Chapter 7: Confusion

48 15 9
                                    

Chapter Seven

Kakagising ko lang at pa akong bumangon. Nagunat-unat muna ako bago tuluyang bumangon.

Hindi toothbrush, hindi kutsara, hindi baso o kung ano pa man yan ang una kong hinahagilap sa umaga.
Nang nahanap ko ito ay i power it on. Tinignan ang percent bar at aissshhhhh? 28%??? Nakalimutan ko palang icharge kagabi.
It's 6:48? Aba't hustisya naman? Ang aga kong magising kung walang pasok samantalang nasisikatan na ako ng araw kung may pasok lalo na kung lunes.
Dali-dali kong hinanap ang charger para makapagcharge.
Nang macharge ko na ay humiga ulit ako sa kama.
Ano pwedeng gawin sa araw na'to?
Pumikit muna ako at sandaling nag-isip.
Isip, isip, isip.

Maya-maya ay narinig kong may nahulog na gamit sa kusina.
Sa labis kong pagkagulat ay agad akong napabangon at tinukoy kung ano ang nahulog.

At alam mo kung ano ang naabutan ko?
Naabutan kong naghahalungkat ang maliit na kuting sa aking mga gamit.
Di yata nasabi ng landlady namin na nagiexist pala ang pusa dito.
At dahil kaaway ng aso kong si Maki ang mga pusa doon sa bahay hindi din ako mahilig sa mga pusa.

"Shoooo!" "Shooo!" pagtataboy ko dito at pinaypay-paypay ang kamay.
May papadyak-padyak din ako para umalis ito.

Aba't ayaw umalis.


"Hoy ikaw na pusa ka, wala bang pinapakain ang amo mo sayo?" inis kong sabi.

Hindi parin ito umaalis sa loob ng kaldero na hinulog nya kanina.
Hindi ko naman ito mahawakan, aba't malay ko ba at baka may rabies pa yang kuting nayan.

"Ayaw mo hahh!"

Naghanap ako ng mahabang stick at walis tambo ang una kong nahagilap.
Kinuha ko ito at binalikan ang pusa.

Kadiri namang pusa yan di ko alam kung gagamitin ko pa yang kalderong yan. Sinisimot kase nito yung tirang ulam ko kagabi.
Yayys sige ubusin mo sirang pagkain na'yan, sumakit sana tyan mo.

Sinundot sundot ko ang pusa at pinapaalis.
Nilakasan ko na ang pagtusok dito pero ayaw parin.
Nang papaluin ko na sana ito ay kusa itong lumabas at humarap akin.
Ayyt miming wala namang ganyanan.
Hindi naman pala ito mukhang pusang gala.
Actually cute nga ehh.
Oo napakacute!
Kasalukuyan itong nagdidila sa kamay nito at nagpapacute sa akin.

Hahawakan ko sana para himasin ang ulo nito ng biglang.
"Meow!" usal nito at tuluyan nang umalis.

"Edi wag, sumakit nga sana talaga ang tiyan mo"
"Ang sungit mo, ginulo mo na nga kusina ko ehh. Wag ka nang babal..."
putol na sabi ko nang marealize ko ang mga pinanggagagawa ko.
Ano na'ng pinaggagagawa ko?
Bunga na ba to ng boredom?
Napakamot nalang ako ng ulo at inayos na lamang ang kusina.

Naisipan kong maglinis, noong dumating kase ako dito ay hindi pa ako nakakapaglinis. Actually hindi naman madami ang gamit ko, wala nga akong dalang tv ehh.
Nasa pagpupunas ako ng narinig kong nagring ang cellphone ko.

"hello!"

"Klein, free ka? Pasyal sana tayo sa mall ngayon. Sama natin si Calix, ano??" pagyayaya sa'kin ni Leigh.
Tinignan ko ang gawain ko, 'di pa tapos.
"Anong oras ba?"

"Mga 10, sa labas na din tayo lunch. Pumayag na din si Calix. Kaya sa ayaw at sa..."

"Oo na, oo na. Alam ko namang di mo ko titigilan 'gat di ako pumapayag," pag putol ko agad sa sasabihin nito. Natawa ito.
"Ok,ok. Chat, chat nalang maya kung sa'n tayo magkikita hahh?"
"Oo sige, sige. May gagawin pa ko," sabi ko at tinapos na ang tawag.
Binaba ko na ang phone ko at pinagpatuloy ang paglilinis.
Yayyss punas dito, punas doon.
Walis dito-walis doon.
Andaming alikabok.
Hhmh, ang sakit sa ilong.
Tsskkk, parang sumasakit yata ang ulo ko?
Tumatagaktak ang pawis ko.
Luhhh ka, nakalimutan ko palang inumin ang gamot ko.
Dapat pala akong uminom pagkatapos ng almusal tapos,
wala pa akong almusal?
Tapos tanghali na?
Lagot talaga.
Hmmm yaan mo na, di naman siguro ako aatakihin nito.
Naupo ako sa isang tabi at nagpahinga.
Haysssshhh, nakakapagod.
Hindi yata ako nainform na abandonadong bahay pala ang nilinis ko.

The Innocent Killer (On-Going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon