Kabanata 28

133 11 2
                                    


KABANATA 28

Tahimik na pumasok ako sa bahay. Deretso lang ang lakad ko. Ang hina-hina ng tuhod ko kaya pakiramdam ko ay babagsak nalang ako anytime. Parang na-blangko ang isip ko. Gusto ko nalang mahiga, at umiyak sa kwarto ko. I don't even want to talk to anyone, right now. This is just too much for me. I can't handle it. I want to rest, I want to rest my mind, and my body.

"Hey, are you okay?! What happened to you, huh?" my Mom asked me. I looked at her. Hindi ko alam, pero niyakap ko siya. Gusto ko siyang yakapin, kasi gusto ko lang maramdaman ang yakap ng isang ina. Kahit ngayon lang, kahit ngayon lang talaga. Alam ko na kung gaano kahirap sa part ng isang babae at ina iyong lokohin ka ng taong mahal mo.

"Sorry, Mom..." umiiyak na sabi ko sa balikat niya. Never akong naging ganito sakaniya, simula nung nag-highschool ako. Nung bata pa ako siguro, siyempre. Pero ngayon kasi, hindi na kinakaya ng katawan ko lahat ng pasanin kong sakit at galit.

"What? Why are you apologizing?!" my Mom's voice, raised. Siguro, sobrang stress niya na rin dahil hindi na alam kung anong nangyayari sa akin.

"I'm pregnant, Ma." sabi ko, napabitaw siya sa akin at gulat na tinitigan ako. Sobrang unexpected ng pag-amin ko. Hindi ko pinlano ito. Ayon iyong lumabas sa bibig ko e.

"W-what did you say?"

"I'm pregnant," mahina kong sabi, pero sapat na para marinig niya. Hindi na ako nagulat nang sampalin niya ako, pero masakit pa rin. Hindi ko na iniinda iyong sakit sa pisngi ko e. Iyong sakit sa puso ko, ramdam na ramdam ko.

"Paano mo nagawa sa akin 'to ha?! You're still studying, Penelope, for pete's sake! Oh my god!" sigaw niya, at napaupo sa sofa.

"Anong pumasok r'yan sa kukote mo, ha?! Hindi mo manlang ako inisip, bago mo ginawa 'yan! Iyong paghihirap ko sainyo, sayo, hindi mo manlang inisip?! My god!"

"S-sorry, Mom..." sabi ko. Alam kong mali ako. Alam kong mali ko. Hindi ko naman itinatanggi. Pagkakamali kong nag-mahal ako ng lalaking lolokohin lang ako.

I'm sorry, Mommy.

"Who's the father?"

"Ma..."

"Who's the goddamn father, Penelope?!" she shouted. Umiling-iling ako, at patuloy na humikbi. Naninikip ang dibdib ko. Gusto ko nalang matapos ang lahat nang ito. Napapagod na ako.

"I-I don't know..." I lied. Of course, Travis is the goddamn father of my child!

Napapikit ako nang mabitawan niya ang basong hawak niya. Nag-angat ako ng tingin, at nakitang nangingilid ang luha ni Mommy sa sulok ng mata niya. Namumula na ang mata niya, pero pinipigilan niyang umiyak. Hindi ko maintindihan kung bakit.

"Anak naman..." mahina niyang sabi. Nagulat ako sa sinabi niyang iyon, pero mas nagulat ako nang tahimik siyang umiyak. Bihira kong makitang umiyak si Mommy. Bihirang-bihira ko siyang makitang umiyak. She's the strongest woman I know. Kaya, labis akong nagulat nang makita ko siyang humikbi ngayon sa harapan ko.

"Sana manlang nag-isip ka bago mo ginawa. Hindi mo manlang ako inisip. Gusto kitang makapag-tapos ng pag-aaral. Gusto kong makitang successful ka. Gusto kong makitang mayroon kang masayang pamilya... Bakit mo naman ginawa 'to sa sarili mo?"

Napaiyak ako sa sinabi niya. I badly want to hug her, pero sobrang nanghihina na ang katawan ko. Parang hindi ko na kayang tanggapin at saluhin ang lahat ng sakit. Napapagod na ako.

Mommy, niloko rin ako ng lalaking mahal na mahal ko. I badly want to say that to her but, I chose not to say anything.

Tumayo siya, at nilapitan ako. This time, namumula nalang ang mga mata niyang galing sa pag-iyak. Seryoso na ang mukha niyang nakatingin sa akin. Pero, nakikita ko pa rin ang paghihinayang, gulat, at lungkot sa mga mata niya.

In The Right Time, My love Where stories live. Discover now