Chapter 14: Loving mother

25 7 0
                                    

Chapter Fourteen


Linggo ngayon at niyaya ako ni Mama na pumunta sa bayan para magsimba.
Hindi sana ako sasang-ayon kaso napagisip-isip ko na andami ko na palang kasalanan at humahaba na ang sungay ko.
Natawa ako sa naiisip ko.
Tumayo na ako at nagpasyang maligo. Hinanda ko muna ang susuotin ko bago pumasok sa cr at labanan ang lamig ng tubig. Maaga pa daw kase ang simba sabi ni Mama, tapos sasamahan ko pa daw siyang mamalengke.

Pumasok na ako sa banyo para maligo. Walang sariling CR ang kwarto ko pero katabi lamang 'to ng kwarto ko, oo may CR dito sa taas.
Napatingin ako sa katawan ko sa malaking salamin. Medyo pumayat nga ako. Ngayon ko palang ulit makikita ang kabuoan ng katawan ko. Syempre, ehh wala namang malaking salamin sa apartment. Siguro sa salamin ng CR sa campus nakikita ko, kaso hindi ganito katagal.
Nang mahubad ko na ang damit ko ay napansin ko ang mga peklat sa aking katawan. Hindi ko alam kung saan 'to nanggaling, siguro'y sa kalikutan ko dati noong bata pa ako.
Nakita ko rlin ang pasa sa iba't ibang parte ng katawan ko. Buti nga't hindi nagalaw ang mukha ko ehh. Lagot talaga ako kay mama.
Hayyys, hindi na talaga ako makikipag-away. Parang ako ang napupuruhan ehh. Kahit nananahimik ako ehh parang nagiging kasalanan ko pa.

Nawala sa isipan ko ang mga pag-iisip ng maraming bagay nang magbuhos na ako ng tubig sa aking katawan.
Yayyysss ang lamig talaga. Parang ayaw ko nang maligo. Nagkakanta-kanta lang ako habang naliligo.
Nang matapos akong maligo'y nagtapis na ako ng tuwalya sa katawan at lumabas. Nakita ko si Kuya na walang damit pang-itaas at nakasukbit ang asul na tuwalya sa balikat. Medyo malaki-laki na ang katawan nya ahh. Medyo matagal-tagal  ko na din kase syang hindi nakita. Matagal na siyang nagtatrabaho sa Maynila ehh.

"Tatayo ka nalang ba?! Bilisan mo, maliligo din ako!" inis na sabi nya.

"Edi ohh! Lamunin mo, akala mo naman aandar ang CR at aalis!" patalikod kong sabi at pinipiga ang tubig sa buhok.
Hayss, napakainit talaga ng dugo namin sa isa't isa. Nung bumagyo yata ng kasupladuhan ehh nasalo yata nya lahat. Pati mga babae na nagdaan sa buhay nya hindi nagtatagal. Hindi nakakaya ang ugali nya.
Haysss panira ng araw.
Inis kong sinarado ang pinto at inilock.
Sinuot ko na ang mga damit na hinanap ko kanina.
Isang maroon na dress, medyo ayaw ko sa kulay na 'to pero wala na akong ibang dress ehh. Hindi naman ako palasimba ehh.
Nang masuot ko na ay inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas.

***

"The mass is now done, may the word of God be with you,"
"And with you always,"
"May God bless us all"
"In the name of Father, into the Son and into the holy spirit, Amen." pagtatapos ng pari sa simbahan.
Nage-echo ang boses ng Pari sa buong simbahan.
Namamangha ako, palibhasa'y ngayon lang nakapagsimba.

Hinintay muna namin ni Mama na lumuwag ang daan palabas dahil medyo nagsisiksikan pa.
Nang mapansin naming lumuwag na ay lumabas na kame.

Medyo malapit lang ang palengke sa simbahan kaya naglakad lang kami.
Nang marating namin ang palengke ay agad inumpisahan ni Mama ang pamimili.
Nakakahiya lang samahan si Mama.
Simple lang ang suot ni Mama pero ako itong pormadong tagahawak ng pinamili nya.
Puti pa naman ang sapatos ko at siguradong madudumihan ito ng putik dito sa palengke.
Sunod lang ako ng sunod kay mama.
Medyo naiinis ako sa tingin ng tao, lalo ng sa lalaki.
Inaalok ba naman ako ng mga binebenta nila. 'Eto.naman akong inaabot ng kasupladahan.
Medyo pangit kasi ang umaga ko ehh, kainis na asungot 'yon.
Nilagyan ba naman ng hanger ang doorknob ng pinto ko kaya't hindi agad ako nakalabas. Sigaw pa ako ng sigaw sa loob, akala ko makukulong na ako sa loob ng kwarto. Kaya 'eto kahit galing sa simbahan medyo pangit ang mood ko.

Tahimik lang akong sumusunod kay mama, inoobserbahan ko rin siya kung paano mamalengke, medyo madali lang pala.
Nang matapos na kameng mamili ay dumaan muna kami sa isang bangko. Nagwi-withdraw yata si mama.
Allowance ko pala 'yon para sa susunod na buwan.
Nabago ang mood ko nang malamang dinagdagan daw ni Papa ang Allowance ko. Kaya ayun, naging masaya na ulit ako nang makauwi kami.
Mahal na mahal talaga ako ni Papa.

The Innocent Killer (On-Going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon