Kabanata 24

145 12 3
                                    


Paalala: Hindi po sunod-sunod na araw 'yung nakalahad dito. Nakalahad lang dito 'yung past nina Travis at Penelope, pero mga important parts lang ho iyong nilagay ko. Kaya, nakikita niyo 'tong "-" ibigsabihin non, panibagong araw or scene.

KABANATA 24

It's been six months, simula nung mag-kakilala kami ni kupal na Travis. Smooth lang, chill lang naman kami e. Friends lang ganoon, tapos gala lang. Sa loob ng six months na nakilala ko s'ya, pakiramdam ko e, pahangin siya ng pahangin. Pero, mabait s'ya, maaasahan, tas masayahin, masiglang kasama at palangiti rin. Ang happy n'yan lagi, e. Akala mo, hindi namomroblema.

"Libre mo naman, magbi-birthday ka na e!" sabi ni Travis, habang papalabas kami ng gate.

"Kayo nga dapat manlibre sa akin dahil birthday ko no!" sagot ko naman. Bakit ba yung may birthday iyong nanlilibre? Diba dapat yung may birthday iyong nililibre? Hmp.

"Kuripot ka, Lopeyang!" sabi naman ni Alde. Tumawa ako. Sila kasi lagi ang nanlilibre sa akin, e. Bihira ko ata silang nilibre, or never pa?

"Nag-titipid lang,"

"Nag-titipid amputa, ang yaman yaman mo e." sabi naman ni Travis. Pinakyuhan ko s'ya.

"Oo na, sige na!" pag-suko ko.

"Ano?" nakangising tanong ni Alde.

"Ililibre ko na nga kayo," sabi ko naman.

"Ay, puta. Bago yan, a!" sabi naman ni Alde, inaasar ako.

"Hi, Trav! Pwede magpa-picture?"

Napatigil kami sa paglalakad nang biglang may lumapit kay Travis na dalawang babae. Maganda sila pareho. Mukhang sa kabilang building sila, dahil hindi naman pamilyar ang mukha nila sa akin. Gumilid ako, para hindi ko sila maharangan.

"Sure," sabi naman ni Travis. Nakita kong umakbay s'ya sa isang babae, tapos iyong babae naman na isa e pinicturan sila, and vice versa.

"Ba't ang tahimik mo?" siko sa akin ni Alde. Tinignan ko s'ya, bago ibinalik ang tingin kila Travis.

"Ano gusto mong sabihin ko?" tanong ko. Para tuloy ako, biglang nainis. Hindi ko alam kung bakit.

"Ay attitude s'ya, o. Bilis mag-bago ng mood! Selosa!" pang aasar n'ya pa, habang sinusundot ang gilid ng tiyan ko. Inirapan ko s'ya.

"Sinong selosa? Lul!" sabi ko. Tinawanan ako ni Alde.

"Sige po, thank you!" sabi nilang dalawa kay Travis, tska umalis. Ang tagal mag-chikahan! Ngumiti sa amin si Travis. Nag-patuloy na kami sa paglalakad.

"Famous! Kilala mo pa ba kami?" biro ni Alde. Tahimik lang akong nag-lakad.

"What's your name, again?"

"Lul, gago!" sabi ni Alde, at binatukan si Travis. Nasa gitna nila ako, kaya nagigitgit ako. Hindi ko alam, bakit biglang sumama ang mood ko.

"Tahimik mo, Penelope?" puna sa akin ni Travis.

"Malamang, kasi hindi ako maingay." pabarang sagot ko.

"Oooh, shit. Patulan mo nga, patulan mo nga!" sulsol naman nitong si Alde. Dakilang Sulsulera talaga ng taon 'tong bff ko.

"Ouch," sabi ni Travis, dama ang kaniyang dibdib, umaaktong nasasaktan.

"Saan tayo kakain?" tanong n'ya.

"Sa kainan, saan gusto mo? Sa Salon? Sige, kumain ka ng cutics." sagot ko pa.

"Sa kama, kainan tayo." nakangising sagot niya sa akin. Lul.

In The Right Time, My love Where stories live. Discover now