Chapter 17: Friends?

24 5 0
                                    

Chapter Seventeen

Hanggang ngayon ay inaalala ko parin ang nangyari kahapon. Napuyat din ako sa kakaisip kagabi, hindi ako nakatulog agad. Nagresearch-research ako kagabi. Maaaring time traveling o kung ano man ang nangyari sa akin. Basta nalang akong nahilo tapos napapikit ako, noong imulat ko ang mga mata ko nasa ibang oras na ako. Ganoon ehh, napakaweird naman nang nangyari sa akin.

"Klein! Uyy?" paggulat sa akin ni Leigh at nabalik ako sa wisyo ko. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay.
"Anong ganun?" sabi niya at ginaya ang ginawa ko.
"Tinatanong ka ni Ma'am uyy," sabi sa akin ni Leigh at bahagyang kinurot ang tagiliran ko dahilan para malayo ako.
"Ma'am?!" takang tanong ko.

"Are you listening?" sabi nito at tumango lang ako.

"Then, as what I have discussed. What is the tallest mountain in the world?" tanong nito.

Wait?!
Wait parang narinig ko 'yon kanina.
Sandali ano nga 'yon? M-mount E-ev? Everes

"Ahhh, mount Everest ma'am," sabi ko at ngumiti.
Nagtaas ang kilay ni ma'am, napansin ko ang pagtatawanan sa paligid. Bakit? Mount Everest naman talaga ahh.
"Are you sure?" tanong ulit ni ma'am.
"Yes ma'am!" siguradong sabi ko kaya mas lalong nagtawanan ang mga tao sa kwarto. Nakita ko si Leigh, natatawa na rin siya. Bakit ba?

"You aren't really listening, what's your name again?" tanong niya. "Allison Klein Relojas ma'am"

"Ahh Ms. Relojas, the mount Everest you so called isn't the highest mountain. The Himalayas has a summit, the mount Everest which is the highest peak in the Earth, geographically. My question is what is the highest mountain in the Earth?"

Napakibit balikat nalang ako, ba't napakagulo?
"The tallest mountain in the world is Mauna Kea with an approximately measured about 33,480 feet compared to mount Everest which measures 29,035 feet. It's because the Mauna Kea is upstanding in a sea, only 40% of the mountain is  above the sea level," sabi nito.
Napatango-tango nalang ako. Aba'y malay ko ba? Ehh ayun ang narinig ko ehh.
Napaupo nalang ako sa hiya.

"'Yan kase, lutang ka na naman," mahinang sabi ni Leigh at nagtatatawa.
"Puyat ka no?" tumango-tango ako at napangiwi. Mas nagtatatawa siya.

***

Wala na akong klase, si Leigh naman pumunta sa rehearsal ng theater nila, na dapat ay kasali rin ako. Hayss! Napabuntong hininga na lamang ako sa naiisip ko. Kasalukuyan akong nakaupo sa room namin, maya-maya ay aalis na rin ako.
Maya-maya ay may tumawag.

"Hello?" pagsagot ko.

"Ayy Klein? Saan ka? Nakauwi ka na?" tanong nito sa kabilang linya.
Tumayo ako at inayos ang mga gamit, "Ahh paalis n..."
"Ayy huwag muna!!" pagpigil niya.
Napahinto ako sa pagsuot ng bag, "bakit?"

"Pinapapunta ka ni ma'am dito sa function hall, bilis! Mas sasabihin daw siya," sabi pa niya.
"Bakit nga? Sinong ma'am?"

"Basta, bilisan mo!"

Agad akong lumakad at tinungo ang function hall na sinasabi ni Leigh. Ano na naman kaya 'yun?

Nang makapasok ako ay hindi gaanong madami ang tao, kalat at may kanya-kanyang ginagawa. Busy sa pagrerehearse para sa kanilang stage play na dapat ay kasali ako.
Hinanap ng mga mata ko ang kinaroroonan ni Leigh, nang makita ko ay agad ko siyang pinuntahan at linapitan.
Nakangiti pa ito, anong meron?

The Innocent Killer (On-Going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon