Chapter 2: What tomorrow brings?

111 20 5
                                    

Chapter Two

Nakaramdam ako ng sakit ng ulo at nagising.
Aishhhhh, ang sakit ng katawan ko, tinatamad akong bumangon kaya matutulog muna ako, sandaling...sandali lang.

Maya maya ay bigla na namang nagvibrate ang cellphone ko.
Kinapa ko ito sa kama, pero wala akong makapa.
Aisshhh, san ko yon nilagay?
Hinagilap ng ko ng aking kamay ang nagba-vibrate kong Cellphone.
Ayy oo nga pala, naka-charge nga pala sa katabi kong mesa.
Tinanggal ko ito sa pagkakasaksak at kinuha.

Si Leigh, tumatawag.
Sinagot ko ito.

"Hello Klein?" sigaw agad nito sa kabilang linya
"Bakit?"

"Papunta ka na ba? Ano oras na uyy"

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at,
Aisshhh, it's almost 7:43.

Dali-dali kong binaba ang tawag at hinagis sa kung saan. Nagmamadaling kong hinanap ang bagong uniform at nilagay sa kama.

Nako nako, ayaw ko nang umuwi ng late. Kainis kasi, pumalpak ang plano naming paggawa ng report noong sabado nawala din sa isip kong maresearch. At nung nagkita kami ng linggo ehh kapwa pala kaming hindi nagresearch at nganga kami nang gumawa na ng report.
At dahil hindi kami nagprepare ng kahit na ano ay ginabi kami ng uwi kaya heto ako ngayon late na nagising.

Dali dali kong tinungo ang banyo at mabilisang naligo.
Wala na akong paki kung magmukha akong dugyot basta ang importante ay makaabot ako bago magumpisa ang report namin ni Leigh, baka hindi na ako papasukin ni sir Castor ang instructor naming terror.

Nang masuot ko ang walang plantsa kong uniform ay sinuot ko na ang takong ko.
Kinuha ko ang bag ko at agad tinungo ang pinto.
Nang nasa gate ako ay
"Aisssh, ang cellphone ko"
Dali dali kong binalikan ang Apartment ko at kinuha ang bagay na nakalimutan ko.
Kakainis, ang hirap pa namang maglakad sa takong na'to.

'3 missed Calls' na mula kay Leigh

Agad akong lumabas at nag-antay ng masasakyan

"Nako, nako late na ako."
Ang tagal naman, nasa'n yung mga jeep? Kung kelan kailangang sumakay, walang nagpapasakay.
Anong klaseng buhay to?

Ilang sandali pa'y may tumigil na Jeep kaya't agad ko itong sinakyan. Puno na ito ngunit kailangan kong makahabol kaya makikipagsiksikan ako. Kahit kalahati lang ng pwet ko makaupo ok lang, bahala na basta makahabol ako. Hindi pwedeng mahuli ako sa presentation report namen.

Muli na namang tumawag si Leigh kaya't sinagot ko ito.
"Uyy Klein san ka na?" saad nya sa kabilang linyang halatang iritado na

"Sorry Leigh, on the way na"

"Malapit ka na ba? Late ka na oh, bilisan mo, wala pa dito si sir."

"Sige, sige"

***

Nang makarating ako ng school ay dali-dali akong tumakbo papuntang building namin. Akalain nyo yun? Naka takong pa ako.

Pumasok ako ng pinto at kita kong nakatayo si sir sa pinto at nakatingin sa akin, i mean lahat pala sila sa akin nakatingin sa'kin
"You're late"

"Sorry sir"

At payukong pumasok.

Hayss, buti nalang pinapasok ako

The Innocent Killer (On-Going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon