Kabanata 12

162 16 2
                                    


KABANATA 12

After namin mag-lunch, bumalik na rin siya sa trabaho niya at ganoon rin ang ginawa ko. Mabilis namang lumipas ang oras, dahil sobrang busy ko nga at marami akong ginagawa.

Tumayo na ako para mag-handa na pag-uwi. Inayos ko na ang gamit ko at nag-retouch nang kaunti bago lumabas ng opisina ko.

"Ingat po sa paguwi, Ms. Guerrero!" bati ng isang nag-tatrabaho rito. Ngumiti lamang ako sakanila. Pumasok ako ng elevator, pipindutin ko na sana, nang pumasok si Engineer Fajardo.

Nakita iyon ng ibang employees, kaya nag-bulong bulungan sila habang kinikilig yata. Akala siguro nila, love team kami ni Gabriel. GabPen lang ba malakas? Natawa tuloy ako sa sarili kong iniisip, putragis.

"Why are you laughing?" tanong niya nang mag-sara ang elevator. Napatingin naman ako sakaniya, at nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. Tangina, kahiya! Bobo kasi nitong utak ko, ang funny e. Haha!

"Wala..." sagot ko, at ibinalik ang tingin sa harapan. Ang awkward lang, dahil walang nag-sasalita sa aming dalawa. Anong sasabihin ko? Tatanungin ko siya kung anong kulay ng brief niya ganon?

Depungas, ano bang naiisip ko?! Nahawa na ata ako kay Alde, My god. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi, para pigilan ang pagtawa. Letseng utak 'to, ang korni korni korni.

"Pauwi ka na?" tanong niya, nang mag-bukas na ang pinto. Pareho pala kaming sa parking lot ang baba. Lumabas na ako at tumango.

"Yes."

Mabilis ko namang nahanap ang kotse ko. Humarap ako sakaniya, at ngumiti.

"Take care, Engineer Fajardo. Thank you again for the lunch." nakangiti kong sabi. Tumango lang siya. Pumasok na ako, at pinaandar ang kotse. Ang bait niya no? Iniisip ko, kung ganoon ba siya sa lahat ng tao? Ang bait niya naman, kung ganoon.

Nang makarating ako sa bahay, nakita ko roon si Kuya Westlie nanonood ng TV sa sala.

"Where's Mom?" tanong ko.

"Business trip." simple niyang sagot. Tumango ako at umakyat na sa kwarto ni Akiro, para i-check siya. Nakita kong nag-cocomputer na naman siya. Namewang ako, dahil hindi niya ako napapansin. Busy siya sa paglalaro ng taong box ang katawan.

"Akiro." pag-kuha ko ng atensyon niya. Tinignan niya naman ako. Lumapit ako sakaniya, at in-off ang computer. Tinignan niya naman ako at sinimangutan.

"Nagawa mo na ba homeworks mo?" tanong ko, at inilapag ang bag ko sa table. Umiling siya. I sighed. Binuhat ko siya pababa.

"Go, get your bag. I'll help you." sabi ko. Wala naman siyang nagawa, kundi, kunin ang de-gulong niyang bag. Inilapag niya ang assignment niya sa kama, kaya umakyat siya roon. Umupo rin ako para tignan ang assignment niya.

Jusmiyo, kocolor-an niya nalang, tinatamad pa siya?

"Color-an mo na." sabi ko. Tumango naman siya at nag-color. Binantayan ko lang siya hanggang sa matapos.

"Did you eat na?" I asked, habang binabalik na niya ang bag niya sa gilid.

"Yes." sagot naman niya, at umakyat nang muli sa kama. Pinahiga ko na siya, at kinumutan.

"Sleep na." sabi ko.

"C-Can you read me a story?" nahihiyang tanong niya. Ngumiti naman ako at hinaplos ang buhok niya. Tumango-tango ako.

"Of course," sabi ko, tska kinuha ang paborito niyang libro. Kinwentuhan ko lang siya, hanggang sa makatulog siya. Alam kong kapag ganoong mga request, nahihirapan talaga siyang sabihin. Ganoon ang ugali niya, e. Hindi ko alam, kung bakit.

Madalas, tahimik siya. Para siyang misteryoso. Hindi mo malalaman kung ano nararamdaman niya, kasi hindi niya naman sinasabi. Pero, may mga oras na malambing siya. Sumpungin nga lang talaga.

Nang makatulog siya, kinuha ko na ang bag ko sa table at pinatay na ang lamp sa gilid niya. Umalis na ako at sinara ang pintuan. Sobrang pagod ko ngayong araw.

Kaya, dumeretso na agad ako sa kwarto ko at nag-shower. Nag-palit na ako ng sando at shorts, para presko. Humiga na ako, at chineck ang social media accounts ko. Hindi na ako kumain, kasi tinatamad na ako. Bukas nalang umaga.

Nakita kong may nag-follow sa akin. Tinignan ko kung sino iyon.

@/mistyquarez

Napataas ang kilay ko. Bakit niya ang finallow? Tinignan ko ang account niya. Hindi naman sa pagiging stalker pero parang ganoon na nga. I checked one of her story highlights na may title na, "baby yuan".

Nakita kong siya iyon, at may hawak na baby. Yung iba, mga picture nalang nung baby. May baby na sila? May baby na siya?

Oh god, bakit ba ako naiyak?! Ampucha, sobrang cute kasi nung baby e haha.

Nag-message si Zab, pinsan ko. She's a model. Binuksan ko agad iyon.

From: Zabbiana
let's party, saturday. 10 pm!

Joke lang iyang ipinangalan ko sakaniya. Wala, katunog lang e. Model si Zab, anak siya ng kapatid ng Daddy ko. Super active n'yan, kapag party pinaguusapan. Tska, isa iyan sa mga kainuman buddies ko bukod kay Alde.

To: Zabbiana
okay, libre mo ha.

Nag-reply naman agad siya.

From: Zabbiana
ano ba yan, yaman yaman, nag-papalibre!

To: Zabbiana
mahirap na ang buhay ngayon, boba

From: Zabbiana
oo, libre ko! basta, pumunta ka ha. kapag di ka pumunta, mababaog ka tanginamo.

To: Zabbiana
oo nga, puta 'to.

Natawa ako. Binalaan pa ako! Pinatay ko na ang phone ko. Namimiss ko na rin mag-party, with my cousin and friends e. Sobrang busy ko sa trabaho, kaya kapag nag-aaya siya, di na ako nakakasama.

Nagising ako nang may marinig akong ingay. Parang tinatambol! Napaupo ako, at tinignan ko si Kuya Donny na pinaghahampas iyong kaldero at sandok.

"Anong trip mo?!" naiinis kong sabi.

"Gising na! Matutulog na tayo!" sabi niya, habang tumatawa. Pinaghahampas niya parin iyong sandok at kaldero.

"Argh, stop it!" sigaw ko, at tinadyakan siya. Nakaiwas naman si gago. Tangina, ang sakit sa tainga! Ginising ako para sabihin matutulog na?!

"Ang mature mo, grabe." sarcastic kong sabi sakaniya, habang ginugulo ang buhok ko sa inis.

"Oo naman, sarap ko pa diba." nakangisi niyang sabi, at umalis na. Tangina, umagang-umaga, naiirita na naman ako! Putragis kasi si Kuya Donny e! Lakas ng amats, ampota. Nalaglag ata turnilyo sa utak, gago.


In The Right Time, My love Where stories live. Discover now