Chapter 30

45 1 0
                                    

RIONA'S P.O.V.

Several days have passed and here I am, still rejecting Brynn. She have tried talking to me, but I keep on pushing her away. Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya.

"Riona"

Halos mapatalon ako sa gulat at muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape nung marinig ko ang boses na 'yon.

"Brynn please. Leave me alone. I don't want to talk to you. I don't want to see you", kaagad na sabi ko sa kanya

Nakokonsensya ako.

Matapos kong malaman ang lahat lahat, sobrang galit ako sa sarili ko. Trinato ko ng ganon si Brynn without knowing what happened to her.

In the first place, ako naman pala ang walang karapatang masaktan saming dalawa. Una pa lang, wala na kong karapatang itrato siya ng ganon. Dahil ako dapat. Deserve ko yung magdusang maiwan mag-isa.

"I'm not here to talk about us Riona. I'm not forcing you to talk to me. Hihintayin ko hanggang sa maging handa kang pag-usapan ang lahat. But for now, can you come with me?", sagot niya

Napakunot-noo ako dahil sa huli niyang sinabi. Sasama saan?

"May gusto lang makipagkita sayo. I'm just helping out", nakangiting sabi niya

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

"After this, I won't bother you again. Hihintayin kong ikaw ang unang lalapit sakin kapag handa ka na. But for now, can you come with me?", sambit niya

Hesitantly, sumama ako sa kanya. Kahit pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari, sumama pa rin ako dahil sa sinabi niyang pagkatapos nito ay hindi na niya ko guguluhin pa.

"Saan ba tayo pupunta?", tanong ko sa kanya

Hindi niya ko sinagot at nagpatuloy siya pagkaladkad sakin.

Natahimik na lang din ako.

Napatulala ako nung makita ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Remember this okay? I will be always holding your hand like this. I won't ever let go. I will not lose you. Never in my life"

Biglang pumasok sa isipan ko ang imahe ng batang Brynn habang naririnig ang mga binitawan niyang salita noon.

Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko at unti-unting lumabo ang paningin ko.

"Nandito na tayo!", masiglang sambit ni Brynn

Sa biglaang paglingon niya sakin ay kaagad kong hinila ang kamay ko at tumalikod saka ko pinunasan ang luha ko.

"Hey, are you okay? Is there something wrong?", nag-aalalang tanong ni Brynn

"Nothing", simpleng sagot ko

Nilingon ko siya at nakita kong nakatitig siya sakin habang puno ng pag-aalala ang mga mata niya.

Kaagad akong umiwas ng tingin at iginala ito sa paligid. Where are we?

Tragedy of Love (Completed)Where stories live. Discover now