Chapter 12

53 1 0
                                    

BRYNN'S P.O.V.

Today's a seminar para ihanda kami sa upcoming immersion namin. And as usual, of course, I'm with Enoch and Cian.

Si Sean? Ayon, kasama ni Riona. Makalingkis yung babae, akala mo tuko na mahigpit ang kapit at ayaw kumawala.

Hindi ko na rin naman pinansin pa sila. Alam kong masisira lang ang araw ko kapag ganon.

I tried thinking about how Sean acts these past few days. I thought of giving him a chance to prove himself. Pero sa nakikita ko, I am asking myself—is he worth the chance?

Ngayon pa lang, sobrang ekis na niya. Seeing how he lets Riona pull him towards her, nakaka-disappoint.

He can always say no if he really is against the idea of getting close to her. He can always distance himself like how he did to me, but he's not doing it.

And now, he's looking at me from afar. Making it look like, I'm a star whom he can't reach and just chose to remain watching me shine and just be contented about it.

"Mag-spread out nga kayo konti. Masyado kayong madikit sa isa't isa", sabi ni Ma'am Hera

"Ma'am, hindi kami sanay!"

"Ang lamig lamig na nga ma'am, tapos ilalayo niyo pa kami sa isa't isa"

"Paanong space ba ang gusto mo ma'am?"

"Ganito ba kalawak ma'am?"

Natawa na lang ako sa mga kalokohan ng mga kapwa ko estudyante.

"Amery, Cian, Enoch. I said spread out", sabi ni Ma'am Hera nung makalapit siya samin

"Ma'am, Brynn nga", reklamo ko

Ayoko kasing tinatawag ako sa second name ko. Ang pangit pakinggan, ewan ko ba.

Pero kapag sa iba, mga ka-close ko ganon, okay lang naman. Hindi naman ako naiirita.

"Amery nga ang gusto ko, bakit ba", pang-aasar sakin ni Ma'am Hera

Napairap na lang ako at napatawa ng mahina. She's always been like this to me, ever since I was under her subject last school year.

Hindi lang siya actually, pati ibang teachers nasanay na sa kakatawag sakin sa second name ko magmula nung marinig nila si Ma'am Hera na iyon ang tawag sakin.

Sometimes, I feel irritated but of course, I still must respect them. Pero minsan, hinahayaan ko na lang din at medyo nasasanay na.

"Tabi na lang kaming tatlo ma'am, tatahimik naman kami eh", sabi ko

"Oo nga naman ma'am", segunda sakin ni Cian

Ngumiti ng nakakaloko si Ma'am Hera at naglipat-lipat ng tingin samin ni Cian.

"Para-paraan lang kayong dalawa eh", sabi ni Ma'am Hera

Napatawa na lang ako dahil sa sinabi niya.

"Hayaan mo na ma'am", sabat naman ni Enoch

"Ikaw Enoch, wala ka bang balak mag-girlfriend?", tanong ni Ma'am Hera sa kanya

Tragedy of Love (Completed)Where stories live. Discover now