KABANATA 14Dahil nga sinabi ko kay Akiro na, susunduin ko siya, sinabi ko kay Engineer Fajardo na ibaba ako sa school ng kapatid ko.
"P'wede ka na umuwi, magta-taxi nalang kami." sabi ko nang huminto na kami sa tapat ng gate.
"No, its okay. Ihahatid ko na kayo." sagot niya, at tinanggal ang seatbelt niya. Tinanggal ko na rin ang seatbelt ko.
"Okay, sabi mo 'yan ha." I said, nang makababa kami. Tinawanan niya lang ako. Sinalubong kami ng mga batang nag-sisitakbuhan palabas. Ang cu-cute nila, ang liliit.
"Cute." bulong niya, pero narinig ko kasi malapit ako sakaniya. Nakita ko naman si Akiro, bitbit ang de-gulong niyang bag. Lumiwanag ang mata niya nang makita ako, pero nawala iyon nang makita niya kung sino iyong nasa likod ko.
"Hi!" bati ko, at kumaway. Nakasimangot na naman siya. Hindi ko alam kung pasan niya ba ang earth, kaya siya ganiyan? Tinignan niya lang si Engineer Fajardo..
"Sino siya, ate?" Akiro asked. Napatingin naman ako kay Engineer Fajardo.
"Uh, si Kuya Gabriel mo." sagot ko. Mailap talaga siya sa tao, e. Mahihirapan ka maging close siya. Mahirap hanapin ang kiliti ng bulinggit na ito.
"Hi, Akiro." bati naman ni Kuya- este Engineer Fajardo. Nagagaya na ako, e!
"Hi." sagot naman ni Akiro. Pumunta na kami sa kotse. Pinaupo ko siya sa backseat, at umupo ako sa front seat.
"Boyfriend ka ng ate ko?" he said, referring to Gabriel. Nanlaki naman ang mata ko. Tumawa si Gabriel.
"Gosh, bakit ba tayo napagkakamalang mag-jowa?" sabi ko, sapo-sapo ang aking noo. Mai-issue lang talaga ang mga people ngayon. Makita lang mag-kasama, mag-jowa na. Makita lang kumain mag-kasama, mag-jowa na. Jusmiyo, Marimar.
"No..." sagot ni Engineer Fajardo.
"Really?" nakakunot-noong tanong niya. Bakit ba ang kulit niya? Don't tell me, shiniship niya rin kaming dalawa?
"Sali ka ba sa GabPen malakas, Akiro?" I joked. Kumunot lang lalo ang noo niya. Tumawa si Gabriel. Duh, nag-joke ako. Joke 'yon!
"Yes, we're just friends." sagot ni Gabriel.
"Friends ba, us?"
"Aray, gago." sabi niya, at umakto pang nasasaktan. Hawak niya ang dibdib niya, habang ang isang kamay ay nasa manibela.
"Hoy bibig! Bad Influence ka sa kapatid ko!"
"Ay, sorry." He chukled.
"Ate, I'm hungry." sabi niya.
"Sa bahay nalang tayo kumain, nakikisakay lang tayo e." sabi ko sakaniya. Nakakaabala na kami masyado kay Engineer Fajardo. Nakakahiya na. Nahihiya rin naman ako no, slight.
"It's okay, Ms. Guerrero." aniya.
"Penelope nalang, kapag nasa labas tayo." sabi ko. Nag-mumukha naman siyang driver ko niyan, pag ginaganyan niya ako pati sa labas!
"Okay, Louisse." sagot niya. Napataas ang kilay ko nang banggitin niya ang first name ko.
"Sabi ko, Penelope." I corrected him.
"Para maiba. Bakit, ayaw mo ba?"
Napaisip ako. Lahat ng mga malalapit sa akin, second name ko ang tinatawag sa akin, which is yung Penelope. Nakakapanibago kapag tatawagin niya akong Louisse. Kasi, walang tumatawag sakin non ever.
"Okay lang." sagot ko at kumibit-balikat.
"Teka, paano mo pala nalaman full name ko ha? Stalker ka? Fan ba kita?"
"Hala weh," sabi niya, may tonong pang aasar. Inirapan ko lang siya. Bumaba kami Cash and Carry, Mall. Pumasok na kami sa loob, para humanap nang makakainan.
