KABANATA 2"MA'AM, nasa baba po si Ma'am Alde." sabi ni Manang. Tumango ako sakaniya at bumaba na. Nakita ko ang bestfriend ko na hindi mapakali.
"Louisse Penelope! Oh my god, I have something to tell you!" tili niya, at hinila ang aking kamay upang makaupo kami sa sofa. Nag-lagay ng juice si Manang sa table.
"Thank—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang lagukin iyon ni Alde. Napangiwi ako. Ano bang problema nito at aligagang-aligaga?
"Thank you po." sabi ko kay Manang. Umalis na siya, kaya bumaling ako kay Alde.
"Nag-aadik ka ba?" tanong ko sakaniya. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Gaga ka ba? Sa ganda kong ito?" mataray niyang sabi. Natawa ako. Maganda naman talaga ang bestfriend kong si Alde. Maganda ang kurba ng kaniyang katawan kaya maraming nahuhumaling sakaniyang lalaki. Mayaman rin siya, at siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng mga kaibigan ko. Ayung iba kasi, manggagamit lang.
"Ano na nga kasi 'yung sasabihin mo?" inip na inip na tanong ko.
"Hindi ka ba nanonood ng TV? Taong bundok ka bang bruha ka?!" aniya. Para siyang stress na stress na hindi mo malaman. Umiling ako.
"I didn't watch TV these past few days." sagot ko. Hindi ko lang feel. Mas gusto ko kasi lumabas kaysa mag-kulong rito sa Mansyon. Wala naman akong madalas na kasama dito bukod sa mga kapatid ko at katulong.
"Gaga ka! Nag-babalik 'yung ex mo!" nag-hihisterikal niyang sabi. Nabigla ako at para bang nanlamig ang aking katawan.
"S—sinong ex?"
"Sino pa ba, edi si Travis!"
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I'm so fucking speechless. I don't know what to do and what to say. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Nabigla ako. It's been five years... Nag-babalik na iyong lalaking sumira ng buhay ko.
"Kalat na kalat na ang pag-babalik niya sa buong mundo, My god!" si Alde.
"Akala ko, natabunan na siya ng snow sa States." tawa-tawang sabi ko kahit na hanggang ngayon ay nabigla pa rin ako. Biglang natahimik si Alde, kaya napatingin ako sakaniya.
"Penelope, what's your plan? Pwede niyang malaman—"
"Hindi ko hahayaang mangyari iyon. Napakalaki ng mundo. Imposibleng mag-krus landas namin no..." sagot ko kay Alde. Sa laki ng mundo, imposibleng mag-kita kami. Maliban nalang kung naka-tadhana na mag-kita kami. At, hindi pa ako handa para doon. Gustuhin ko mang mag-kita kami, para maisampal ko sakaniya na ayos ako. Na, okay ako. Pag-tapos niya akong gaguhin. Hindi pa tama, hindi pa ito 'yung tamang oras.
"Wala ka bang balak sabihin sakaniya?" tanong niya. Kinagat ko ang aking labi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Wala." desigidong sagot ko. Hindi niya na kailangang malaman iyon. Wala na akong pakialam sakaniya. Simula nung niloko niya ako, isinumpa ko na siya.
"Wala naman iyong idinulot na mabuti sa akin, Alde. Wala na siyang dapat malaman."
"Are you sure? Pareho nating alam na mayroon." seryoso niyang sabi sa akin. Bahala na, basta wala akong balak sabihin sakaniya.
NANG sumapit ang gabihan, tinawag ako ni Kuya Russel. Kakain daw kami. Nakakagulat nga, dahil nandito rin pati si Mommy. Kumpleto kaming lahat, maliban nalang sa Daddy ko. Hindi ko kasi alam kung nasaan siya. Maliban na din kay Akiro. Tapos na kasi iyon kumain. Siguro nag-lalaro na naman ng paborito niyang online game.
"Where's Akiro?" tanong ni Mommy.
