Chapter 6: Why me?

63 15 7
                                    

Chapter Six

Ngayon malalaman kung sino ang piniling bibida sa play. Sa pagkakaalam ko ay sa susunod na dalawang buwan a ito itatanghal kasabay ng foundation day ng campus na'to.

Base na din sa nasabi sa amin ay sa amin din pipiliin ang iba pang gaganap sa naturang palabas.
Bale ang naganap na screening naman ay ang pagpili lamang ng supporting character sa mga freshmen, bilang parte kuno ng pagsasanay sa mga first year. Hayss ewan ko, ang gulo nga ehh.
Dapat sinabay nalang sa screening, may paauditon-audition pa sila.

Currently, tinutungo namen ang daan kung saan daw makikitang nakapaskil ang mga napiling gaganap sa play.
Nang makita namen ito ay agad naming nilapitan.

"The result is still on progress."
"This hereby request students who undergo screening and those participated Audition to attend meeting on 11:30am at SSC convention room for proclamation and some announcement. Thankyou!" mga sulating nakapin sa cork board.
Ahh result pala hah?

"Uhhh, kainis! Akala ko may resulta na. Exited pa naman sana ako," dismayadong sabi ni Leigh.

"Yaan mo na. At least ikaw alam mong tanggap ka, ehh ako?" reklamo ko.

Pero hindi na naman ako umaasa, para saan pa? At least sumubok ako diba? At least nagustuhan ni Calix yung pagkanta ko, ok na 'yon.

"Ayy oo nga pala. Pero i'm sure mapipili ka no."

"Ewan ko, di na nga ako umaasa ehh"
"Tapos papaasahin mo pa ko?" sabi ko naman sa kanya.

"Di ahh. Sa mga nag-audition kahapon, ikaw yung pinakamagaling. Ta's dagdag mo pa yung pakanta-kanta thing mo," sabi nito at kinanta-kanta pa kahit hindi alam ang lyrics.

"Ahh basta, malalaman din natin yan"
"Pasok na tayo, malate pa tayo nyan ehh," pagyaya ko sa kanya.

***

"Klein! Bilisan mong maglakad, mageeleven -thirty na," pagtawag ni Leigh sa akin na malayo na sa'kin.
"Hindi halatang excited Leigh?"

"Anong excited? Baka kamo hindi na tayo umabot oyy, masaraduhan pa tayo. Kaya bilisan mo...,"

"Hindi na natin kasalanan yun, napakalate naman kaseng magdismiss Sir," sabi ko.
"Ayy ambagal maglakad, iiwan talaga kita"

"Oo na, Oo na. Nandyan na," sagot ko.

At wala na akong nagawa kundi bilisan ang paglakad.

***

Ilang minuto na din kameng nakaupo sa mga nakahilerang monoblock. Kasalukuyang nagdadatingan ang iba pang mga estudyante. Air-conditioned ang buong lugar kaya ramdam ko ang panlalamig ng katawan. Nakapaskil sa paligid ang mga Data info Charts ng mga nag-aaral sa campus na'to. Kapansin-pansin din ang Chart kung saan nakatala ang ratings at progress ng SSC organization. Mukhang hindi basta-basta ang pagmamanage at pagoorganize ng mga Student Council. Malaki-laking responsibilidad ang ihahandle ng pamumuno ng mga bigating organisasyon.

Sa bandang likod naman ay may mga cubicle, i'm sure opisina yun ng mga SSC, tambak ng mga folders at nakahilera ang mga papel-papel na nagpagulo sa opisina nila.

Unti-unting nang nababalot ng ingay ang lugar. Pati si Leigh ay nakikipagchismisan na din sa katabi nya. Ako naman ay tahimik na nagmamasid sa paligid.

The Innocent Killer (On-Going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon