BRYNN'S P.O.V.
These days, I'm being too pre-occupied with the thought of ending our friendship—I mean Sean and I.
I really don't think we can still be friends, even though I wanted us to remain like that.
Na-realize ko, habang tumatagal, kapag lalo ko siyang nakakasama, mas lalo ring lumalalim yung nararamdaman ko sa kanya.
Hangga't nandiyan siya, hangga't nakakasama ko siya at nakikita, mas mahihirapan akong kalimutan 'tong nararamdaman kong hindi ko dapat naramdaman in the first place.
I know that we promised na walang magbabago saming dalawa kahit anong mangyari, but I need to think of myself too.
Hindi ko naman hahayaan ang sarili kong mahulog ng sobra sa isang taong hindi ako kayang saluhin. I won't be a loser.
"Brynn", pagtawag sakin ni Daddy
"Po?", tanong ko
Tinignan niya ko ng seryoso at parang sinusuri ang bawat sulok ng mukha ko.
"Is everything alright?", tanong ni daddy
Pinilit kong ngumiti sa kanya at dahan-dahang tumango.
I couldn't tell him, not yet. Ayokong pag-alalahanin si daddy. I'm all grown up and I can handle this one.
"Bakit hindi mo itanong sa magaling mong inaanak dad?", sabat ni Enoch
"Enoch, stop it", suway ko sa kanya
Inirapan niya lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain niya.
These days, Enoch's been so distant to me. Maybe it's because of the situation. Hindi niya ko masyadong kinakausap o pinapansin.
"Good morning everyone!"
Napahigpit ang paghawak ko sa kubyertos at pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok yung puso ko matapos kong marinig ang boses niya.
"Speaking of the devil", inis na sabi ni Enoch
Padabog niyang binitawan ang mga kubyertos at kaagad siyang tumayo saka umalis ng hapag-kainan.
Dad looked at me with a look in his face saying, 'what-is-happening'.
Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil mismong ako ay hindi ko na alam kung ano ba ang nangyayari.
Things are getting more complicated because of these feelings, because of me.
"Oww, masama ba ang gising non?", natatawang tanong ni Sean
Yes, it's Sean and I don't know why is he here.
Sigurado akong hindi dahil kay Enoch kasi alam kong hindi sila masyadong nag-uusap these days. Could it be me then?
"Kumain ka na ba Sean?", tanong sa kanya ni daddy
"Yes tito. Actually I'm here to pick up Brynn", sagot niya
Nabulunan ako matapos kong marinig iyon at kaagad rin naman akong inabutan ni daddy ng tubig habang tinitignan ako ng masama.
"At saan naman kayo pupunta?", tanong ni daddy
Napatawa si Sean at lumapit kay daddy.
"Mamamasyal lang tito, don't worry. Hindi ko naman papabayaan si Brynn tito", sagot ni Sean
YOU ARE READING
Tragedy of Love (Completed)
Short StoryWhat if misfortune strikes while you're on your journey to the happiness and success you wished or indeed the freaking love you've dreamed for? Would you then choose to open your doors or would you rather have to keep it closed for the rest of your...