Romi
"NANDITO si Jewon."Palabas na sana ako ng comfort room nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Nagmamadali akong nagtago sa loob ng cubicle bago pa pumasok yung babae.
"He came just now.", sabi nya. May sinasabi yung sa kabilang linya pero hindi ko makuha ng buo dahil sa ingay ng tubig nang buksan nya ang gripo. "No. You come here. Now. I'll text you the address.", mataray na sabi nya sa kausap nya.
Maya-maya ay narinig kong pinatay nya na ang gripo pero wala na din syang kausap sa cellphone nya. Ilang minuto pa akong nagtago sa cubicle hanggang sa narinig kong naglakad na sya palabas. Tahimik na sumunod agad ako. Sinundan ko sya hanggang sa makarating sya sa table nya.
Si Mona. Napailing na lang ako. Grabe talaga ang pagka-humaling ng babaeng 'to kay Jewon. Sabagay, hindi na ako magtataka. On and off screen, gwapo naman talaga ang binata. Parang bata nga lang kung umasta madalas.
At habang iniisip 'yon ay hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako. Get back to your senses, Romi.
Binura ko ang mga ngiti sa labi ko at pumunta na sa pwesto nila Jewon at Junnie. Nakita ko sila sa isang tagong lamesa. May mga pagkain at alak na din na nakahain sa kanila.
"Hi, Romi.", bati sa akin ni Junnie. Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano babati sa ninuno ko.
"We ordered some food. Pero kung may iba ka pang gusto, feel free to ask.", sabi ni Jewon. Tumango lang ako.
Halos isang oras din silang nagku-kwentuhan, nagtatawanan at umiinom habang ako nakikinig lang at kumakain. Kahit madilim ang ilaw sa pwesto namin, napapansin kong namumula na ang mukha ni Jewon. Pumupungay na din ang mga mata nya. Lasing na yata.
"Pare, sandali lang ha. Naiihi na ko eh.", sabi ni Junnie. Medyo lasing na din ang isang 'to, sa isip ko. Tumingin muna sya sa relo nya pagkatapos ay tumayo na.
Susuray-suray na naglakad sya papunta sa comfort room.
"Tama na pag-inom.", sabi ko kay Jewon nang makita kong nagsalin pa sya ng alak sa baso nya.
"Hmm?", tanong nya nang tumingin sya saken. Pagkatapos ay ngumiti nang sobrang lapad. Halos lumabas na lahat ng ngipin nya sa pag-ngiti nya. "One... last... shot.", sabi nya sabay inom sa alak.
Pero maya-maya ay nagsalin pa ulit sya. Kinuha ko yung bote sa kamay nya.
"Tama na.", sabi ko.
Inaasahan kong magagalit sya pero sa halip, natawa pa sya.
"Okayyyy.", sabi nya. "How about you? Gutom ka pa ba?", tanong nya sa akin.
"Busog na ako.", sagot ko.
"Come on. I can buy you... everything from this place.", sabi nya pa sabay ngisi.
Lasing na nga 'to.
"I can buy you food. Or drinks.", sabi nya.
"Busog na nga ako.", naiiritang sabi ko. Ihiniga nya ang ulo nya sa lamesa tsaka tumingin sa akin.
"I can buy you some nice clothes. Or a house... with a nice garden.", sabi nya. Seryoso syang nakatingin sa akin habang nagsasalita. "H-how about a ring? Do you want a ring?", tanong nya ulit.
Hindi ako sumagot. Nakatingin lang din ako sa kanya. Ano bang sinasabi nito? At bakit ako kinakabahan ngayon habang nakatingin kami sa isa't-isa?
Nang hindi pa din ako sumagot ay nagpakawala sya ng malakas na buntong-hininga pagkatapos ay pumikit.
"If you would ony say yes.", bulong nya pa bago tuluyang makatulog.
At ako? Nakatingin lang sa kanya. Say yes to what? Napapailing na dinukot ko yung cellphone na pinadala saken ng mommy ni Jewon at tinawagan ko si mang Caloy para sunduin kami.
Habang naghihintay ay naalala ko si Junnie. Bakit ang tagal naman bumalik ng isang 'yun?
Tatayo na sana ako papunta sa comfort room nang may mapansin ako sa labas. Mula sa one-way mirror ay nakita ko ang isang itim na motor na biglang nag-park sa harap mismo namin. Nakasakay doon ang isang matangkad na lalaki. Nakatakip ng itim na face mask at helmet ang mukha nya. Kahit ang suot nya, lahat kulay itim.
Alam kong hindi nya kami nakikita pero nakakapagtakang parang alam nyang may nakaupo sa pwesto na 'to. Diretso syang nakatingin kay Jewon na nakayuko pa din sa lamesa.
