Kabanata 29

139 11 2
                                    


KABANATA 29

Present.

Tahimik na umupo ako sa sofa. Pinagmasdan ko ang condo, ganoon pa rin naman pero bago na ang mga gamit. Tinulak ko siya pag-tapos niya ako yakapin, at sinabi kung pwede kaming mag-usap ng seryoso. Pumayag na rin ako, kung para lang rin sa anak namin at para sa katahimikan ng utak ko.

"I'm sorry," sambit niya. Tipid na ngumiti ako sakaniya, kahit ang sakit pa rin ng puso ko dahil kanina. Akala ko kasi, nakalimutan ko na siya at ang mga alaala namin. Pero, isang yakap niya lang nag-babalik na agad lahat. Ang sakit lang isipin na apektado pa rin ako sakaniya.

"Ayos lang." sagot ko. Ayos lang naman talaga, dahil, tanggap ko na naman na wala na kami. Kung patuloy kong ikukulong ang sarili ko sa lungkot at galit ko sakaniya, hindi ako makakalaya at hindi ako magiging masaya. Kaya, matanggal ko nang tinanggap na niloko niya ako. Kaso, ang sakit pa rin kung patuloy kong aalalahanin.

"I-I'm sorry, Penelope. Sorry kung wala ako nung pinagbubuntis mo ang anak natin. I'm sorry, I'm really sorry... Sorry kung wala ako habang lumalaki siya. I'm sorry..." umiiyak niyang sabi, habang hawak ang kamay ko. Tumulo na naman ang luha ko. Parang sinasapak ang dibdib ko.

"Huwag ka sa akin mag-sorry, sa anak mo ka mag-sorry." sabi ko sakaniya. Sinandal niya ang ulo niya sa kamay ko, habang mahigpit niyang hawak ang kamay ko. Nababasa na ng luha niya ang kamay ko.

"What happened before, It's not what you think." sabi niya, at nag-angat ng tingin. Namumula ang mga mata niya.

"H-huh?" I asked. After that, never na kaming nag-usap. Never siyang nag-explain sa akin, kaya naiwan akong clueless. I'm so broken that time, kaya hindi na ako humingi ng explanation sakaniya kasi ang dahilan ko, nakita ko na ng dalawa kong mata.

"Walang namamagitan sa amin ni Misty. We're not in a relationship, gaya ng iniisip mo. Yung nakita mo, that was unexpected, hindi ko alam na pupunta siya. I'm preparing for our anniversary that time, but then she came. Nung pumunta ako sa kwarto, hindi ko namalayang sumunod pala siya. Tinulak niya ako sa kama. I swear to god, pinipigilan ko siya. Ayokong saktan siya, dahil kababata ko siya. Kaya, I switched the position para maalis siya sa taas ko. Minura ko siya noon. I'm so angry that time. Aalis na sana ako, but... you came and you saw us in that position. You thought, I-I cheated on you..." paliwanag niya habang nahikbi. Napaawang ang labi ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang paniwalaan. Parang sasabog ang ulo ko. Maling akala? Maling akala ako?

He continue talking, "I tried to talk to you, but, binantaan niya ako na kapag kinausap kita, mag-papakamatay siya o di kaya'y sasaktan ka niya. I'm so scared that time. I don't know what to do. Sobrang nababaliw na ako. So, I chose not to talk to you. I swear, sobrang hirap. Sobrang duwag ko nung time na yon, kaya wala akong nagawa. Hinayaan ko si Misty na hawakan ako sa leeg. Alam kong nasaktan ka, nasaktan kita. Pero, mas pinili kong 'wag ka na mapahamak pa. Mas okay na iyong kagalitan mo ako, kasi alam ko namang para sayo yung ginawa ko..."

Napakurap-kurap ang mata ko, dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Sobrang shocked ako sa sinabi niya pero hindi ko alam kung maniniwala ako sakaniya. Ayokong saktan niya na naman ako. Sobrang nahirapan akong buoin ulit ang sarili ko simula nang nangyari yon.

"Believe me. I never cheated on you, Penelope. I love you so much, I can't do that to you." sabi niya habang umiiyak. Hindi pa rin ako makapagsalita. I don't want to decide right now. Hindi pa ganoon kadaling mag-tiwalang muli.

Tahimik ang bumalot sa amin mga ilang minuto.

"C-can you tell me..." he paused. Kahit hindi niya naman kumpletuhin, alam ko na agad iyon. Tipid akong ngumiti.

In The Right Time, My love Where stories live. Discover now