"He's in his room, Mom. Do you want me to call him?" si Kuya Donny. Isa ko pang kuya. Actually, lima ang kapatid kong lalaki.
"No. Baka tulog na." sabi ni Mommy. Hindi niya alam na nag-lalaro na naman si Akiro ng paborito niyang laro sa taas. Hay nako talaga iyong sutil na batang iyon. Manang-mana sa mga kapatid naming lalaki. Kaya ganun ang lumalabas sa bibig dahil, naririnig niya sa mga kapatid namin.
"We are going to attend a party. A welcoming party for Travis Kiel Vergara." sabi ni Mommy na nag-patigil sa akin sa pag-subo. Nasamid ako, kaya kinuha ko iyong tubig sa harapan ko tska ininom iyon. Tangina, shet.
"Are you okay, dear?" tanong ni Mommy at sinipat ako. Nag-tataka silang tumingin sa aking gawi. Ngumiti ako at tumango.
"Sorry."
"Kailangan ba natin um-attend ron?" nabo-bored na tanong ni Kuya Westlie. Tumaas ang kilay ng Mommy ko.
"Of course." mataray na sabi ni Mommy.
"Kailan mo balak mag-settle down, Penelope?" tanong ni Mommy. Napatingin naman ako sakaniya. Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Wala pa po sa plano ko iyon, Mom..." magalang na sagot ko.
"How's Kian? Sinadya ko talagang iwan siya sa sala upang makapag-usap kayong dalawa." ngiting-ngiti na sabi ni Mommy. Muntik na akong mapairap. That Kian!
"Ah, 'yung mabaho iyong hininga..." pabulong kong sabi.
"Ano? Yung bad breath?" nilakasan pa lalo ni Kuya Mikael. Siya yung pinakanabwibwiset ako dahil, napaka mapang asar niya! Lagi niya akong inaasar sa tuwing narito siya sa bahay. Depotek.
"What?" nakakunot-noong tanong ni Mommy. Sinipa ko ang paa ni Kuya Mikael sa ilalim ng mesa.
"Aw!" daing naman niya. Nag-tatakang tumingin sa amin si Mommy ngunit maluwag na ngitian ko lamang siya.
"Aw aw di karabaw!" dugtong ni Kuya Mikael. Nag-tawanan sila Kuya Russel pati na rin ako. Parang siraulo naman kasi!
"It's not joke time." sabi ni Mommy sa amin. Natahimik kami. She's strict. Really. Nakakatakot siya dahil, madalas niyang suot ang kaniyang dark aura. Na, kahit sinong tao ay manginginig ang tuhod kapag tinitigan siya. She's strong and powerful just like my Dad. But, my father is more dangerous.
"Penelope, you're getting older." sabi niya.
"She's just twenty-four years old, Ma. Do not force her." seryosong sabi ni Kuya Russel. I'm too young to settle down. I still want to continue my own dreams. Marami pa akong pangarap. Marami pa akong gustong gawin. Napaka-bata ko pa.
Sumama ang tingin ni Mommy sa kapatid ko.
"I'm not forcing her, Russel. Shut up." matigas na sabi ng nanay namin. Kahit na ganiyan siya sa akin, at sa amin mahal ko pa rin siya. Kahit na ganiyan ang ugali niya. Still, nanay ko pa din siya. Siya ang bumuhay sa amin.
Sometimes, I hate her because she's always controlling my life. She's the one who's deciding what I'm gonna wear, kung anong dapat kong kilos and all. Para akong nakakulong at sobrang nasasakal. Wala akong kalayaang pumili kung anong gusto ko. But still, she's my mother forever and will always be.
YOU ARE READING
In The Right Time, My love
Teen FictionDDG SERIES #1 Louisse Penelope Guerrero, came from a very rich family. Her past was traumatic. She wanted to erase all of the memories reminding the one she loved the most. She is trying to forget him and start a new life with someone who she knows...