Chapter 22: Guts and Disturbance

22 6 0
                                    

Chapter Twenty-two


"Ahh  Allison? This is for you nga pala," sabi ni Seidon at nilapitan ako habang hawak ang isang bouquet ng puting mga rosas.

"P-para sa akin?"

Naramdaman ko ang paglapit niya akin. Hinawi niya ang buhok ko at hinawakan ang pisngi ko. Inangat niya ito saka inilapit ang mukha. Naduling ako kaya't naipikit ko ang mga mata ko.
Naramdaman ko ang mainit nitong hininga kasabay ng paglapat ng labi nito ng sa akin. Binigyan niya ako ng mainit na halik.

Ibayong pagkagulat ang naramdaman ko. Iminulat ko ang mga mata ko at namilog ito.
Ibang kuryente ang dumaloy sa aking katawan kasabay ng pagsisitayuan ng balahibo ko.

Naramdaman ko ang pag-atras ni Seidon na unti-unti lumalayo sa akin.
Hindi ko maipaliwanag.
Pinilit kong igalaw ang mga paa ko ngunit naninigas ito.
Naramdaman ko ang pagkalat ng dugo sa aking kamay hanggang mabahiran nito ang mga puting rosas, mula sa puting rosas na naging pula. Kumakalat ang dugo sa aking katawan.
Nabitawan ko ang hawak kong rosas kasabay ng pagdilim ng paligid. Hanggang sa unti-unting nabalot ng kadiliman ang paligid.

Napabangon ako at napahawak sa aking dibdib. Malakas ang dagundong ng dibdib ko. Hindi normal ang aking paghinga. Anong meron?
Anong klaseng panaginip iyon?
Anong ipinapahiwatig nito?
Napahawak ako sa aking ulo at napapikit-pikit ang mata. Nakaramdam ako ng pagkirot ng ulo.

Anong ba naman. Ang sama na nga ng panaginip ko ang pangit pa ng gising ko...

***

Naramdan ko ang pagsundot sa aking tagiliran kaya't  halos napatalon. Halos magwala si Leigh sa kakatawa ako naman ay tinignan siya ng ubod ng sama. Ano na naman bang trip ng babaeng ito?

Napahawak pa ito sa kaniyang tiyan bago nagsalita, "A-nong ba kasing nangyayari sayo?" tanong nito kaya't kumunot ang noo ko't muli siyang tinignan.

"Kanina ka pa tulala, kanina pa kita kinakausap pero nasa alapaap ang isip mo. Ang totoo si Seidon ba ang iniisip mo?" tanong nito.

"A-ano kasi... Oo kanina ko pa siya naiisi..."

"Ayun!" halos pasigaw nitong sabi. "Lumabas din, alam mo Klein. Ilabas mo iyang feelings na iyan. Alam kong nandyaan lang iyan kaya ilabas mo! Set them free," sabi nito at tinapik-tapik ang dibdib ko.
Tinabig ko ang kamay niya,"Hindi sa ganun, ang weird kasi ng panaginip ko. Tapos noong nakaraan halos mabaliw na ako sa kakaisip kung bakit nangyayari ang mga weird na bagay sa akin," dagdag ko pa na may halong pagkabagabag sa aking boses.

"Yung ano ba kasi 'yon?" tanong nito.
Umiling ako,"Wala... mga guni-guni ko Iang," palusot ko.
Kahit sabihin ko man sa kanya ang mga nararanasan ko, alam kong malayong maintindihan niya ako.

Pero totoo ba ang sinabi ni Leigh? May nararamdaman ba akong iba para kay Seidon? Totoo bang siya ang iniisip ko?
Hindi ko nga rin alam kung saan ako naguguluhan. Kung sa nangyari ba kagabi o ang mga hindi maipaliwanag na nangyayari sa akin?

Ihiniga ko ang ulo ko sa desk na nada harap ko. Ipinikit ko ang mata ko.
Ano ba 'yan, umpisa na namang sumasakit ang ulo ko. Maraming bagay ang gumugulo sa isipan ko sa mga oras na ito.

***

Kararating ko lang at inilapag ko ang bag ko sa mesa at umupo sa aking higaan.
Nang maisipan kong tawagan si Mama.

The Innocent Killer (On-Going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon