Chapter Twenty-one
Kasalukuyan kaming nagwawarm-up suot ang mga swim suits namin. Balot na balot ako sa suot kong swimsuit. Tanging ang ulo, kamay at mga paa ko lamang ang nakalitaw.
Black na may design na violet ang suot kong swimsuit. Binigyan din kami ng goggles at bath cap.
Ginagaya ko ang pinapagawa sa amin, kailangan ko lang namang abutin ang mga paa ako. Masakit sa hita pati sa braso.
Ano ba yan! Warm up palang hinihingal na ako.Sunod namang ginawa namin ay kailangang abutin ng kanang kamay ang kaliwang paa, kaliwang kamay sa kanang paa. Sumasakit na ang mga balakang ko sa kakastretching nato.
Sunod namang ginawa ang pagstrech ng mga kamay. Sumunod ang pagikot-ikot ng ulo, nako akala ko swimming lang ehh parang maii-stiff neck na ako nito. Hindi ko alam kung anong mga tawag sa ganito-ganito basta stretching.
Ilang sandali pa ay natapos ang warm-up. Warm up nga talaga dahil pinagpapawisan na ako. Mas lalo akong pinagpawisan dahil sa pagkafit ng suot ko. Gusto ko na tuloy lumusong sa tubig.
Naramdaman ko ang pagbukas ng malaking pinto ng entrance, may lalaking pumasok. Sino 'yon?
Nilapag nito ang mga gamit niya.
"Good afternoon everyone," bati nito sa amin.
"I'm Frank Solido, the coach of Trident swimming club. In case you don't know," sabi nito."Unang-una, inatasan ako ng prof niyo na ako ang manage sa inyo sa training na ito. This will be one or I think two weeks training, well depende." sabi nito.
"Hindi ako ang magtitrain sa inyo, the members of swimming club. Hindi lahat siyempre, may mga classes din naman sila. Nandirito lang ako para magpakilala and at the same time sabihin ang rules dito sa swimming stadium. Siyempre kaya kayo narito para matutunan ang survival in water but first alamin niyo muna ang safety precautions sa stadium na ito. May inatasan akong magbabantay sa inyo, just in case na may maaksidente or malunod. Siguro naman mga responsible na kayo dahil you're already in tertiary school. Number one rule, safety first," paliwanag nito at binigyang diin ang huling sinabi."Unahin niyo ang kaligtasan niyo. Ayaw kong may mabalitaang nalunod or whatsoever. Follow further instruction. Para walang aberya, makinig kayong mabuti hah?!" sabi nito.
Binigyang diin niya ang huling sinabi niya kaya't tumahimik ang mga maiingay sa stadium.***
Bago kami lumusob sa pool ay pinataas muna ng kamay ang mga marunong at may alam sa paglangoy. Nagsitaasan sila ng kamay. Pero mas marami paring hindi marunong lumangoy at kasama ako doon.
Hindi kami magkabatch ni Leigh kaya hindi kami magkasama sa mga oras na ito.
"Ang pinakaunang kailangan niyong malaman is ang basic ng paglangoy. Kung paano ba igalaw ang nga paa, ang mga kamay, ang position ng katawan sa tubig, kung paano ang tamang paghinga." sabi ng lalaki. Hindi ko maalala ang pangalan nito. Ngayon nga lang ako nakinig sa kaniya ehh.
Nakatayo ito sa tubig at nagsasalita.
"Una, kailangan niyo munang malaman kung paano ang paghinga. Breathing exercises muna tayo ngayon," sabi pa nito.
"When breathing under water, deep inhale using your mouth and exhale under water using nose," sabi pa ng kasama nito at idinemonstrate ang sinasabi niya.
Maski ako ay sinubukan ko rin madali lang pala.
Pinalusob kami sa pool para masubukan ang tinuturo nito. Natatakot akong lumusob dahil siguradong malalim ang pool.
Unti-unti kong inilusob ang mga paa ko at humawak sa gilid ng pool. Hindi ko maitapak ang mga paa ko.
Ayy siete! Ang lalim!
Katulad ko, may natatakot ding lumusob.
Inilibot ko ang mata ko, may ibang nasa gitna. Sila yung mga matatangkad at naiitukod ang mga paa sa sahig ng pool.
BINABASA MO ANG
The Innocent Killer (On-Going!)
Mystery / Thriller"Paano mo nasabing inosente siya kung napatunayang nakapatay siya?" "Wala akong ginawang masama! Hindi ko magagawa ang ibinibintang niyo!" "Minsan, ang isang makasalanan ay biktima rin ng kalupitan at kasamaan" "There are secrets behind lies" "Not a...