Chapter 12: Shoe Heel

34 8 3
                                    

Chapter Twelve

"Is that true, Ms. Relojas?" tanong ng lalaki, nasa dean's office kame ngayon at kasalukuyang inaayos ang gusot na nangyari kanina. Hindi pala kanina, kani-kanina lang pala.
Agad kaming pinatawag sa opisina ng mabalitaan ang kaguluhan.
Siyempre, may tainga ang lupa't may pakpak ang balita.
Walang takot na sumunod si Athena habang ako nama'y nagpoproblema, sa posibleng mangyari.
N

apakaraming bagay na pumasok sa isipan ko.
Paano na?

Baka masuspend ako or worst ma-expel knowing na apo ng presidente ng school na 'to ang binangga ko.
Kumakabog ang dibdib ko nang pumasok ako sa loob ng opisina.
Napakalamig sa ang kwarto pero heto ako, pinagpapawisan at hindi alam kung ano ang isasagot.

"Ms. Relojas? Pardon?!" napaangat ako ng tingin.

"Tito, silence means ye..." pagieksena ni Athena na agad kong pinutol.

"Hindi ko po sinasadya ang mga nangyari, ipinagtanggol ko lang din po ang sarili ko sir. Sila po ang unang nanakit at ginawa ko lang 'yon para dipensahan ang sarili ko," pagsagot ko.

"Ms. Relojas... you're excuse is very inappropriate. I don't tolerate this kind of attitude. Hindi ko papalampasin ang mga kaganapang ito. And one thing ikaw pa daw ang magpoportray sa stage play? Sa tingin mo magiging maganda ang ginawa mo? Sinisira mo ang reputasyon, gumagawa ka ng iskandalo. Kailangan mo ng sanction, at nang magtanda ka. I suspend you... or better tanggalan ka ng scholarship, paano kung may nag-video sa pangyayaring 'yon? Paano kung madaming makapanood? Masisira ang pangalan ng skwelahang ito kung sakali."

Sa sinabi nito ay napatayo ako at agad na napayuko.
"Sir, please po. Huwag po! Nagmamakaawa po ako," pagsusumamo ko.

Kaming lima lamang ang nasa kwartong ito, tahimik lang sina Jane at Lesly na parang nasa ibang mundo, natawa pa ang mga ito nang makitang nagmamakaawa ako.
Nakita kong napangiti si Athena sa ginagawa ko.

"It would be better tito, alam nyo po ba? Pinahiya niya ako when we're in the meeting about stage play. Tapos inagaw nya pa sa akin yung dapat na sa akin. Pinagtawanan pa po nila ako, at alam kong masaya siyang napahiya nya ako," pagsusumbong nito.

Sa mga oras na ito ay nagsisisi ako sa mga nagawa ko.
Ako naman ay nagmakaawa din kay Athena, lumuhod ako sa harapan nya.
"Please Athena, alam kong mabait ka. Patawarin mo ako kung ano man ang nagawa ko. Sorry!" sabi ko at tumulo na ang luha.
Hinawakan ko siya at nagmakaawa.

"Umupo ka nang maayos, sige! Papalampasin ko ang mga ito," biglang nasabi ni sir.
Tumayo ako ay umupo ako, "Salamat po sir, salamat po talaga." sabi ko at nagkaroon ng pag-asa.
Nagpunas-punas ako ng luha.

"Ok? magiging lesson na ba ito sa'yo?" tanong nito at tumango-tango ako.
"Oo sir, hinding-hindi ko na po talaga uulitin!"
"Hindi kita isususpend or what but matatanggal ka sa..."

S-sa ano?
Bigla na naman akong kinabahan.

"Matatanggal ka sa theater, bilang sanction mo ay matatanggal ka sa stage play. Ayaw kong magkaroon ng gusot sa foundation day. Syempre, paano kung maulit pa ito? Paano kung may video nga? Ayaw ko ng mangyari ito," sa mga sinabi nito ay natigilan ako.

Ako?
Matatanggal?
Mapait akong napangiti at pinipigilang hindi maiyak.
Tumango-tango nalang ako kahit labag sa kalooban ko.

"Good, so alam mo na hahh?" sabi ni sir at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Athena, pwede na kayong lumabas. May paguusapan pa kami ni Ms. Relojas," dagdag pa nito.
Umalis ang tatlo na masayang may pinaguusapan. Tila ba walang nangyari?
Nakita ko si athena na maayos na naglalakad samantalang noong pumasok kami dito ay paika-ika pa ito. Marami silang idinagdag sa kaganapan kahit hindi totoo. Sa mga sumbong nito ay napaniwala niya ang Dean.

The Innocent Killer (On-Going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon