Chapter 19: Dating?

17 5 0
                                    

Chapter Nineteen

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko.
Napakusot-kusot muna ako ng mata at nagunat-unat.
May nagtext pala, sino 'to? At naunahan pa ang alarm ng cellphone ko.

"Good morning Allison, it's me Seidon. Have a nice day," basa ko sa text.
Ahh ok

W-wait! What?
Binasa ko ulit ang text at nanlaki ang mga mata ko. Saan niya naman nakuha ang number ko?
Hmmm... Hindi ko natandaang nagbigay ang ng number.
"Good morning din, saan mo nakuha ang number ko?" diretsang sagot ko.

Bumangon ako para umupo, pumipikit-pikit pa ako sa mga oras na'to. Ba't ganto? Maaga naman akong natulog kagabi tapos antok na antok ako ngayon.
Tinupi ko ang mga kumot ko at hinanap ang punda ng unan ko. Malikot kasi akong matulog, minsan nga nahughulog ako sa kama ehh. Legit yung kaba kapag magigising ka, parang nahulog ka sa mataas na building. Ganun ang feeling.
Tatayo na sana ako nang umilaw ang cellphone ko. Kinuha ko ito, nagreply pala si Seidon.
"Hindi na importante 'yon. Always start your day with a smile. Don't forget to eat breakfast," basa ko sa text nito. Nako-nako medyo nakakahalata na ako sa ginagawa nito. Ganito kaya siya sa ibang babae? Malamang ganun nga, pero hindi natin alam.
Pinilit kong ngumiti.
Hindi ko na'to nireplyan, masyadong maaga kaya't nagonline muna ako sa facebook. Nagulat lang ako nang makitang puno ang notification box ko.
May isang friend request din.
"Clark Seidon Aguirre," basa ko sa pangalan ng friend request. Totoo ba'to?
Tinignan ko rin ang notifs ko at puro pangalan ni Seidon. Anong ginagawa niya?
Flood reacts?
Anong nakain nun?
Pinindot ko ang profile niya para maaccept siya.
Binisita ko rin ang timeline niya.
Meron lang naman siyang 28,236 followers, napakafamous. Ang gwapo niya sa profile picture niya. Mukhang gumastos talaga siya para lang sa profile pic niya. Pormang-porma at high resolution ang picture.
Nagscroll-scroll pababa.
8 minutes ago
Nagpost siya ng dalawang picture. Hindi normal na picture lang. Mukha siyang bagong gising tapos walang damit pangibabaw. Ganito ba siya matulog?
Nagreact ako ng heart at nagpatuloy sa pagscroll.
Maya-maya ay may nagpop-up sa screen ko.
"Uyy she accept my friend request, and she also reacted on my new post," basa ko sa chat niya.
"Gwapo ko ba? Ganyan ako kapag gumising. Pero soon gigising kang mukha ko ang nakikita nito," basa ko sa chat niya.
Loko-loko ehh, pero napapangiti ako. Mukha nga lang baliw.
Hindi ko alam kung anong irereply, hmm nakakahiya. Dapat hindi nalang ako magreact sa picture nito. O dapat hindi ko nalang siya ni-accept.
"Loko, gusto mo iunfriend at remove react ko nalang?" sabi ko naman.
Maya-maya ay nagsend ito ng maraming stickers. Stickers na umiiyak.
"Hindi, never do that. React kalang sa mga pictures ko kelan mo man gusto. Pwede mo ring isave. Or you can set it as your phone wallpaper," reply niya naman.
Ahh talaga?
Pwede pala akong magreact ahh?
Pumunta ako sa photos ng account ni Seidon.
Binaha ko ito ng Sad reacts
Nageffort talaga ako sa kalokohan ko.
Pumunta ako sa pinakadulo ng mga pictures at naghanap ng pangit niyang litrato.
Pero wala ehh, ang gwapo niya sa lahat.

Maya-maya ay nagreply siya, "Bat sad reacts?" tanong nito nang may kasamang paawa effect na emoji.
Natatawa ako sa pinaggagagawa ko, may kulang pa.
"Ehh sabi mo ehh, sabi mo pwede akong magreact sa mga pictures mo,"
"Hmmm dapat heart yun ehh. Pero sige, dahil sinaktan mo ako. Iwallpaper mo ako. Please?" sabi nito at binaha ako ng mga stickers.
"Hmmm, kaso wala kang pangit na pic ehh. Send ka pwede? Yung pinakapangit hahhhh?" type ko at pinindot ang send button.

Maya-maya ay may isinend siyang picture.
Ehh hindi naman pangit ehh, mukha siyang nakakain ng maasim na pagkain. Hindi siya pangit, ang cute niya. Pero ok na'to. Isinave ko ito at ni-set wallpaper.
Picture niya siguro to ngayon lang, parehas na lugar. Tapos wala rin siyang damit. Litaw ang collarbone nito at ang adams apple niya.
Ni-screenshot ko ito at sinend sa kanya.
"Ayown! Hahaha ang pangit ko jan," reply nito.
"Pangit ka dyan, ang cute mo nga dun ehh," reply ko na may supladang emoji.
"We? Cute lang ba?"
"Bakit gwapo ka ba?" sagot ko.
"Hmmm i think so, bakit hindi ba?" reply nito.
"Ewan ko sa'yo," sagot ko.
"Baliw" dagdag ko pa.
At mabilis itong nagreply, "Sayo"
"Huhhh?" reply ko.
"Ang sabi ko, baliw... sayo," reply niya sa akin.
Napangiti ako sa reply nito.
Hindi ko alam na ganito pala siya kakulit.
Hmm... simula noong magkasama kami kahapon ay naging ganito na siya. Siguro ay medyo close na kami kaya't medyo ganito na ang pakikitungo niya sa akin.
Kahapon lang ay nilibre niya akong maglunch. Tapos siya pa ang naghatid sa akin.

The Innocent Killer (On-Going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon