hindi naman to the point na may masasaktan na ako.

"Nahuli ba yung shooter?", tanong ko kay Junnie. He took his time to answer.

"Yes.", sagot nya. "But he escaped bago pa sya makilala ng mga pulis.", dagdag nya pa.

"What?!", gulat na tanong ko. Nakatakas? Kung gano'n pagala-gala pa yung lalaking 'yon? What do I know? Baka mamaya nasa labas lang 'yon ng ospital at naghihintay na lumabas ako. Shit.

"Wala ka bang naaalalang nakaaway? Baka naman may gustong gumanti sayo.", sabi ni Junnie. Umiling ako.

"You know me, pare. Hindi ako ganyang klase ng tao. Ayokong nakakasakit nga eh.", sabi ko.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pareho kaming napalingon ni Junnie. Si mommy Pearl at may kasama syang dalawang pulis.

"Buti naman at gising ka na. How are you feeling?", nag-aalalang tanong ni mommy.

"I'm okay."

"Sir, may ilang katanungan lang kami sa inyo tungkol sa nangyari recently.", sabi nung isang pulis.

"Please make it short as possible. My son needs more rest.", sabi ni mommy sa dalawang pulis.

"I think I should go.", sabi ni Junnie nang tumayo pero bago sya lumayo ay tinapik nya ako sa balikat. "I hate to say this, pare. But I think you're in some serious shit.", bulong nya.

Hindi nya na kailangan sabihin. Dahil yun din ang nasa isip ko.

---

PAGKATAPOS ako interview-hin ng mga pulis ay nag-simula na si mommy ayusin ang mga gamit ko.

"Magbihis ka na. We're leaving.", sabi ni mommy. Pakiramdam ko nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi ni mommy.

Sa wakas! I'm going home!

Walang sali-salita na kinuha ko ang tshirt at pants ko na inilapag ni mommy sa kama. Dumiretso na ako sa banyo at nagpalit ng damit. Medyo kumikirot pa ang kaliwang braso ko na nabaril pero kaya ko naman tiisin. Hindi ko na lang igagalaw masyado. Paglabas ko ng banyo ay handa na si mommy na umalis. She handed me my hoody, cap at facial mask.

Of course. Nobody should see me in this state. Baka may masulat na naman na article about how cute I am even after being shot. Hehehe.

Kinuha ko ang mga 'yon at sinuot na din. Paglabas ng room ay nagulat ako dahil sa dami ng security na nandoon. About ten to fifteen bulk-up guys wearing gray uniforms. My agency, SN Entertainment's security men. Hindi naman sa pagyayabang pero isa ako sa mga top star ng agency namin kaya siguro marami silang pinadalang magbabantay sa akin. I should thank CEO Torres later.

"Ma'am, ready na po ang sasakyan.", sabi nung isang security kay mommy. Tumango lang si mommy at hinawakan ako sa kanan kong braso.

"Let's go.", sabi nya. Sa emergency exit kami dumaan na may direct connection sa VIP parking area kaya naman naging peaceful ang paglabas namin ng ospital.

Binuksan ng isang security ang pinto ng sasakyan at pumasok na kami ni mommy sa loob. After a few minutes, umandar na ang kotse na sinasakyan namin.

Tahimik kami sa loob ng sasakyan hanggang sa napansin ko na lumampas na kami sa entrance ng condo unit ko.

"Mang Caloy, I think lampas na tayo.", natatawang sabi ko sa driver namin. Nakita kong sumulyap sya kay mommy thru the car's rearview mirror pero walang nagsalita sino man sa kanila.

"Mom.", sabi ko.

"We're going back to Tagaytay.", sabi ni mommy.

"But why?", tanong ko. Hindi sumagot si mommy. "Mom, mahihirapan lang tayo mag-byahe. I had to catch up on--"

"You're taking a break from showbiz.", she said, cutting me off. Napanganga ako sa sinabi nya.

I'm taking a break?

"Until when?", tanong ko.

"Indefinitely.", sagot ni mommy. I laugh bitterly at that.

I'm taking a break indefinitely. Right. Now is the perfect timing. Kung kailan sikat ako, kung kailan ang dami kong projects and offers. I sigh heavily.

"I can't leave now.", sabi ko.

"This is for your own good.", sabi ni mommy. Lumingon ako sa kanya and saw her misty eyes. Parang anytime papatak na ang luha nya.

I feel wronged and betrayed dahil hindi nya sinabi sa akin ang plano nya pero I realized, this must be hard for her as well. Hindi lang ako ang dedicated sa career ko kundi si mommy din. She's very dedicated to me and my career. And I bet this decision isn't easy for her. I shouldn't be selfish.

Tumingin ako sa labas at hindi na lang din nagsalita buong oras ng byahe.

---
HALOS dalawang linggo na kami dito sa Tagaytay. We're in this small apartment kasi yung bahay namin dito sa Tagaytay hindi pa tapos i-renovate. And I'm so bored here! Imagine, walang wi-fi. Okay, meron naman pero bawal akong gumamit ng internet. Baka daw makabasa lang ako ng kung anu-ano or lalo ko lang mamiss ang showbiz. May TV din naman pero walang cable or Netflix. Hindi rin ako masyadong makalabas ng bahay dahil first, mom is still worried about the shooter. Second, wala rin naman akong pupuntahan. Lastly, baka pagkaguluhan ang kagwapuhan ko sa labas. Tsk!

Humiga ulit ako sa kama ko at pumikit.

"What am I going to do with my life now?", tanong ko sa hangin. Maya-maya ay nakarinig ako ng ingay sa ilalim ng kama ko. Ano 'yun? Parang may nag-dive. Alam mo yun? Yung tunog kapag tumalon ka sa tubig. Splash!

Teka! May tubig? Sa ilalim ng kama ko?!

Dali-dali akong bumangon at sinilip ang ilalim ng kama ko pero ang dilim kasi, wala akong makita. Tumayo ako at dinampot ang phone ko na nasa side table. In-on ko ang flashlight no'n at sinilip ulit ang ilalim. May malaking something doon. Parang bato. And it's circular.

Tumayo ako ulit at binuksan ang ilaw ng kwarto. Tinulak ko ang kama papunta sa left side para makita ko ng mabuti ang nasa ilalim. Hindi naman mabigat ang kama kahit may kalakihan kaya naman naitulak ko agad iyon. At nagulat ako sa nakita ko...

May balon sa ilalim ng kama ko!

In Order To Protect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon