Chapter 16: Strange Feeling

22 4 0
                                    

Chapter Sixteen

Tinutungo namin ngayon ni Calix and daan papuntang cafeteria. Sa cafeteria ng kanilang building naisipang kumain ni Calix, syempre doon siya kumakain ehh.
Medyo mas maliit ang cafeteria nila hindi tulad ng sa amin, apat na beses itong na mas malaki. Kaya siguro dinadayo ang cafeteria namin.
HM at tourism ang course ng sa Building namin kaya intend siguro na gawing main cafeteria ang nasa building namin kaya may malaki.
Medyo marami ding tao pero hindi kasing dami ng nasa amin. Punuan din ang mga upuan pero may nakikita parin naman akong bakante. Pumila na kami ni Calix, pinauna niya ako sa pila.
Hindi gaanong mahaba kaya agad akong nakabili.
Naghanap ako ng maaaring maupuan.
Parehas lang din naman ang mga lamesa, katulad din ng sa amin. Apat na tao ang pwedeng makaupo. Hindi muna ako kumain at hinintay si Calix. Inayos ko na lamang ang mga pagkain sa tray ko. Medyo natatakam na akong kumain, ang sasarap ng pagkain ehh, mas lalo akong ginutom.
Maya-maya lang nakita kong tinatahak na ni Calix ang direksyon ko. Alam kong nakita niya naman akong dito umupo, kanina pa niya ako tinititigan ehh, binabantayan niya ang mga kilos ko kaya mas lalo akong naiilang. Parang pinagsisihan ko pa tuloy kung bakit ko pa siya niyayang kumain. Kanina ko pa siya hindi kinakausap. Nahihiya ako, hindi mawala sa isip ko ang sinabi nya kanina sa library. Hindi ko mapigilang mamula kapag naaalala ang mga kaganapang 'yon.

Nang malapit na ito ay napahinto ito at napatingin sa gawing kanan ko. Sinong tinitignan niya?
Bago ko pa makita ay naramdaman ko ang paggalaw ng upuan ko, indikasiyon na may umupo sa tabi ko. Naramdaman ko rin ang pagdikit nito sa akin.
At sinong umagaw ng upuang inilaan ko para kay Calix?

Mapapaatras sana ako at mapapatayo nang makilala ko ang taong umupo sa tabi ko.
Namuo ang galit sa kaibuturan ng aking sistema.
Ngunit kinalma ko ang sarili ko, ayaw ko nang dagdagan pa ng gusot ang mga nangyari. Mabuti na lang talaga ay wala akong natanggap na letter ng suspension o kung ano man. Siguro'y natauhan ang manyakis na Dean na iyon. Kung gawin niya talaga 'yon ay isusumbong ko talaga ang pambabastos niya.

Pero teka? Ba't nandito ang lalaking 'to?
Umupo sa harap ko si Alfred at si Calix naman ang naupo sa bakanteng upuan.
Hindi ako nakapagsalita.

"Ahm, bakit ngayon ka lang kumain? It's already late. Ba't nagpapalipas ka ng gutom?" sabi nito.
Tinignan ko ito ng masama at napaikot ang ang mata. Napailing-iling ako at muling binalik ang tingin sa aking kinakain.

Parang nawawalan ako ng gana sa tuwing nararamdaman ko ang presensya ng lalaking 'to. Baka nakakalimutan yata nila na dahil sa kanila ay muntik pa akong maexpell, dahil sa kanila ay nakasakit ako ng tao. Ehh oo nga no? Kagagawan ko naman talaga pero sila ang puno't dulo ng problema.
Wala akong ginawa kundi paglaruan ang pagkain ko. Kanina ko pa hinihiwalay ang ulam sa sabaw at nilalagay sa aking kanin. Nawala na talaga ang gutom ko.

"Hindi ka pa ba kakain? Gusto mo bang subuan ulit kita?" tanong nito at naramdaman ko ang pag-urong nito.
Sa narinig ko ay nagumpisa akong kumain, hindi ko binilisan dahil ayaw kong muling mangyari ang kaganapan noong nabulunan ako.
Kung ano man sana ang iniisip ni Calix sana hindi niya 'yon paniwalaan. Subuan? Ulit? Bakit kailan ba niya ako sinubuan?

Naiinis na ako sa lalaking katabi ko, sarap ipaligo sa kanya ang kinakain ko ehh. Nakakawalang gana.
Nabubwisit ako.
Sa bawat kutsarang isusubo ko ay hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ito nginuya.
Sa too niyan at kanina pa ako nagtataka kung bakit sila nandito ehh, hindi naman sila kumakain. Anong trip ng mga 'to?

Maya-maya ay naramdaman ko ang pagpatong nito sa balikat ko. Medyo nakaramdam ako ng pagsisitayuan ng balahibo hanggang sa nagalit na ako. Naramdaman ko ang pagdikit ng mukha nito sa batok ko.
Naihampas ko ang kutsara sa aking lamesa dahilan para magulat ang tatlo.
Medyo malakas talaga kase ang pagkakahampas ko. Pagkatapos kong maihampas ang kutsara at tinanggal ko ang pagkakaakbay nito sa akin at tumayo. Pinagtinginan ako ng tatlo.
Gulat sila.

The Innocent Killer (On-Going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon