Kabanata 1

692 31 26
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Paalala: Plagiarism is a crime.

Penelope is pronounced as Pe-ne-lo-pi.

KABANATA 1

"LOUISSE Penelope? What a beautiful name." nakangising sabi ni Kian. Mukha siyang butete na hindi mo maintindihan. Ewan ko nga kung bakit iyan narito sa harapan ko. Sinama ata siya nung tatay niya. Si Mr. Tolentino iyon. Kasyosyo ni Mommy sa negosyo. May pinag-usapan sila, at nag-paiwan rito si Kian. Papunta sana ako ng taas nang harangin niya ako.

"Ano ba iyang naaamoy ko?" tanong ko sakaniya. Kumunot ang kaniyang noo. Nangasim ang aking mukha, dahil mukhang sa bibig niya nanggagaling 'yung amoy.

"Amoy bulok na gilagid..." sabi ko.

"You're just smelling things." cool nitong sabi. Tanga, sa'yo nanggagaling iyong masangsang na amoy! Pa-cool effect pa itong hunghang na ito. Baho naman ng gilagid. Isang beses lang yata 'to mag-toothbrush sa isang buwan, e.

"Siguro nga..." nakangiwi kong sabi.

"So, do you have a boyfriend?" tanong niya Grabe talaga, lakas. Lakas ng amoy.

"I don't have." sagot ko. Totoo naman iyon. Wala akong nobyo o kahit na kalandian. Ayoko muna kasing mag-boyfriend. Nadala na ako sa nakaraan ko. Gusto ko muna mag-focus sa sarili ko. Noong mga panahong bata pa kasi ako, hindi ko napag-tuunan ng pansin ang aking sarili.

Mag-sasalita pa sana siya nang tinakpan ko na ang kaniyang bibig.

"I'm going now. I have to do something important." nakangiti ko sabi.

"Okay, honey. I hope to see you soon." sabi niya pa, at tila binubuga sa akin ang kaniyang hininga. Ngumiti na lamang ako at umakyat na sa taas. Grabe, mabuti at kinaya ko pa ang kakaibang amoy na nag-mumula sa bibig ni Kian. Sana pala sinabi ko na mag-toothbrush siya araw-araw.

Napatigil ako nang pag-pasok ko sa aking kwarto ay madatnan ko ang kapatid ko.

"Diba may school ka pa? Bakit hindi ka pa naliligo?" mahinanon kong tanong sa akin kapatid. Nakatungo lamang ito, at kinakalikot ang kaniyang mga daliri.

"I don't want to go to school!" matigas na sabi nito. Nilapitan ko siya, at umupo sa harap niya.

"Aba. Sutil ka na, a. Bakit naman ayaw mong pumasok sa school?"

Nag-angat siya ng tingin. Nakita ko ang nakasimangot niyang mukha. Kahit na ganon siya ay gwapo at cute pa rin siyang bata. Kaso, may pagka-sutil nga lang talaga.

"They are bullying me. Sinasabi nila na, hindi naman daw ako tunay na Guerrero... Sasapakin ko na talaga iyon, pag ako nainis." mahina niyang tugon. Parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko. Nangilid ang aking mga luha. Niyakap ko siya ng mahigpit. Maldito talaga itong batang 'to. Di pa nga tuli, lakas na ng loob!

"B-bakit hindi mo sinasabi sa amin?" nauutal na tanong ko. Hinaplos ko ang kaniyang malambot na pisngi. Parang tinusok ng maraming kutsilyo ang aking puso.

"Huwag kang makinig sakanila, ha? G-guerrero ka, tandaan mo iyan..." sabi ko sakaniya at niyakap siya. Hindi namin alam na binubully pala siya sa school. Inampon lang kasi namin siya. Ang pangalan niya ay Akiro Clyde Guerrero. Napaiyak ako dahil, hindi ko alam na ginaganito pala siya sa kanilang paaralan.

"I-Ihahatid kita sa school mo, okay ba 'yon?" nakangiti kong sabi.

"No need, I can handle myself." sabi niya pa.

