Chapter 23: Bloods and suffocation

18 5 0
                                    

Chapter Twenty-three

Bago umalis sa amin ay sinigurado ko muna kung makakapunta si Leigh ngayon. Sabado ngayon at napagdesisyunan naming aagahan namin ang paggawa ng props gaya ng sabi ni Ms. Jennifer.
At para narin bakante na kami sa mga susunod na sabado.

Nakarating ako sa campus at pansamatalang naghitay sa pagdating ni Leigh.
Hindi naman nagtagal ay dumating na siya.

"Akala ko naman hindi ka sisipot at makikipag-date ka na naman kay Jake," bungad ko rito at inirapan.

Umikot ang mga mata nito, "Ay ang nega mo naman. Ang aga-aga hah? Red days gurl?"

"Hindi ahh, sino ba namang hindi maiinis no'n? Malinaw na malinaw ang usapan tapos wala pala kasi doon, nakikipaglandian," pagsusuplada ko.

"Ayy grabe hah? Ikaw nga nakikipaglandian din kay Seidon," banat naman nito.

"Heh! Ikaw nga may boyfriend na tapos nakikipaglandian pa sa ibang lalaki."

Inunahan niya ako sa paglalakad at tumayo sa aking harapan. Pinamewangan niya pa ako, "Hoy! Kailan?" tanong nito.

"Kahapon, grabe nga yung tawanan niyo ehh," sabi ko at ginaya ang tawa nito.

Dinuro-duro niya pa ako at pilit pinipigilan ang pagtawa, "H-hoy! Ikaw nga itong nilalandi ang lalaking may girlfriend na," sabi pa nito.
Hindi ko alam kung anong ibabanat kay Leigh. Mediyo napikon din ako. Iniwan ko ito at binilisan ang paglalakad.

***

Kasalukuyan akong naggugunting sa mga makukulay na cartolina. Kailangan ko nalang sundin ang trace sa paggugunting.
Huling sheet nalang at natapos na rin ako.
Ibinaba ko ang hawak kong gunting at tumayo mula sa pagkakaupo. Inunat-unat ko ang nga kamay ko, kahit ang bewang ko ay ginalaw-galaw ko rin. Nakita ko si Leigh at kaharap ang cellphone, pangiti-ngiti pa ito habang nagpipindot.
Lumapit ako sa table na matatagpuan sa gitna kung saan naroon ang iba pa naming kasama.

Tumigil ako sa harapan nila, "Ano pang pwedeng kong gawin?"

"Ay tamang-tama. Wala pang magcucutter ng mga plain styrofoam, ikaw nalang pwede?"

Tumango-tango ako at hinanap kung nasaan ang cutter. Nang mahanap ko naman ay hinagilap ko rin kung nasaan ang ika-cutter ko.

Kasalukuyan kong sinusunod ang may marker na styro. Marahan kong sinusunod ang trace, shape ito ng isang bulaklak. Medyo nahihirapan akong ideretso ito kaya't hinawakan ko malapit sa ini-cutter ko para dumiretso na. Bakit yata naistruck ka?
Kahit ano ang urung ko ay hindi hindi parin nakakaalis ang cutter.
Tinodo ko na para matapos na ito nang biglang umusog papunta sa ibang direksiyon at nahagip ang daliri ko.
Hindi na ako nakareact.
"Ayyyssttt!" hiyaw ko ng bumaon ang cutter sa index finger ko.
Nabitawan ko ang cutter.
Bakas sa cutter ang lalim ng pagkakahiwa nito.
Naninigas ang kamay ko at napako at tingin ko rito.

Nagsitinginan ang mga kasama ko sa hall.
"Anong nangyari?"

"W-wala!" pagiling ko.

Tumagas ang dugo at nagsituluan sa puting styro na kina-cutter ko. Nabahiran na ito ng dugo.
Malakas ang tagas.

"Ohh sht! Anong nangyari?" tanong ni Leigh at agad akong nilapitan.
Hindi ako makasagot at naninigas ang kamay hanggang sa braso ko.

The Innocent Killer (On-Going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon