Kabanata 11

159 21 5
                                    


KABANATA 11

THE car stop at Alde's house. She kissed my cheeks. Matapos naming pagusapan iyong nangyari sa opisina ni Travis, gumala muna kami sa mall. Para daw lumamig iyong ulo ko. Tanghali na nang matapos kami, kaya heto kami ngayon hinahatid si Alde sa bahay nila.

"Chill ka lang, mahimatay ka dyan bigla." natatawa niyang sabi. Inirapan ko siya. She waved good bye so, I waved back. Umandar na ang van. Hindi parin matanggal sa isipan ko iyong sinabi ni Alde.

What if, he's still in love with me? Gaya ng sabi ni Alde? Pero, imposible. Kasi, noon pa man, hindi niya naman ako minahal e. Paanong in love pa rin siya sa akin hanggang ngayon. Until now, ang sakit pa ring isipin. Na, niloko niya ako noon. Pinaglaruan at pinag mukhang tanga.

Paano nagagawa ng isang taong lokohin iyong taong mahal na mahal sila? Paano niya nagawang gawin iyon sakin? I gave him everything. Hindi pa ba naging sapat iyon? Damn, it hurts. Sa araw-araw na ginawa ng diyos, lagi kong naaalala kung paano ako umiyak noon dahil sa sakit. I never asked for his explanation. Kasi, alam kong puro kasinungalingan nalang iyong lumalabas sa bibig niya.

Kahit na, naka move on ako, nandidito pa rin yung sakit. Naka move on na ako, pero nandito pa rin iyong kirot. Nandito pa rin iyong katanungan sa utak ko na alam kong siya lang ang tanging makasasagot nun.

Napatingin ako kay Manong nang tapikin niya ako.

"Ma'am, nandito na po tayo." sabi niya habang tinitignan ako. Napangiwi ako at tumango. Kanina niya pa siguro ako tinatawag pero hindi ko siya naririnig dahil lilipad ang isip ko. Bumaba na ako sa aming van, at pagpasok ko pa lamang ng Mansyon, sinalubong na agad ako ni Mommy.

"You're already here, hija!" nakangiting bati nito at bineso pa ako. Nangunot ang noo ko. Hindi na ba siya galit sa akin? Hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kami sa dining area.

"Let's eat, hinintay talaga kita para sabay tayong kumain." nakangiti nitong sabi at umupo. Umupo na rin ako. Naiilang na tiningnan ko ang Mommy ko. Parang ang saya saya niya yata? Hindi na ba siya nagagalit sa akin? O, baka nagka-amnesia siya? Jusko, ano ba itong naiisip ko?! Punyemas!

"Uh... Mom, I'm sorry for what happened—"

"Oh, no, no. It's okay, dear. Besides, nabalitaan ko na nag kausap na kayo?" nakangiti nitong sabi sa akin. Natahimik ako at kinagat ang aking pang ibabang labi. Kaya pala masaya siya. Naiintindihan ko na... Akala ko naman, napatawad niya na talaga ako. Well, napatawad niya na nga ako, pero dahil nga roon kasi nag-kausap kami.

"Ah... Okay po." sabi ko na lamang at kumain. I don't know what to feel. Happy? Sad? Or both? Or, no emotions at all? I don't know.

"That's a good start for the both of you.  Penelope, kaibiganin mo si Travis. He's a successful man. You're too lucky, kasi after that incident, kinausap ka pa rin niya!" seryosong sabi nito. Napatigil ako sa pagsubo at nag-angat ng tingin.

"But, I don't want him Mom." sagot ko. Nawala ang ngiti ng Mommy ko at napalitan ito ng lungkot at dismaya.

"I want him for you, Lope. I know, he's a good man. Hindi ka nun sasaktan, anak."

Mapait akong napangiti, "Nasaktan niya na ako, Ma. Di mo lang alam," bulong ko.

"Hmm?" tanong ni Mommy. Ngumiti ako at umiling naman.

"Ang daming nag-sasabing bagay kayong dalawa! So, go for it, give it a try." sabi pa nito. Hindi na ako nag-salita. Gulong-gulo na ako sa buhay ko at gusto ko na lamang gawin ay mag-pahinga.

Pagpasok ko ng building, sinalubong ako ng sekretarya ko na si Coleen. May dala siyang roses. Akala ko sakaniya iyon, pero nagulat ako nang ilahad niya sa akin.