"Ihahatid kita o tutuliin kita?" sabi ko. Napangiwi naman siya roon. Pinaliguan ko na siya ay inayusan. Bumaba na kami upang makaalis na. Sabi niya naman, ay kumain na siya. Hinahatidan kasi siya ng pagkain ng kaniyang yaya sa kaniyang kwarto. Tamad kasi siyang bumaba.

"Where are you going?" tanong ni Kuya Russel. Inayos ko ang uniform ni Akiro at binalingan ang kapatid ko.

"Ihahatid ko siya sa school nila." sagot ko kay Kuya Russel. May bangas siya sa mukha. Sinipat ko siya at ang kaniyang mukha.

"Anong nangyare r'yan?" nakataas na kilay na tanong ko. Hinawakan ko ang sugat niya pero, umiwas siya sa akin.

"Wala, daplis lang iyan." Tinignan ko si Akiro at halatang inip na inip na.

"Akiro, una ka muna sa kotse. Susunod ako, a." sabi ko sakaniya. Tumakbo na siya sa kotse. Malditong bata talaga iyon, a. Hindi manlang nag-sabi o sumagot ng okay o di kaya kahit tango manlang!

"Alam mo bang binubully pala iyang si Akiro sa school nila?" sabi ko kay Kuya Russel. Kumunot ang noo niya.

"Ano? Sino mga bumu-bully sakaniya? Bibitin ko patiwarik." seryosong sabi ni Kuya Russel. Umirap ako.

"No need. Kakausapin ko nalang 'yung Guidance." sabi ko at sinukbit ang shoulder bag sa aking balikat.

"Kung hindi lang iyon bata, pinutol ko na ulo non." sabi ni Kuya.

"Sabi niya nga, sasapakin niya na daw pag nainis siya. Ano-ano kasing tinuturo ninyo sa bata!" sabi ko. Tila naaliw siya at tumawa.

"Really? He said that? Mana sakin, pwedeng pwede na ako palitan." sabi niya pa habang nakangisi. Piningot ko nga.

"Isasabak mo pa sa kaguluhan si Akiro!" sabi ko at inirapan siya. Sumunod na ako sa kotse at bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Akiro.

"What took you so long?" reklamo nito sa akin. Pinisil ko ang kaniyang pisngi. Sutil talaga!

"Sorry naman, atat atat? Kala ko ba ayaw mong pumasok?" sabi ko sakaniya. Sinimangutan niya lamang ako lalo. Kung hindi ko lang mahal ito, kinaltukan ko na 'tong batang to.

Pinaandar na ni Manong iyong kotse papuntang eskwelahan. Nang makarating kami sa eskwelahan, pinagtinginan kami ng mga tao. Marahil, namumukhaan nila ako. Sikat ang pamilya namin sa buong mundo. Kami ang nasa tuktok ngayon. Kami ang tinitingala. Kaya nagulat ata sila na nandito ako ngayon sa school ni Akiro. Pake ba nila?

"Hala, andyan na 'yung ampon!"

Nag-pantig ang aking tainga nang marinig ko iyon. Tinignan ko iyong batang nag-sabi non. Mataba ito. Pwede na nga itong i-dribol e. Matataba ang kaniyang pisngi. Aba, kapal ng apog ng isang 'to ah.

"Ate, sasapakin ko na 'to." sabi ni Akiro at kumapit sa aking damit. Sinamaan ko ng tingin iyong bata. Binulungan ko siya.

"Kapag inasar mo pa ang kapatid ko, isasako kita tapos ipapabenta kita sa palengke deputa ka." bulong ko. Nakangiting umayos ako ng tayo. Pinagmasdan ko siyang manginig at nag-tatatakbo palabas.

Taas noo akong nag-lakad. Nag-tatakang tumingin ang kapatid ko sa akin. Pinantayan ko ang kaniyang tangakad.

"You should learn how to fight, in a right way. Hindi 'yung sasapakin mo siya." pangaral ko sakaniya. As usual, tinignan at sinimangutan niya lamang ako.

"Naiinis na ko, e." sagot pa niya.

"Maski na!" deputang bata 'to. Lakas makapag-sabi na mananapak, umiihi pa nga sa short niya.

In The Right Time, My love Where stories live. Discover now