"Where do you want to eat, Akiro?" tanong ko sakaniya habang hawak ko ang kamay niya. Para siyang pagod na pagod, te. Ang bagal niya mag-lakad. Binuhat siya ni Gabriel. Nagulat siya roon, pero sa huli, sumandal rin naman. Apaka arte talaga, e.
"Mag-jollibee nalang tayo?" tanong ko sakaniya. Tumango lang siya, walang kaemo-emosyon, gigil. Tinignan ko naman si Gabriel.
"Okay lang, doon tayo kumain?" tanong ko. Baka kasi hindi siya kumakain sa mga ganoong fast food restaurant e. Malay ko ba, baka mayayaman na restaurant siya kumakain.
"LV ba 'yang tiyan mo?" tumatawa kong tanong sakaniya.
"No, gucci sis." sagot niya. Natawa ako.
"Joke lang. Oo naman, tara, pasok na tayo." sabi niya, at nauna na. Sumunod ako sakanilang dalawa. Pumila ako, habang nasa gilid ko silang dalawa.
"Ano gusto mo?" tanong ko kay Gabriel. Tumingin siya sa Menu sa itaas. Ang daming tumitingin sakaniya, bukod sa matangkad siya, ang gwapo niya pa. Hindi ko naman maitatanggi iyon e.
"Fried chicken, tska coke nalang." sabi niya. Inilahad niya sa akin ang two thousand pesos. Binalik ko iyon sakaniya.
"Ako na mag-babayad!" sabi ko naman. Nakakahiya na e.
"Just take it, Louisse." seryoso niyang sabi, kaya di na ako nakipagtalo. Sinabihan ko silang humanap ng table, para maupuan namin. Hindi pa naman ako gutom kaya Cokefloat tska burger lang in-order ko.
In-orderan ko si Akiro ng fried chiken, na may spag na kasama tska drink na rin. Hindi nga umabot ng five hundred iyong order namin! Tapos, ibibigay niya two thousand? Kunin niyo na ninong 'to, malaki mag-bigay.
Nakita ko na sila, sa may katabi ng bintana. Pumunta na ako roon, habang dala dala ang tray laman ang order naming tatlo. Nakita kong nakaupo na sa tabi ni Gabriel si Akiro. Kinakausap niya ito, pero natigil rin nang mailapag ko na ang order namin.
Umupo ako sa harapan nila. Binigay ko iyong sukli kay Gabriel.
"Thank you sa libre." sabi ko. Nginitian niya lang ako at inilagay ang pera niya sa wallet. Tinulungan ko si Akiro na buksan ang kanin. Nakabalot pa kasi iyon.
"How's school?" I asked Akiro.
"It's okay, Ate." sagot niya.
"Nakinig ka naman ba, hmm?"
"Of course." sagot niya. Ang kalat kalat kumain, e. Pinunasan ko ng tissue ang bibig niya.
"Weh? Di nga?" pang aasar ko. Sinimangutan niya ako.
"Oo nga." sabi niya, halatang naiinis na.
"Weh? Parang hindi naman..." pang aasar ko pa lalo. Nakasimangot na tinignan niya ako. Nakasalubong na yung kilay niya. Naiinis na siya. Tumawa ako ng malakas.
Ay gago, deputa. Nag-peace sign ako sa mga kumakain na napatingin sa amin.
"I don't want to eat na." mahinang sabi ni Akiro. Tumawa ako.
"Lakas ng tawa, nakalunok ka ba ng mega phone?" hindi makapaniwalang tanong ni Gabriel. Inirapan ko siya. Mahina kong inusog ang plato ni Akiro.
"Sige na, kain na. Ito naman, joke lang e." sabi ko, nag-pipigil ng tawa.
"Bully," sabi ni Engineer Fajardo.
"Ang bait ko kaya."
"I don't think so." sagot niya.
"I den't tenk se." ginaya ko siya.
"Pikon."
"Piken." ginaya ko ulit siya. Akala niya naman maasar niya ako. Iyak muna siya.
"Walang jowa."
"Fuck ka ba?! Asaran lang, walang personalan. Nakakasakit ka e." sabi ko, at dinuro siya habang hawak ang tinidor. Tumawa siya ng tumawa. Tanginang 'to, namemersonal huhu.
YOU ARE READING
In The Right Time, My love
Teen FictionDDG SERIES #1 Louisse Penelope Guerrero, came from a very rich family. Her past was traumatic. She wanted to erase all of the memories reminding the one she loved the most. She is trying to forget him and start a new life with someone who she knows...