"Ma'am, may nag-papabigay po!" nakangiting sabi niya. Napataas ang kilay ko at tinanggap iyon. Sinenyasan ko siyang siyang sundan ako sa opisina ko. Umupo ako sa upuan ko, at nilapag ko iyong roses.

"Kanino galing?" tanong ko, at uminom sa tumbler ko.

"Kay Sir Gabriel po!" sabi niya pa, habang kinikilig. Nangunot ang noo ko lalo.

"Engineer Fajardo?" tanong ko. Agad naman siyang tumango, at kinilig muli. Maraming nag-kakagusto doon, kasi nga pogi tapos Engineer pa. Kadalasan, gusto ng mga babae, Engineer e. Kung hindi Engineer, Architect, Pilot, and more.

"Bakit niya ako binigyan niyan?" tanong ko. As far as I know, hindi naman kami close no! Nanliligaw ba siya?

"I don't know po, e. Pero, mag note daw na nakaipit diyan Ma'am! Hindi ko binasa, promise! Pero, feeling ko nakalagay e, good day, Ms. Guerrero!"

Napatingin ako sa yellow na papael na nakaipit.

Good Day, Ms. Guerrero! ♡

Tinaasan ko ng kilay si Coleen, "Hindi mo nga binasa." sabi ko. Tinawanan niya lang ako at nag-peace sign. 

"Finally, mag-kakajowa ka na Ma'am!" nakangising sabi ni Coleen. Gagang 'to, pinaramdam lalo sa aking single ako! Putragis, sisantihin ko kayo 'to? Syempre, joke joke lang hihi.

"Gusto mo mawalan ng trabaho?" nakangiti kong tanong. Ngumiwi naman siya.

"Grabe,"

I laughed, "Joke lang! Anong sched ng mga meetings ko ngayon?" tanong ko. Ngumiti naman siya at ipinakita sa akin iyon. Ngayon, may dalawa akong meeting na aattend-an.

Mabilis rin namang natapos iyon. About iyon sa gagawing project sa Cavite. Pagod na umupo ako sa upuan ko, at sinandal ang likod.

May nakita akong bulto ng tao, sa may pintuan. Hindi iyon, clear pero transparent siya. Tumayo ako, para buksan iyon. Nabigla ako nang makita si Engineer Fajardo sa harapan ko, nakangiti.

Tinignan ko siya sandali, bago ngumiti.

"Come in." I said. Pumasok naman siya, at umupo kaming dalawa sa sofa. Nilapag niya iyong tupperware, at drinks sa harapan ko.

"It's your lunch. Eat well." nakangiti n'yang sabi, at akmang tatayo na pero pinigilan ko siya. Napatingin naman siya, at umupong muli sa tabi ko.

"Eat lunch with me." nakangiti kong sabi. Nabigla naman siya roon, pero tumawa rin sa huli. Hindi ko siya nilalandi, okay? Hindi ko rin siya gusto. Friendly lang talaga ako sa mga nagta-trabaho rito sa company! Tska, ang bait niya, para dalhan ako ng lunch. Nakakahiya naman kung hindi ko siya ayain no.

Mukha rin naman siyang mabait, e.

"So, how's work?" I started a conversation, while we're eating.

"Exhausting." sagot niya, at tumawa.

"Ikaw ang in-charge roon sa project sa Cavite dapat hindi ba?" tanong ko. Ang laman ng tuppeware ay chapsuy and a rice. Yung drink naman, is from starbucks coffee. Masarap siya. Yung pagkain, a.

"Yes. But, I refused it. It's just, I have to much on my plate right now." sagot naman niya. Napatango ako. Tama naman siya sa part na iyon. Siguro, nakakapagod rin maging Engineer ano?

"Who cooked this?" tanong ko. sabay turo sa food.

"Oh... Me." sagot ni Gabriel. Wow, ang galing niya mag-luto, a!

"It's delicious!" puri ko, kasi totoo naman talaga.

"Thanks, I'm glad you liked it." nakangiti niyang sagot. Pwede na siya mag-chef! Woa, Engineer na, Chef pa. May taga gawa ka na ng bahay, may taga luto ka pa!

In The Right Time, My love Where stories live. Discover now