Kabanata 3

207 25 14
                                    


KABANATA 3

Nandito ako ngayon sa Guidance Office ng school na pinapasukan si Akiro. Hindi ko pwedeng sabihin kay Mom dahil alam kong magagalit iyon. Uusok ang ilong niyon kapag nagalit. Mas better kung ako nalang ang pupunta dito. Baka ipasara pa ni Mommy ang eskwelahang ito. Kagagaling lang namin, ngayon nandidito na naman kami.

Katabi ko si Akiro. Kaharap namin ang isang balyena este isang nanay. Iyong nanay nung nambully kay Akiro. Pinagmasdan ko siya. Masama ang tingin niya sa akin.

"Kaya naman pala mataba 'yung anak. May pinagmanahan..." pabulong kong sabi. Tumaas ang kilay nung babae.

"Anong sabi mo?" pinanlakihan niya ako ng mata.

"Wala po. Sabi ko, ang sexy niyo." nakangiti kong sagot. Umismid siya at pinay-payan ang kaniyang sarili. Nag-papawis kasi siya, kahit na naka-aircon ang buong kwarto. Bakit kaya?

"So, Ms. Penelope ipinatawag ko kayo rito dahil inireklamo kayo ng nanay ni Lapu Lapuz." sabi nitong Guidance. Ewan ko ba kung anong tawag sakaniya. Basta nung ako'y nag-aaral pa, guidance lang tawag namin sakanila. Lapu Lapuz? Anak ng puta.

"Ano pong inireklamo?" tanong ko. Aba, siya pa ang may ganang i-reklamo kami. E, 'yung anak niya nga na halos pumutok iyong polo dahil sa sobrang taba! Lakas-lakas mambully akala mo kapayatan.

"Sinasabi niya po na kinidnap niyo raw po ang anak niya na si Lapu Lapuz."

Napataas ang aking kilay.

"Excuse me? Kilala mo ba kung sino ang piangbibintangan mo? Huwag ka ngang judger!" sambit ko at dinuro-duro ko pa siya. Habang dinu-duro ko siya, paatras siya ng paatras.

"At bakit hindi kayo ang pag-bibintangan ko? Kayo lang naman ang huling nakausap ng anak ko, bago siya mawala!" nanggagalaiti nitong sabi sa amin.

"Kami agad? Malay mo, hindi niya na kinaya 'yung sikip ng bahay niyo dahil sa katabaan mo kaya siya nag-layas?"

Lalong nangunot ang noo niya. Tinignan ko si Akiro at wala manlang siyang ka-reaksyon reaksyon. Pambihirang bata ito, a.

"Ah, basta! Kakasuhan ko kayo!"

"Proof?" nakataas na kilay kong sabi.

"Hindi na kailangan ng pruweba! Sure akong kayo ang nangidnap sa anak ko! Breng hem hir!" galit niyang sabi. Natawa ako ng malakas.

"Siraulo yata ito, e." sabi ko sa Guidance. Ngumiwi siya habang si Ateng taba naman ay pilit na pinagkakasya ang kaniyang sarili sa upuan. Yung upuan pa ata mawawarak sakaniya!

"Ah, Mrs. Lapuz kailangan po muna kasi ng pruweba... Hindi po maaaring ah, mag-sampa ng kaso ng walang pruweba." sabi ni Guidance. Tumango naman ako. Lakas nito mambintang, depota 'to.

"Akiro Clyde... May alam ka ba kung nasaan si Lapu?" tanong ni Guidance.

"Are you accusing my brother?" tanong ko kay Guidance. Todo tanggi naman siya. Good, mabuti nang nag-kakaintindihan kami.

"No. I don't know where that pig is." nakasimangot niyang sagot. Naiilang na ngumiti si Guidance.

"Ganito nalang ho, ilalapit natin ito sa pulis. Ipapahanap natin si Lapu. At, hindi po natin maaaring sisihin si Akiro at Ms. Penelope dahil wala naman po kayong sapat na ebidensiya." sabi ni Guidance. Binelatan ko iyong si Ateng taba. Umalis na kami ng Guidance Office. Hinarap ko si Akiro nang makapasok kami sa kotse.

