Chapter One
Ang paligid ay nababalot ng iba't-ibang ingay at ang lahat ay may sari-sariling mundo. Ang iba'y naguusap, nagtatawanan, nagpapayabangan sa mga gamit at ang iba nama'y nagpapakilala sa isa't-isa na halatang nagkakahiyaan pa. Ang iba naman ay kagaya kong tahimik at nagoobserba lamang sa paligid. Sa ibang dako nama'y nagkaroon agad sila ng makakalandian at malamang sa malamang bukas makalawa siguradong sila na.
The room is fully air-conditioned, the wall is painted white and the floor is also coloured light. May mga sliding window na nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Tanaw mo din sa labas ang kabuuan ng campus. Nasa ikatlong palapag ang kwartong ito matatanaw mo talaga ang malapad na kabuuan ng campus.
Sa harap ay mayroon white board at isang desk which is exclusive para sa mga professors.
Dalawa ang pwedeng mag-occupy sa isang desk.
Polished wood ang mga upuan at madulas. Makinis ito at masarap sa balat.
Naupo ako sa last row katabi ng bintana.
Kasalukuyang bakante ang upuang nasa tabi ko at sana nama'y matino-tino ang makakatabi ko.Maya-maya ay may pumasok na lalaking matangkad at maskulado ang pangagatawan, sa tingin ko'y professor namin ito. Nakasulot ito ng blue long sleeve at grey na pantalon dala ang bag ng laptop.
"Good morning!" malamig na tugon nito at tinignan ang relo at nilapag ang dala-dala nyang gamit.
"Goooood Moooorning sir," mabagal na usal ng mga kaklase ko at tumayo.
Ako nama'y pinagmasdan lang sila at hindi na nagpakapagod tumayo. Sa likod naman ako ehh di naman ako makikita nyan."Enough... with your childish and highschool act!" pagsesermon nito. "You're no longer in highschool, so you must practice proper expression. Not Goooooood Mooooorning siirrr. it's Good Morning, simplier as that" dagdag pa nya.
"I'm Rigel Castor, an English grammar enthusiast. So expect criticism when it comes to proper grammars and expressions," pagpapakilala nito sa sarili. "Starting this time you must speak english in my class regularly. Are we clear?" dagdag pa nya.
"Yes Sir!"
"In alphabetical order, introduce your self in front, detailed and clearly," sabi nito at isa-isang tinawag ang mga pangalan.
Hindi na ako nagpakahirap kilalanin kung sinu-sino sila.
Ang nakakainis lang ay malapit nang tawagin ang pangalan ko.Lumukob ang kaba sa aking dibdib nang tawagin ako.
Yung biglang pipitik ng malakas at bibilis ang tibok ng puso mo, ta's manlalamig pa ang nga ngipin mo.
"Next, Allison Klein Relojas"
Ayaw ko sanang tumayo pero no choice. Parang gusto ko pang magdalawang isip pero inulit-ulit pa ang pagtawag sa pangalan ko. Dahan-dahan akong tumayo at tumungo sa harap.
"Allison Klein Relojas, i'm 19 years of age. That's all," mahinang wika ko at akmang aalis na ng marinig kong nagsalita si sir kaya napahinto ako.
"Is that how you introduce your self?"
"Sir?" nagtatakang tanong ko dito at nagtaas ang dalawa kong kilay.
"Is that how you speak in front? Proper introduction indicates lot of your personal information, right?"
Hayss, ganito ba sya kaperfectionist?
Aba't ano pa bang kailangan kong sabihin? Kung paano ako inire ng nanay ko? Kung paano ako natutong huminga?
BINABASA MO ANG
The Innocent Killer (On-Going!)
Mistério / Suspense"Paano mo nasabing inosente siya kung napatunayang nakapatay siya?" "Wala akong ginawang masama! Hindi ko magagawa ang ibinibintang niyo!" "Minsan, ang isang makasalanan ay biktima rin ng kalupitan at kasamaan" "There are secrets behind lies" "Not a...