ENOCH'S P.O.V.
Ilang araw na pagkukulong sa kwarto, inaalala ang bawat alaalang nakakasakit sa puso ko. Iniisip ang mga pagkakataong masaya pa ko sa kanya. Alaalang hanggang alaala na lang ba talaga?
"Enoch", mahinang sambit ni Brynn
Naagaw niya ang atensyon ko at kitang-kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya at labis na pag-aalala.
"Enoch", muling sambit niya at sa pagkakataong 'to ay tuluyan na ngang tumulo ang luha niya
Kumunot ang noo ko at hindi na narinig pa ang mga sumunod na sinabi ni Brynn dahil natuon ang atensyon ko sa T.V.
BREAKING NEWS!
Riona Brigid Leblanc, a renowned actress has passed away this morning.
Hindi ko alam pero matapos kong mabasa at marinig iyon ay tila tumigil sa pagtibok ang puso ko.
"Enoch", umiiyak na sambit ni Brynn
Lumapit siya hanggang sa maramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap niya at marinig ang mga hikbi niya.
Naramdaman ko ring nababasa na pala ng luha ang pisngi ko.
"Fake news 'to, diba?", sambit ko saka ako tumawa ng bahagya
Ayokong maniwala. Gusto kong isipin na baka katulad lang 'to ng nangyari kay Brynn. Hindi pwede. Hindi siya patay.
"Enoch, I'm sorry", umiiyak na sambit ni Brynn
Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa kanya. Pumeke ako ng ngiti kahit na patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.
"Hindi. Hindi 'yon totoo. Pupuntahan ko siya. Hindi", sambit ko
Tumayo ako at kaagad na hinablot ang susi ko sa may lamesa at tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Tinawag ako ni Brynn pero hindi na ko nag-atubiling lumingon pa at nagmadaling pumunta sa apartment na kinaroroonan ni Riona.
"Hindi, hindi ka patay. You can't leave me like this. Para mo na rin akong pinatay kung ganon", bulong ko sa hangin
Parang sirang plaka sa utak ko ang naging huli naming pag-uusap.
Puno ako ng pagsisisi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Basta ang alam ko lang, sobrang kirot sa bandang puso ko.
Pagkarating ko sa apartment niya, walang tao. May ilang pulis na nakabantay.
"Sir, bawal po kayo dito", pagpigil sakin ng isang pulis
Pero hindi ko siya pinakinggan at dumeretso ako ng lakad hanggang sa hilahin niya ko pabalik at hinarangan ang dadaanan ko.
"Sir, pasensya na. Bawal po kayo dito", pag-ulit niya
Tinignan ko siya ng masama habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.
"Bitawan mo ko", seryosong sambit ko sa kanya
"Pasensya na po sir, pero bawal po talaga. Ako po ang mananagot", sagot ng pulis
Napatawa ako ng bahagya at sa sobrang galit ko ay itinulak ko siya ng malakas. Hanggang sa ang mga kasama na niya ang humarang sakin.
"Sinabing padaanin niyo ko eh! Ano ba?!", pagwawala ko
YOU ARE READING
Tragedy of Love (Completed)
Short StoryWhat if misfortune strikes while you're on your journey to the happiness and success you wished or indeed the freaking love you've dreamed for? Would you then choose to open your doors or would you rather have to keep it closed for the rest of your...