Kabanata 30

157 11 3
                                    


KABANATA 30

Tahimik na pinagmamasdan ko si Akiro, habang inaayos ang buhok niya nung stylist. Nakasilip ako sa pinto, at hindi niya pa napapansing tinitignan ko siya. Napansin naman ako nung stylist, akmang sasabihin niya na kay Akiro nang sensayasan ko siyang tumahimik. Ang bilis ng panahon. Parang dati lang, kinakarga ko pa siya at ang liit niya pa. Parang dati lang, iyak lang siya ng iyak, ngayon parang matanda na mag-salita.

Ayokong lumaki siya. Gusto ko, forever ko s'yang baby. Sobrang hirap simula nung ipagbuntis ko siya hanggang sa lumaki siya ngayon. Ang daming pagsubok na dumating sa buhay ko, pero nakayanan ko dahil siya yung nag-bibigay ng lakas sa akin. Sobrang laking regalo at blessing niya para sa akin.

Napangiti ako, nang mapansin niya na ako. Tinignan niya lang ako, para bang nag-tataka. Lumapit ako sakaniya.

"O, anong mukha 'yan? Today's your birthday. Hindi ka ba masaya?" nakangiti kong tanong sakaniya. He's so handsome, just like his father. Kuhang-kuha niya ang mukha ni Travis.

Nagulat ako, nang hilahin niya pataas ang gold silk dress ko. May hati kasi sa gitna nito, kaya nakikita rin ang hati ng gitna ng dibdib ko. Sumimangot siya, at pilit na itinataas iyon, para matakpan.

"Ganiyan talaga 'yan, Akiro. Ano bang problema?" natatawa kong tanong. Sumimangot lang siya. Masyadong protective! Parang tatay niya lang rin. Pati ang ugali, nakuha niya kay Travis.

"I hate it, Ate." he said. Para namang nadurog ang puso ko nang tawagin niya na naman akong Ate. Ang sakit lang nun sa part ko, kasi gusto kong tawagin niya akong Mommy. Gustong-gusto kong tawagin niya akong Mommy, e. Gustong-gusto ko.

"Protective naman ng baby boy na 'yan," sabi ko, at pinisil ang baba niya.

"Smile ka na, birthday mo kaya!" sabi ko, tska ko siya nginitian. Ngumiti naman siya ng tipid. Napakasutil talaga! Pero kahit ganiyan 'yan, mahal na mahal ko yan. Siya ang buhay ko, e. Siya yung mundo ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you..." I paused, "anak..." I whispered in his ears. Nagulat naman siya roon, at napaawang ang kaniyang labi. Never ko pa ata siyang tinawag na ganiyan, kaya akala niya siguro, hindi ko siya mahal. Nakita ko ang ngiti niya, at ang namumula niyang ilong at mata. Naiyak ako lalo nang yakapin niya ako ng mahigpit, at nang umiyak siya sa dibdib ko.

Umalis muna ako saglit, para tignan kung anong nangyayari na sa baba. Marami-rami na ang bisita, pero isang tao lang ang hinahanap ko. Si Travis. Sabi niya, papunta na daw siya, na-traffic lang. Hindi ko alam, na-eexcite ako at the same time, kinakabahan.

"Hoy bruha, sino hinahanap mo?" tanong ni Alde, habang inaayos ang hikaw niya.

"H-ha? Wala, tinitignan ko lang mga bisita." pag-sisinungaling ko sakaniya.

"Weh? Lul," sabi niya. Alam ko namang hindi siya maniniwala sa dahilan ko dahil, para akong tangang palinga-linga sa paligid e. Ilang minuto pa ang nakalipas, hindi ko pa rin siya makita. Baka hindi na siya pupunta? Sayang naman.

Mag-sisimula na ang party, kaya kinuha ko na si Akiro sa dressing room. Ako ang sasama sakaniya, pag-baba ng hagdan. Ni-request ko 'yon kay Mommy, at pumayag rin naman siya doon. Hanggang sa makababa na kami sa hagdan, lumilinga-linga pa rin ako sa paligid. Umaasa kasi akong makikita ko pa siya. Sabi kasi niya, pupunta siya e.

After the greetings and all, napatalon ako sa gulat nang mag-dim ang ilaw sa paligid. Lumabas si Travis sa dilim, at narinig ko ang bulung-bulungan sa paligid. Ang mga tao, pamilya ko, si Alde, at si Akiro'y naguguluhan sa nangyayari. Karga-karga ko siya, at nakita ko ang nakakunot niyang noo habang nakatingin kay Travis. Kami lang kasi ni Travis ang may alam kung anong mangyayari. Napagdesisyunan naming i-sikreto namin 'tong plano sa aming dalawa lang.

In The Right Time, My love Where stories live. Discover now