Napakunot ako ng noo nang animo'y may binubunot sya mula sa likod ng pantalon nya at nanlaki ang nakita ko nang maaninag ko kung ano 'yon. Isang M1911.
Mabilis na itinutok nya sa salamin ang baril na hawak pero bago pa sya makapagpa-putok ay sinunggaban ko si Jewon dahilan para matumba kaming dalawa sa sahig.
Tapos ay umalingawngaw ang dalawang magkasunod na putok ng baril.
Nagkalat ang basag na salamin sa sahig kasabay no'n ay nagsigawan at nagtakbuhan ang mga customer ng bar.
"What... what the hell?", kunot-noong tanong ni Jewon. Pipikit-pikit pa din sya at halatang inaantok. Niyugyog ko ang magkabilang balikat nya para magising sya.
"Jewon! Gising! Magtago ka!", sabi ko sa kanya.
"What? Why? What's going on?", magkakasunod na tanong nya pero biglang may nagpaputok ulit sa direksyon namin. Tinamaan yung paa ng lamesa.
"Basta!", sigaw ko.
Tumayo ako at nahagip ng paningin ko si Mona na nakatingin sa amin. Nakita kong rumehistro ang pagkabigla sa mukha nya nang makita nya kong nakatingin sa kanya at mabilis na nanakbo na sya palabas ng bar kasama ang iba pang mga customer.
"Romi! Umalis na tayo!", sigaw ni Jewon na umagaw sa atensyon ko. Mukhang nahimasmasan na sya mula sa pagka-lasing pero nakaupo pa din sya sa sahig.
Binuhat ko yung lamesa sa pwesto namin at inilagay sa bandang likod ni Jewon para harangan sya.
"Wag kang aalis dyan.", sabi ko.
Sinuntok ko ang salamin na basag para lumaki ang butas pagkatapos ay tumalon ako doon papunta sa labas. Nakita kong itinututok ulit nung lalaki ang baril nya para sa isa pang shot pero nagulat sya sa paglabas ko at napatigil. Nagmamadaling pinaandar nya yung motor nya.
Hindi ka makakatakas, sa isip ko.
Naririnig kong tinatawag ako ni Jewon pero hindi ko na sya pinansin. Hinabol ko yung motor hanggang sa dumaan ito sa makipot na eskinita. Walang tao doon kaya naman sinamantala ko na. Binilisan ko lalo ang pagtakbo at nang konti na lang ang distansya namin ay tinalon ko na ang pagitan. Nabalabag kaming dalawa sa kalsada at nagpagulong-gulong. Natanggal ang suot nyang helmet at face mask na lang ang nagtatakip sa mukha nya.
Pero mula sa face mask ay kita ko na ang mga mata nyang hindi pantay. Medyo nakapikit ang isa at ang isa naman ay dilat na dilat.
Mabilis akong nakatayo at hinawakan sa kwelyo ang lalaki pero mabilis din ang reflexes nya. Hinawakan nya ang kamay ko tsaka ako itinulak ng malakas. Napaatras ako.
"Sino ka? Anong atraso sayo ni Jewon?", tanong ko. Pero imbes na sumagot at hinugot nya na naman ang baril nya.
Akmang papa-putukan nya ko kaya mabilis na lumapit ako sa kanya at hinablot sya sa buhok pagkatapos ay sinikmuraan ko sya. Namilipit sya sa sakit.
Ipakita mo ang mukha mo, sa isip ko. Hihilahin ko na sana ang face mask nya nang biglang may bumusina ng malakas mula sa kanto ng eskinita. Isang kotseng asul ang naghihintay doon.
Agad na tumayo ang lalaki at sinipa ako sa sikmura. Hindi ako naka-focus kaya naman natumba ako at nakakuha ng pagkakataon ang lalaki na tumakbo papunta sa asul na kotse. Pagpasok nya sa loob ay pinaharurot ng driver ang kotse papalayo.
Nakatakas sila! Bwiset!
Sigurado ako na ang lalaking 'yon ang tumawag sa cellphone ni Jewon kanina. Pero sino sya? Paano nya nalaman kung nasaan si Jewon?
Biglang naalala ko si Mona at yung kausap nya sa cellphone kanina. Posible kayang ang lalaking iyon ang kausap nya?
Tiim-bagang na naglakad ako pabalik sa bar.
BINABASA MO ANG
In Order To Protect (COMPLETED)
Science FictionNagmula sa taong 2270, bumalik si Romi, isang advanced human cyborg, sa taon kung saan unang nag-umpisa ang pagbuo ng mga cyborg. Dala ang galit, lumabas sya mula sa isang portal na nagko-konekta sa future at present para hanapin ang tao na nagpasim...