Chapter 11: MissFortune

34 9 5
                                    

Chapter Eleven

Nang makauwi na ako ay ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. Hindi ko alam kung bakit... kung bakit umiinit ang dugo ko sa tuwing makakarinig ako ng pambabastos o pang-aabuso. Umiinit talaga ang ulo ko at hindi ko makontrol ang galit ko. At hindi ko alam kung bakit at kung ano ang dahilan.
Nasa malalim akong pag-iisip ng maisipan kong tawagan si Leigh kung ano ba ang nangyari at baka mabaliw na ako sa kakaisip.

"Hello?" sabi ko nang masagot nya ang tawag ko.
"Hmm?" sabi nito
"Ano ba talaga ang nangyari?" sabi ko at umupo mula sa pagkakahiga
"Huhh?" takang sabi nito
"Anong hah? Sabi ko... ano yung nangyari kanina kaya ka hindi nakapasok?"
"Ahh ok. Nadischarge na kase si tita sa ospital kaya 'di ako nakapasok, walang mag-aasikaso ehh nakauwe na kase si Dad ehh kaya ako nalang," pagpapaliwanag nito

"Tapos ano pa?"
"Anong ano pa?! Bakit meron pa bang dapat mangyari?" sabi nito at nagtaka.

"Ehh ano yung nalaman kong binosohan at nabastos ka?!" inis kong sabi.

"hahh??! Bakit naman ako mabobosohan at mababastos? Paano mo nalaman?" sabi nyang medyo natatawa.
Takang-taka na ako sa mga oras na ito.

"Hindi?! Hindi 'yon totoo?" takang sabi ko,
"Hindi, bakit sino ba nagsabi?"

Napahinto ako at bahagyan inilayo ang cellphone mula sa aking tainga.
Luhhh ka, kawawa yung nabugbog kanina. Tapos binugbog ko ulet.
Ay tanga, napasampal nalang ako sa noo ko.
Napalakas pa naman yung mga hampas at sampal ko sa lalaking yun.
Kawawa naman, nakokonsenya ako.
Naisahan ako ng mga ulupong na 'yon, napakabwiset sila! Arrghhh!

"Hello Klein? Nanjan ka pa?" tanong nito
"Ahh... oo, yung tatlong ulupong na'yon sabi nila," sabi ko.

"Ulupong? Hahh? Sino yun?" sabi nya sa kabilang linya at narinig ang mahinang pagtawa.

"Edi yung mahanging si Seidon, yung kalandian mong si Jake tsaka yung si Alfred," sabi ko at natawa ito
"Ahh ehh bakit parang kinakabahan ka? Iba tono ng boses mo."

"Eto na nga... may binugbog silang lalaki kanina ehh naawa ako. Ayun binato ko sila para matitigil ba ehh sumamblay, naduling ako ehh sa iba tumama. Kaya ayun nakita ako tapos sabi nila binastos ka daw ng kalbong binubugbog nila kaya ayun nagalit ako halos mapatay ko na yung kawawang lalaki, pinaghahampas ko pa naman 'yon ng sapatos ko, nakokonsensiya ako Leigh. Bwisit talaga yung mga ulupong na'yon, humanda sila 'pag makita ko ang pagmumukha nila," inis kong sabi at halos mamatay na ito sa kakatawa.
"Lagot ka Klein, paano kung magsumbong yung lalaking 'yun," sabi nya at kinabahan ako.
Oo nga, paano na?!
Ahhhh! Ayoko na!
"Ewan ko sayo Leigh 'di ka nakakatulong kasalanan mo din to ehh," inis kong sabi at mas lalo syang natawa.
Binaba ko ang tawag at muling humiga.
Humanda talaga yung mga ulupong na 'yon, lalo na yung lider nilang mahangin.
Nako! Kainis. Napasabunot nalang ako ng buhok at nahiga.
Nakokonsensiya ako!

***

Bakanteng oras namin ngayon at napakainit sa loob ng classroom.

Oo hanggang ngayon napakainit parin ilang araw na... ay mali, ilang linggo na wala yata silang balak na ipaayos ang aircon sa kwarto namen. Hustisya please, napakainit po!
N

apapunas ako ng pawis ko ng magsalita si Leigh.

"'lika na, sa labas tayo. 'Di ko na kaya ang init sa lugar na to. Nagmumukhang oven, tapos kung may aircon naman parang freezer at nanginginig pa tayo sa lamig," pagyayaya nito.

Tumango lang ako at tumayo na. Nagsilabasan na din ang iba pa naming kaklase.
At mangilan-ngilan na lang ang natira.
May isa pa kameng klaseng hintayin.
Parang tinatamad na nga akong pumasok ehh.

The Innocent Killer (On-Going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon