Chapter 5: Audition

64 17 7
                                    

Chapter Five


It's almost 9:00 nang makapasok ako. Nasa mahalagang seminar ang prof namin ngayon at wala kameng pasok sa first subject.
Nasa paglalakad ako nang may makasalubong ako.

"Ohh, look who's here"
Si Athena kasama ang dalawa nyang alagad or should i say alalay.

Lilihis sana ako ng direksyon para makadaan pero hinarangan ako ni Jean.

"And she's not with the wild witch," saad pa nito at natawa ng bahagya.

"Ahmm pwede ba? Gusto ko lang makadaan, ayaw ko ng gulo," mahinahon kong wika
Ke ganda-ganda ng umaga kaya pangit kung masira.

"Hmmm, alam mo naman dibang may atraso pa samin yoong kasama mong tapang-tapangan. Hindi pa kame nakakaganti," sabi ni Athena sabay hawak ng buhok ko at hinala palapit sa kanya

Napangiwi lang ako sa sakit, medyo marahas kase yung pagkakahila nya.
Kasalukuyan naman akong kinakapabahan at nakikiramdam sa susunod na mangyayari.
Bugbog din ba ang aabutin ko nito?

Hinawakan nya ang baba ko at sinabing "And besides, wala sya dito so gusto kong lumuhod ka at humingi ng sorry, very easy."

Napamasid-masid ako sa paligid kung may tao pero sheet, wala.
Hawak ni Jean ang balikat ko.

Nagdadalawang isip pa ako kung luluhod.
Haysss! Kainis naman, umagang umaga eto pa dadanasin ko.

So wala akong choice kundi itaas ng bahagya ang skirt ko at unti-unting lumuhod. Medyo masakit sa tuhod ang magaspang na semento.

"And what to do next?" sabi ni Athena

"Sorry," mahinang sabi ko
"What? I can't hear you," sabi nya at inilagay pa ang kamay sa tenga at bahagyang lumapit sakin.

"Sorry," paguulit ko sa malakas na paraan.

"Very good, girl" saad nito at sa hindi inaasahan ay tinapon ang malamig na inuming dala nya.
Hindi naman gaanong puno ang dala nyang inumin. Pero sapat na iyon para madumihan ang damit ko.

Gulat na gulat ako sa pangyayari,
nabigla ako at napatayo.

"Oppss sorry," sabi nya at nag peace sign.
Nagtawanan silang tatlo habang ako naman ay
dali-daling umalis.

"Don't mess again with us bitch, at pakisabi doon sa kasama mo na we're not yet done," pahabol na sigaw pa nito.

Ako naman ay pilit kinakalma ang sarili sa galit.
Klein, kalma.
Kasalanan ko din kase, dapat maaga akong pumunta or hindi nalang talaga ako pumasok.

Naiinis kong tinungo ang locker ko at kinuha ang extra t-shirt ko.
Dumiretso ako sa CR para magbihis at linisin ang sarili.
Kainis ang hirap pa namang labhan ng uniform na'to. Palibhasa di nya alam kung paano labhan ang damit nya. Ganun ba ang mayayaman?

Bago ako lumabas ay humarap muna ako sa salamin. Inayos ko ang sarili ko, mula sa magulong buhok ko at ang sarili ko.

"Ok lang yan Klein," sabi ko at huminga ng malalim

Nang makalabas ako ay dumiretso na ako papuntang room.

Maswerteng wala pa ang instructor namen kaya ligtas ako.

"Ohh? Ba't ngayon kalang? And what's with that face?" bungad ni Leigh nang makaupo ako.

Umiling ako sabay sabing, "Wala, pangit lang ang gising," sabi ko noong maharap sya.

Pinili kong huwag sabihin kahit kanino lalo na kay Leigh kung ano ang nangyari at baka wala sa oras syang manggigil at mapasugod at baka magkagulo na naman. Haysss ayoko na.

The Innocent Killer (On-Going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon