Kabanata 13

166 15 4
                                    


KABANATA 13

Dahil nga sa sobrang kamature-an ni Kuya Donny, gumising na ako at bumangon. Sa ingay ba naman ng sandok at kaldero, hindi ka ba magigising roon? Tinatapat pa nga sa tainga ko, punyeta. Hindi na tuloy ako nakatulog, kaya napagdesisyunan kong bumaba at kumain nalang.

For pete's sake, It's only 5:30 in the morning! Sobrang pagod pa ako, at gusto ko pang mag-pahinga pero wala e, ang mature ni Kuya Donny.

Naabutan ko silang kumpleto roon. Nakita ko pa si Kuya Donny, galing kitchen. Binalik siguro iyong kaldero at sandok na ginamit niyang pang gising sa akin. Letse.

"O, aga mo magising, a?" bungad ni Kuya Mikael. Sarkastikong ngumiti ako sakaniya.

"Ikaw ba naman makarinig ng kaldero at sandok na pinaghahampas, hindi ka ba magigising?" sabi ko, at pinandilatan ng mata si Kuya Donny. Tinawanan niya lang ako. Letse, lakas ng trip e.

"Tulog kana ulit," tumatawang sabi ni Kuya Russel.

"Haha, funny ka." sabi ko at inirapan s'ya. Pumunta ako sa kitchen, at kumuha sa fridge ng tubig.

"Alis na kami, Penelope!" sabi ni Kuya Westlie.

"Huwag kayo mag-ingat, ha!" sigaw ko pabalik. Narinig ko mga tawa nila. Letse, nakakainis. Hindi tuloy na-kumpleto tulog ko. Putragis, mga dakilang pa-epal sa earth. Umagang-umaga, naiinis na tuloy ako. Letse.

Kumain na ako, nang matapos ako, umakyat ako sa kwarto ni Akiro para gisingin siya. May pasok pa siya, e. Kapag mga ganitong oras na nagigising ako ng maaga, ako na nag-aasikaso sakaniya. Kapag wal ako, nandyan naman si Mom, kaso bihira lang kasi busy siya sa business. Nandyan si Manang, siya nag-aasikaso kay Akiro.

Tinapik ko ang hita niya nang mahina. Inulit ko ulit, kaso hindi pa rin siya nagigising.

"Wake up na, Akiro. May school ka pa." sabi ko, habang niyuyugyog ang balikat niya nang mahina. Kaso, hindi pa rin nagigising! Tulog mantika!

"Akiro Clyde..." tawag ko. Dahan-dahan niya namang minulat ang mata niya. Hinaplos ko ang noo niya.

"Good Morning. Tara na, ligo ka na." sabi ko. Umupo siya at yumuko, inaantok pa. Paano kaya nagigising ito ni Manang ano? Ang hirap gisingin talaga nito e. Hinawakan ko na ang kamay niya, para tumayo na siya.

Pinaliguan ko na siya, at sinuotan ng uniform. Pagtapos niya, pinakain ko muna siya sa baba at naligo tska nag-ayos na rin ako para sa trabaho. Isasabay ko na siya ngayon.

Bumaba na ako, at sakto namang tapos na siya kumain. Nakasimangot na naman s'ya. Pasan niya ba ang mundo?

Kinuha ko na ang bag niya, at inilagay iyon sa likod. Pumasok na siya sa likod ng sasakyan, at pumasok na rin ako sa driver's seat.

"Smile ka naman, umagang-umaga e." hirit ko pa. Pero sinimangutan ako lalo! Hindi ko talaga alam kung kanino siya nag-mana e.

"Listen ka kay teacher, okay? I'll fetch you." nakangiti kong sabi, nang nasa tapat na kami ng classroom niya. Lumiwanag naman ang mukha niya at ngumiti sa akin. Hinalikan ko ang noo niya, at niyakap siya. Kumaway pa siya sa akin. Ngumiti ako, at kumaway pabalik.

Hinintay ko siyang makapasok sa loob. Nang makita kong okay na siya, umalis na ako para pumuntang trabaho.

"Good Morning, Ms. Guerrero!" bati sa akin ni Manong Guard. Ngumiti naman ako.

"Good Morning." bati ko pabalik. Nang dumating na ako sa floor kung nasaan ang opisina ko, yumuko sila sa akin bilang pagbati. Ngumiti lang ako. Sobrang pormal naman nila!

Sinalubong ako ni Coleen.

"Hi, Ma'am! Gusto niyo po ba bumisita sa project na ginagawa sa Cavite?" tanong ni Coleen, nang makapasok kami sa loob ng opisina ko.

In The Right Time, My love Where stories live. Discover now