"Are you sure you don't know where Lapu is?" seryosong tanong ko sakaniya. Tinignan niya ako ng masinsinan sa mata.

"Binibintangan mo ko?" nakakunot niyang sabi. Mahinang tinampal ko ang kaniyang bibig.

"Kanino mo natututunan iyan ha? Bad ka na, a." sabi ko at pinandilatan siya ng mata. Hindi pu-pwedeng ini-ispoiled siya. Hindi pu-pwedeng hindi siya pagsasabihan. Kasi, pag hindi namin ginawa iyon ay mas lalala ang kaniyang ugali. Sumandal ako sa upuan.

"Sorry..." sabi niya at niyakap ako. Napangiti naman ako at ginulo ang kaniyang buhok.

"Huwag ka kasi sasagot ng ganun. Hindi maganda iyon. Do you understand, Akiro?"

Tumango naman siya at hinigpitan pa lalo ang kaniyang yakap. Mapapaamo naman pala ang batang ito. Hindi ko lang talaga alam kung saan siya pinaglihi. Baka sa sama ng loob? O, kanino nag-mana! Baka kay sama ng loob? Pwedeng both?

Bago kami umuwi, dumeretso muna kami ng Mall dahil nag-rereklamo siyang nagugutom na daw siya.

"May bulate ba diyan sa tiyan mo? Mag-papurga ka na kaya?" sabi ko habang humahanap kami ng kakainan.

"I'm just hungry, Ate." sagot niya pa. May nakita akong magandang sapatos. Kaya tinignan ko iyon. Maganda iyon para kay Akiro. Kinapa ko siya. Tinitignan ko pa kasi iyong sapatos.

"Akiro? Maganda ba ito? Bagay sa'yo—"

Napatigil ako nang maramdaman kong iba na ang nakakapa ko. Matigas iyon. Kaso, parang maliit? At, pahaba? Ano ba ito?! Agad akong napalingon. Nanlalaking tinanggal ko ang kamay ko sa kaniyang 'down there'. Oh my god, nakakahiya! Nakangisi pa naman iyong lalaki. Mukhang manyakis!

"Akiro!" sigaw ko. Bakit bigla siyang nawala? Nasa likod ko lang siya kanina, a! Patuloy ako sa pag-lingap sa paligid. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko.

Nasaan na ba kasi iyong batang iyon? Saan ko siya hahanapin?! Ang laki-laki ng mall, o! Nag-papanic na ako. Hindi ko na alam kung saan ako lilingon. Hindi ko na napigilan ang luha ko at napaiyak na ako. Kinakabahan ako. Baka, may anong mangyaring masama sakaniya!

Napaluhod ako dahil bigla akong nanghina. Iyak lamang ako ng iyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala siya!

"What are you doing?"

Nag-angat agad ako ng tingin. Nanlalaki ang mata kong tinignan siya. Nakakunot ang kaniyang noo. Si Akiro! Si Akiro nga! Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Saan ka ba galing, ha? Bakit bigla kang nawala?!" hindi ko mapigilang hindi siya sigawan dahil sa takot sa aking dibdib. Tumayo na ako at pinalo siya sa puwet. Wala akong pake kung picturan nila ako o tignan. Sobrang nag-alala ako!

"Pumunta sa McDonalds, tagal mo e. I'm so hungry." nakasimangot niyang sabi. Hindi manlang siya nag-reklamo sa pag-palo ko ngunit nakita ko nag sakit na gumuhit sa kaniyng mata. Alam kong gusto na niyang umiyak, pero hindi pinipigilan niya.

"I'm so worried!" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Para akong biglang nanghina, nung malaman kong nawawala siya. Ang batang ito talaga!

"I said, I'm hungry... Can we eat now?" sabi niya. Umirap ako. Nagulat ako nang punasan niya ang luha sa aking mata.

"Don't cry please." sabi niya at tinalikuran na ako. Lakad takbo ang ginawa ko, at hindi na tumingin pa sa kahit saan. Pokus ako sakaniya dahil natatakot ako na baka mawala na naman siya.

"Akiro Clyde! Saglit lang, putragis kang bata ka!"

In The Right Time, My love Where stories live. Discover now