Chapter 6

57 2 0
                                    

BRYNN'S P.O.V.

Kagaya nung mga nakaraang araw, patuloy pa rin kami ni Enoch sa pag-iwas kay Sean. Ito lang yung alam kong paraan para makalimot.

Pati tuloy si Cian, nadadawit na sa gulo naming tatlo. Pati tuloy siya, naiipit na saming tatlo gayong pare-parehas niya kaming kaibigan.

"Of course this is by pair. Para mas mabilis ang usapan, bahala na kayong pumili kung sinong kasama niyo. Yung alam niyong makakatulong sa inyo", sabi ni sir

"Enoch—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil halos mapatalon ako sa gulat nung biglaang may humawak sa magkabilang-kamay ko.

Sean is holding my left hand, while Cian is holding my right hand.

"Brynn, tayo na lang ang mag-partner", sambit ni Sean

And what made him think that I'm choosing him? What made him think that I want to pair with him? Umiiwas nga ako diba?

"I'm sure Brynn doesn't want to be your partner", sabat sa kanya ni Cian

"And what do you think you're doing?", taas-kilay na tanong ni Enoch sa dalawa

My goodness! Save me Enoch!

I was about to talk to Enoch and tell him that we should pair up! Mas mabilis din kami makaka-catch up if ever kasi pwede kaming mag-practice sa bahay. Tutal nasa iisang pamamahay lang kami.

Kaso 'tong dalawang mokong na 'to, ewan ko ba anong nakain nila at isang weakshit na kagaya ko ang gusto nilang ka-pair!

"I'm not letting go of her hand", seryosong sabi ni Sean

"You already did. What the hell are you talking about? Trying to sugarcoat everything again, Sean?", sagot sa kanya ni Enoch

Napabuntong-hininga na lang ako dahil pakiramdam ko, sa away na naman mapupunta 'tong usapan na 'to.

Kung pwede lang sanang magpalipat ng section, ginawa ko na. Para makaiwas lang kami sa ganitong scenario araw-araw. Kaso hindi na pwedeng lumipat.

"Then stop me from holding on to her if you can", sambit ni Sean

Nagulat na lang ako nung pwersahan niya kong hilahin patayo kaya ang ending, napahawak ako sa kanya tapos nabitawan ako ni Cian.

"Sir, Sean Calloway and Brynn Narvaez, pair", sambit ni Sean

"Sir teka lang!", protesta ko

Tinaasan ako ng kilay ni sir matapos akong sumigaw.

"Is there any problem Brynn?", tanong ni sir

Lahat sila ay nakatingin na sakin matapos akong tanungin ni sir ng ganon. May kasalanan ba ko?

"Brynn?", pagtatawag ni sir sa atensyon ko

Napabuntong-hininga ako at pilit na ngumiti.

"None sir", sagot ko

Sinamaan ko ng tingin si Sean pero nginitian niya lang ako. Did he really think that I'm okay with this?

Tragedy of Love (Completed)Where stories live. Discover now