Chapter 17

40 1 0
                                    

CIAN'S P.O.V.

I woke up so early in the morning to prepare myself before going to Brynn's house.

Even though I said I'd help her, still, I know where my place is.

Kaya naman, in case na bumalik ulit yung lalaking mahal niya, dapat handa akong pakawalan siya. Dapat handa akong magparaya.

"Ang aga mo", bungad sakin ni Enoch

"I promised her I'll be the first one whom she will see upon waking up", sagot ko

Ayokong baliin yung pangakong binitawan ko. Gusto ko, lahat ng pinangako at ipapangako ko sa kanya, tutuparin ko. Wala akong babaliin kahit isa.

"Alright then, mag-aayos lang ako. She's probably wake up by now", sabi ni Enoch

Tumango na lang ako at tinapik ang balikat niya saka ako dumeretso sa kwarto ni Brynn.

Pagpasok ko ay siyang sakto namang pagbangon niya.

"Cian?", mahinang sambit niya

Napangiti ako at lumapit ako sa kanya.

"Hi, good morning Brynn", nakangiting bati ko sa kanya

Kinusot niya ang mga mata niya at ilang beses siyang napakurap.

"Is this for real? You're here?", tanong niya

Yung itsura niya ay hindi makapaniwala. I find it weird.

"Of course!", natatawang sambit ko

Bigla siyang ngumiti ng malawak at tumalon para yakapin ako ng mahigpit.

"Omg! Kailan ka pa nakabalik ng Pilipinas?! You didn't tell me you're coming home!", masayang sambit niya

What she said, literally made my heartbeat stopped.

What is she saying? Just what the hell is she up to?

"Brynn, what are you talking about? Last night I was here—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nung bigla siyang kumalas sa pagkakayakap at tinaasan ako ng kilay.

"Anong pinagsasabi mo? Baliw ka ba? Hoy Cian, hindi ka nakakatuwa ha! Kagigising ko lang!", mataray na sabi niya

"But Brynn, I am not joking around. I was really here last night. I even waited for you to fall asleep before I left", sambit ko

Nanatili siyang nakatitig sakin ng ilang segundo hanggang sa bigla na lang siyang tumawa ng malakas habang pumapalakpak pa.

What the heck is wrong with her?

"Aba, ganito ba kapag matagal tayong hindi nagkita? Nag-aral ka bang um-acting ha? Magaling ka ha!  Nag-artista ka ba?", tumatawang sabi niya

Tinitigan ko siya pero nanatili siyang nakatawa at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Last night, she was so devastated, but looking at her right now—she looked okay. Parang walang nangyari.

What the hell is wrong here?

"Brynn, seryoso ako. Hindi ako nagbibiro", sambit ko

Tragedy of Love (Completed)Where stories live. Discover now