KABANATA 7NANG makababa kami, hindi ko maiwasang hindi mamangha. Ang ganda ganda at tirik na tirik ang araw. Hindi ko alam na ganito kaganda ang pupuntahan namin. Hindi ko na rin natanong kung saan ito at anong okasyon dahil pagkasalampak ko sa aming van ay nakatulog ulit ako.
Sinasabi ko nang kapag ganitong araw ay mahaba ang tulog ko, e. Naudlot lang kanina kasi ginising ako ni Akiro.
"Anong okasyon pala, Kuya West?" tanong ko kay Kuya Westlie habang patuloy na tinatahak ang hotel na aming pag-tutuluyan.
"Welcoming Travis sa gang ulit." kaswal na sabi nito. Napatanga ako sa sinabi niya.
"W-what?"
"Why?" nakakunot noong tanong niya sa akin. Mabilis akong umiling. What the hell? Kaya naman pala hindi sasama si Mommy dahil para sa mga bagets lang pala ito.
"Ibigsabihin, nandito ang buong Dark Demon Gang?" tanong ko sakaniya.
"Of course, Penelope." sabi nito.
"Diba, may welcoming party na siya? Bakit kailangan niyo pang mag-party ulit?" hindi ko mapigilang mag-tanong. Sana pala, ay tinanong ko muna kung anong okasyon para kahit papaano ay naka-hindi ako!
"This is for the gang, young lady." sagot niya. What the hell, talaga namang pinaglalaruan kami ng tadhana! Ano tayo dito tadhana, nag-papatintero?
"Dapat hindi niyo na kami sinama ni Akiro kung para sa gang ninyo ang okasyon na ito." naiinis na sabi ko kay Kuya.
"Alde's here, don't worry." sabi ni Kuya. Napataas ang kilay ko. Bakit hindi niya nabanggit sa akin ito? Malamang ay matagal na niyang alam ito. Hindi niya lang talaga sinasabi sa akin, dahil gusto niyang mag-tagpo kami ni Travis! That bitch!
Napatingala ako sa bulding.
Vergara Tower.
What ever. Pumasok na kami sa loob. May room na para sakanilang buong gang. Tapos, sa kwarto namin ay may dalawang solo na higaan. Malaki ito, kakasya na yata ang limang tao.
Inilapag ko ang mga gamit namin. Iniwan na muna kami nina Kuya, para mag-bihis at mag-pahinga. Umupo si Akiro sa kama.
"I want to swim now, ate." sambit nito. Pabagsak akong humiga sa kama.
"Hindi ka ba napagod sa biyahe?" tanong ko at tinanggal ang aking sapatos.
"No. You?"
"Ako kasi oo." sagot ko at pumikit. Niyugyog naman niya ako kaya napadilat ako.
"You're sleeping the whole ride!" nakasimangot niyang sabi. Napangiwi ako. Bumangon na ako.
"Okay fine... Diyan ka lang, mag-bibihis lang ako." sabi ko. Tinignan niya lang ako. Pumunta ako sa CR dala dala ang two piece ko. Pinatungan ko ang two piece ko ng shorts.
Nang lumabas ako, tinignan niya ako.
"Gusto mo bang mag-palit?" tanong ko. Umiling siya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at, lumabas na kami ng kwarto. Nasaan na kaya si Alde?
Hindi naman kami nahirapang hanapin ang mga kapatid ko at ang mga ka-gang niya. Dahil, naririnig kong pinaguusapan sila ng mga babae. Tska, kitang kita ko sila. Ang lalaki nilang bulto, jusme.
Lumapit ako kay Kuya Russ. Tinignan niya ako.
"Ano 'yan?" sabi niya habang nag-tatagis ang bagang.
"Alin?"
"Iyang suot mo, Louisse Penelope." matigas niyang sabi.
"Two piece with shorts?" sagot ko. Mas lalo siyang nainis sa isinagot ko.
"Go, change." matigas na utos nito.
"Hello? Nasa beach po tayo!" irap na sagot ko. Kumunot lalo ang noo ng kapatid ko.
"Fine. Huwag mo lang huhubarin ang suot mong shorts, a." sabi niya. Tumango ako. Nakita ko namang may pares ng mata na nakatingin sa akin. Napatingin ako sa likod ni Kuya Russ. Tama nga, ex kong hayup. May pa-white long sleeves pa siya! Pa-bukas bukas pa ng butones. Kahit malinis tignan, ang dumi niya pa rin! Inirapan ko siya para malaman niyang gusto ko s'yang ilunod sa dagat peste siya.
Pumunta na kami sa dagat, at mabilis na tumalon sa tubig si Akiro sa tubig. Lumangoy na rin ako. Nasa bandang gilid lamang kami nang mapansin kong lumalayo siya.
"Dito ka lang, Akiro!" sigaw ko at pinandilatan siya ng mata. Lumabi siya at lumapit sa akin.
"Kapag nalunod ka, sino mag-liligtas saiyo ha? Hindi pa naman ako marunong lumangoy!" sabi ko. Lumabi siya at binasa ako kaya binasa ko rin siya. Nakita ko ang ngiti sa kaniyang labi kaya napangiti na rin ako.
Nang mapagod ako, umupo muna ako sa buhaginan. Pinagmasdan ko si Akiro na lumalangoy at tuwang-tuwa. Siguro nga, masaya siya kasi ngayon nalang siya ulit nakapunta rito. Madalas kasi, bahay at school lang siya. Wala siyang nakasasalamuha na ibang tao kaya, medyo ilang siya sa mga tao.
Naramdaman kong may pares ng matang nakatitig sa amin kanina pa. Mag-simula nung lumangoy kami sa dagat. Naiilang ako kaya tumayo ako.
"Kuya Mikael, bantayan niyo si Akiro. May pupuntahan lang ako." sabi ko kay Kuya Mikael.
"Where?"
"Diyan lang!" sagot ko at umalis na. Actually, hindi ko alam kung saan ako tutungo. I just want to be alone. Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Napakasariwa at ang sarap sa pakiramdam.
Lumandas ang luha sa aking mata. Madalas talaga, naiiyak ako nang walang dahilan. Wala, naiiyak lang ako. Hindi ko alam kung anong dahilan. Para akong napupuno. Parang gustong sumabog ng puso ko sa sobrang galit at sakit. Pinalis ko ang luha ko. Malayo na ako sakanila, dahil hindi ko na sila nakikita.
Napatigil ako nang maramdaman kong may sumusunod sa akin.
What the fuck.
Nang mapalingon ako, parang tumigil ang ikot ng aking mundo. Parang kaming dalawa lang ang nasa mundo. Parang biglang nawala ang tao. At, tinutusok ng maraming patalim ang puso ko... Tinalikuran ko siya at mabilis na bumalik sa Hotel namin.
Nagulat ako nang madatnan ko roon si Alde. Pinunasan ko ang aking luha at ngumiti.
"Nandito ka na pala..."
"Why are you crying?"
"Ha? Hindi, a. Napuwing ako, mabuhangin kasi sa labas." pag-dadahilan ko pa kahit na alam kong hindi ko pa rin siya maloloko.
"You bitch, don't lie. What happened?" aniya. Tumakbo ako sakaniya at niyakap siya ng mahigpit at umiyak ng umiyak.
"It hurts..."
YOU ARE READING
In The Right Time, My love
Novela JuvenilDDG SERIES #1 Louisse Penelope Guerrero, came from a very rich family. Her past was traumatic. She wanted to erase all of the memories reminding the one she loved the most. She is trying to forget him and start a new life with someone who she knows...